Chapter 8

1642 Words
AODIE "Ano itong naririnig ko na nagbalak kang tumakas kagabi? Aodie! I will not tolerate this matter! You know that I don't want anyone to disobey me!" may diing saad ni Don Marcelino Alas kwarto pa lang ng madaling araw nandito na ito kasama namin sa training room. Mukhang sinumbong ako nitong bwisit na yelo na ito! Kanina pa s'ya nandito pero inantay n'ya lang na matapos kami ni Cold sa iba pa naming ginawa katulad ba lang ng firing at guns assemble na mas pinahirap nitong bwisit na Cold na ito! Kung noon, nasa harap ko lang ang mga parts ngayon, kailangan kong hanapin ang mga iyon sa loob ng training room. Pareho kami at kapag nahanap namin iyon, we have the freedom to shoot each other. Sayang lang kasi sabay kaming nakabuo at nagtutukan sa isa't isa. "Pasensya na ho kayo, Don Marcelino. Gusto ko lang naman pong makita sila mama.. hindi ko po kasi sila makontak," malungkot at nakayukong saad ko. Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga kaya napaangat ang ulo ko. "I'll send someone para ikumusta ka sa pamilya mo para mapanatag ka, but don't disobey me again! Understood?" Mabilis akong tumango at bahagyang ngumiti sa sinabi n'ya. Ngumiti na din s'ya at ginulo ang buhok ko ng unti. "Salamat po," "Okay! You two go back to your training and I will take some rest," saad nito at tumalikod na paalis. "You have Don Marcelino's favor.. no wonder you are so stubborn, how many times did Don Marcelino use you? Twice a week? Every night? Or every time he wants? I wonder," mapang insultong saad ni Cold kaya naman kahit ayaw na ayaw ko s'yang tignan nabaling ang tingin ko sa kan'ya. "Maybe every time he wants to f*ck me! Happy?" bwelta ko sabay talikod. "You are just like any other woman here. Wh*re, b*tch and flirt." rinig ko pang usal n'ya. "Hindi ako ganon! Wag kang manghusga sa kapwa mo! We didn't know each other kaya naman wala kang karapatan na husgahan ako base lang sa sagot ko," madidiing sagot ko sa kan'ya pero nagkibitbalikat lang s'ya. "Yeah! We don't know each other, so stop asking personal questions about me to our colleagues," saad nito at naglakad na nilagpasan pa ako. Nakapawalang hiya talaga ng lalaking 'to. Sumunod ako sa pinuntahan n'yang kabinet kung saan nandoon ang mga protective gear namin para sa combat training. Sinuot ko ang mga ito at gumalaw-galaw para tignan kung komportable ba ako. "Let the battle begin!" sigaw ng kung sino kaya naman napatingin ako dito at nakita ko si Benj na papalapit sa amin habang may ngiti sa labi. "Miss me?" tanong nito pero umiling lang akong nakangiti. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kan'ya nang makalapit s'ya. "Marami akong need ituro pa sa iyo about sa mga baril na binebenta natin sa iba't ibang bansa kaya naman nandito ako. Katulong ako ni Cold na mag training sayo about doon," turan n'ya kaya napakunot ang noo ko. Bago pa ako makapag tanong, agad na sumigaw si Cold. "Let's fight!" Tinignan ko ito at nakita kong wala s'yang gear sa kahit saan, pero meron s'yang small na punching gloves! "Good luck!" saad ni Benj at tinapik pa ako sa balikat ko. Pumasok ako sa isang ring pero walang nakalagay sa gilid. Ganon ang sparing area dito sa amin, para kapag sinipa ka at tumalsik deretso gulong ka pababa. "I won't be gentle to you," walang emosyon na saad nito na ikinangisi ko. "So do I," tugon ko at doon na kami nag umpisa. Pareho kaming nag-aantayan at parehong nagpapakiramdaman sa gagawin ng bawat isa. Agad din naman akong sumugod nang makakita ako ng blindspot sa kan'ya pero nagkamali ako dahil mukhang sinadya n'ya iyon para maisahan ako! Totoo ngang hindi s'ya magiging gentle sa akin dahil nararamdaman kong may dugong lumalabas sa labi ko. Nasapak n'ya kasi ako. "I told you, I won't be gentle-" Naputol ang sasabihin n'ya nang sipain ko ang mukha n'ya na ikinatagilid ng mukha n'ya. Narinig ko naman ang pag 'oww' ni Benjie dahil sa ginawa ko. "Ang dami mong satsat! Laban-" Halos mapaupo naman ako nang maramdaman kong may sumuntok sa sikmura ko. Napaubo-ubo pa ako at halos kapusin ang hinga dahil doon. Agad kong tinignan ang may sala no'n at nakita kong seryoso na s'ya sa ginagawa n'ya. Sasapak pa sana s'ya ng isang beses pero mabilis akong gumalaw para umiwas kahit pa hirap pa rin ako dahil sa iniindang suntok sa sikmura ko. Matangkad si Cold kaya alam kong hindi ko s'ya mapupuruhan sa mukha pag suntok ang ginamit ko. Pero pag sumipa naman ako pwedeng baliin n'ya ang hita kong nakaapak sa sahig kaya naman sa katawan ko lang s'ya mapupuruhan. Dahil sa pag iisip ko sa gagawin ko, muli na naman akong nakatanggap ng isang sapak sa pisngi ko. Pero dahil parang bigla akong tinamaan ng adrenaline ko sa katawan, wala na ang sakit kaya nakayanan kong gumanti nang buong lakas ko. Lumipas ang mahigit kumulang isang oras, natapos ang sparing namin at syempre alam kong talo ako pero alam ko din na hindi ako nalamangan dahil kung titignan ang mukha ni Cold, may mga pasa at pumutok na parte ng kilay at labi n'ya. "Grabe, Aodie! Napuruhan mo din talaga si Cold! Ang lakas mo talagang babae! Pero kailangan mo ng magpalit dahil kakain na tayo, maligo ka na muna tapos sa taas na natin gamutin iyang mga pumutok na parte ng mukha mo," saad nito at tinulungan akong mag lakad. Aaminin kong napakahirap nitong ginawa namin ni Cold! Dahil wala kami gaanong gear na ginamit at parang gusto talaga naming magkasakitan dalawa. Muli kong tinignan si Cold na hindi ko na naman mababakasan ng kahit na anong emosyon pero pakiramdam ko masakit ang katawan n'ya. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Bigla akong nahiya at nawala lahat ng tapang ko. Ano ba iyon? "Ayos ka lang, Cold?" tanong ni Benjie habang inaalalayan na ako nitong maglakad. "Yeah, I'm fine." tugon nito, "take some rest tomorrow," saad nito at alam kong para iyon sa akin. Nauna pa s'yang lumabas na parang wala talaga iyong mga suntok at sipa ko sa kan'ya. "Kaya n'ya sarili n'ya. Independent iyan si Cold kaya okay lang s'ya," rinig kong saad ni Benjie. "Hindi kaya malungkot ang buhay ng lalaki na iyon kaya walang emosyon lagi," usal ko na ikinatawa n'ya lang. "Wag mo na isipin si Cold, lalo kong napapatunayan na type mo s'ya e," biro nito pero hindi ako natawa dahil totoo naman na crush ko si Cold kaya nga naiinis ako sa mga pinagsasabi n'ya at pinapapagawa. Feeling ko kasi, hindi n'ya ako nakikitang babae kun'di para lalaki. "SO ETO iyong isang warehouse na tayo ang nagpapatakbo, katulad noon, maraming nakalagay dito na mga dekalibreng baril at iba't ibang smuggled guns," bungad ni Benjie sa akin habang itinuturo n'ya ang mga warehouse na kami ang nagpapatakbo. "Sinong gumagalaw dito at bakit nakalagay dito na dalawa ang tao ang may-ari nito?" tanong ko sabay tingin sa kan'ya. "Yes, bukod kay Don Marcelino, the guy named Bryan Kluster Vicente is also the owner of this warehouse. Apo s'ya ng namayapang si Senyor Klyde. Hindi ko pa s'ya nakikita dahil hindi naman din iyan nagpapakita talaga, s'ya ang namahala sa mga underground businesses na naiwan ng lolo niya, bukod doon balita isa yang mafia sa ibang bansa dahil nga minana n'ya ang posisyong naiwan ng lolo niya," saad nito sabay ayos ng upo. Tumango-tango na lang ako bilang sagot sa mga sinabi n'ya. "Makapangyarihan pala ang mga Vicente, 'no?" saad ko dito na ikinatango n'ya ng mabilis. "Sobra! Legal at illegal din ang businesses ni Senyor Klyde at ang sabi lahat ng underground businesses nga ay doon sa Bryan ipinamana pero ang pinakamalaki at sariling kompanya talaga ng Senyor ay ipinamana nito sa nag-iisang babae ng angkan ng Vicente, pati lahat halos ng ari-arian nito, mula bahay at kotse pati maliliit na bagay ay doon ipinamana," kwento nito, "pareho nung Bryan, hindi pa rin iyon nagpapakita," "Ang swerte nila dahil hindi na nila kailangan magtrabaho para kumita ng pera, bata pa lang sila meron na agad nag-aabang sa kanila na yaman," mahinang saad ko habang pinagmamasdan ang iba pang warehouse na sinasabi ni Benjie. Maswerte sila dahil hindi namin katulad na kailangan magbanat ng buto para magkaroon ng kakainin kinabukasan, hindi nila aalalahanin kung ano ang magiging future nila dahil secured na ito at hinihintay na lang sila. "Maswerte din naman tayo dahil napunta tayo kay Don Marcelino dahil kung sa iba tayo napunta, tingin mo ba magiging ganito ang buhay natin?" saad nito tapos at inilipat sa ibang folder ang usapan namin. Napatango na lang ako dahil may point naman s'ya, hindi man maganda ang trabaho namin, maayos naman ang buhay namin dito. Higit sa tatlong beses kaming kumakain, maayos ang mga damit, nakapagtapos ng pag-aaral at higit sa lahat matapang kami. Nagpatuloy kaming muli sa pag-uusap hanggang sa dumating si Don Marcelino sa silid kung nasaan kami. May kasama s'yang isang lalaki at mukhang abogado n'ya ito. May mga bitbit itong folder na makakapal ang papel na nandoon. "Aodie, read all of this. Aralin mo lahat ng mga ito. That's the document from our legal and other businesses.. If you have questions about that, go to Cold, s'ya ang sasagot ng mga tanong mo," saad nito. Ibinigay sa akin ng kasama n'ya ang mga folder na hawak nito. "Lahat ho ito ay babasahin ko?" tanong ko sa magalang na paraan kahit gulat ako sa sinabi n'ya. "Yes! You need to learn about our businesses," saad nito. "Stop complaining and read all of that, para na rin iyang parusa mo dahil sa pagtatangka mong tumakas kagabi," saad nito at tumalikod, na sinundan din agad nung alalay n'ya. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD