Part 1: Bagong Simula

1859 Words
MGXMBS Book 2 The Rise of the Gods AiTenshi July 15, 2021   Madalas kong napapanaginipan ang nakaraan na para bang ang lahat ay kahapon lang naganap. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay binabalot ako ng hindi maipaliwanag na takot at pangamba.   Malakas ang buhos ng ulan noong mga sandaling iyon. Ang lamig ay nanunuot sa aking katawan at tuwing tumitingala ako ay nakikita ako ang malamlam na kulay ng buwan. Walang direksyon ang aking pagtakbo, ang mga sugat sa aking katawan ay kumikirot habang ang mga dugo dito ay dumadaloy sa aking balat kasabay ng pagbagsak ng malamig na pagbuhos nito.   Ang aming kinasasangkutan ngayon ay walang katapusang digmaan, walang hanggang labanan at ang malakas ay mabubuhay, ang mahina naman mamamatay. Iyan ang batas ng kalikasan, pero sa tingin ko hindi na mahalaga ito dahil sa mga oras na ito ay alam ko na ang magiging resulta ng lahat.   Tuloy pa rin ako sa pagtakbo, hinahabol ko ang aking paghinga. Malakas ang buhos ng ulan at ang mga kidlat sa itaas ay bumagsak sa aking kinalalagtan. Sa kadiliman ng pagilid ay pilit kong tinatawag ang pangalan ng dalawang taong nagbigay ng kahulugan sa aking buhay. "Rael!! Rouen!! Nasaan na kayo??!" ang pagtawag ko na halos hindi na makakita sa dilim ng kapaligiran.   Halos ilang minuto rin ako tumatakbo sa loob ng kakahayuan at noong makalabas ako dito ay tumambad sa akin ang isang malalim at malawak na bangin.   Dead end.   Nahulog ang mga bato sa tinatapakan kong parte nito kasabay noon ang malakas na pag-ihip ng hangin na para bang kasamang pag-iyak.   Malakas pa rin ang pagdagundong ng kulog noong mga sandaling iyon. At noong mapatingin ako sa bangin ay siya naman pagtama ng malakas ng kidlat sa paligid na parang nag-flash na liwanag. Dito ay nanlaki ang aking mata sa matinding takot at pagkabigla noong makita ko ang dalawang lalaking nakatuhog sa mga matutulis na at matatayog na Iron Spikes. Parehong duguan at walang buhay.   Ang isa ay si Rael at ang isa naman ay si Rouen! Napaluha ako at napahawak sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kanilang kaawa awang sinapit. Noong mga sandaling iyon ay ibayong sakit at bigat sa dibdib ang lumukob sa aking buong pagkatao. Kalakip nito ang pagdedesisyon gawin ang aking makakaya upang piliting ibalik ang dalawa.   Tahimik.   Umatras ako ng bahagya upang bumuwelo. Nagliwanag ang aking kamay at naghanda ako para tumalon sa bangin patungo sa aking mag-ama.   Ngunit bago pa man ako lumundag ay may nakita akong imahe ng isang lalaking nakatayo mula sa kadiliman. Nakangiti ito at nagliliwanag ang mga mata. Maya maya humaba ang kanyang mga daliri at lumipad ang lahat patungo sa akin. Ang mga ito ay tumagos sa iba't ibang parte ng aking katawan kasama na ang aking puso.   Napasigaw ako ng malakas at kasabay ng bagsak ng isang matalim na kidlat sa aking harapan ay ang pagkapatid ang aking paghinga.   Part 1: Bagong Simula   "Ma, nasaan si Rouen? Bakit hindi sumalubong sa akin? Binilhan ko naman siya ng paborito niyang cheese bread," ang tanong ko kay mama noong makauwi ako galing sa trabaho. "Naku, wala ‘yung anak mo. Sinundo na naman ng ninong Oven niya para daw sa comercial ng kiddie apparrel. Alam mo ba ang daming poster ni Rouen doon sa mall, talaga namang napakagwapo ng apo ko," ang hirit ni mama habang naghahalo ng mixture sa bowl.   "Ma, bakit pinayagan mo? Mag-aaral siya ngayon, ‘yung exam niya may dalawa mali. Paano siya magiging katulad ko?" tanong ko naman na may halong pagkainis.   "Aba, hijo. Huwag mong ipares sa iyo si Rouen. Saka malay mo kay Rael nagmana ‘yung bata kaya nagkakamali sa exam. Huwag mo ngang masyadong pine-pressure ang apo ko dahil noong maliit ka hindi naman kita pinipilit na dapat lagi kang perfect," ang hirit ni mama.   "Hindi ko naman pine-pressure si Rouen, syempre gusto ko pa ring ienjoy niya ang pagiging bata niya. Saka gusto ko lang i-bring out best para sa kanya. Teka, nasaan ba si Rael? Bakit pumayag siyang tangayin ni Oven ang anak niya?" tanong ko ulit habang pumapanhik sa hagdan kung saan naroon ang silid namin ni Rael.   Pagbukas ko ng aming silid ay nakita ko nga itong si Rael na nakahiga sa kama at tuwang tuwa sa paglalaro ng mga online games. Nakangisi pa ito at medyo nakalabas ang maliit na pangil na parte ng kanyang ngipin. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang cellphone dahilan para mapatingin ito sa akin na may halong pagmamaktol. "Ano bang problema? Hindi mo ba alam na may kamalasang dala ang pang aagaw ng cellphone?" ang hirit nito.   "Ang kamalasan ay ‘yung hindi ka bumabangon dyan sa higaan buhat kanina. Aware ka ba na ‘yung anak mo ay kinuha ng ninong niya para ipasok sa commercial?" tanong ko sa kanya. "Oo, ‘yung anak natin ay nagmana sa akin ng kagwapuhan at mapagiging maapil sa mga tao. Biniyayaan siya ng mataas na uri ng karisma katulad ko kaya't hayaan mo siyang maging modelo ng kung anuman. Saka bakit pati paghiga ko ay pinapakialaman mo? Hari ako at ang hari ay walang ginagawa," ang sagot niya sabay kuhay ulit sa akin ng cellphone.   "Yeah, hari ka doon sa Kailun pero dito sa bahay ko ay ordinaryong tao ka lang. Bumangon ka na dyan at tulungan akong balutan itong mga libro at gamit ng anak mo," ang sagot ko sabay pikot sa kanyang tainga.   Halos ilang taon na rin buhat noong matapos ang digmaan sa pagitan ng Kailun at ni Egidio. Para sa akin ay isang mahabang pakikipaglaban iyon na halos kinakailangan naming magbuwis ng buhay para makamit ang kapayapaan. Ang kaganapang iyon ang nagbigay daan upang mas maging matatag ang samahan ni Rael at iyon rin ang dahilan kung bakit kami naging malakas bilang mga mandirigma.   Matapos ang digmaan ay muling bumangon ang Kailun, sa pag upo ni Rael bilang bagong hari ay mas umunlad ito bagamat marami pa ring mga pasaway na blood sucker ang lumalabag sa kanyang batas ay nananatili pa ring matatag ang kanyang pamumuno sa gabay pa rin si Mr. Wilson at ng kanyang matapad na Heneral na si Liad.   Samantala, sa mga ganito pagkakataon katulad ng summer o kaya ay pasko ay umuuwi kami dito sa mortal mundo para makasama sila mama at papa. Nakasanayan naman ni Rael ang ganitong set up lalo't ginagawa naman siyang normal ang ibig kong sabihin ay "medyo" normal ng puting liwanag ng buwan. Nababawasan ang kanyang kapangyarihan bilang isang blood sucker kapag nandito kami sa mortal na mundo. Ang kanyang cells at abilities ay nag aadjust batay sa klima at uri ng kapaligiran dito. Ganoon rin ang aming anak na si Rouen dahil kapag umuuwi naman kami sa Kailun ay nararamdaman ko ang lakas at enerhiya nito.   Ang lahat ay normal sa mga oras na ito, ngunit batid kong hindi naman ito magtatagal dahil nitong mga nakakaraang araw ay parati na lang akong nananaginip ng masama na para bang may nagbabantang hindi maganda sa aming hinaharap. Bagamat pilit kong iwinawaksi ito sa aking isipan ay paulit ulit pa ring nagbabalik na parang isang makamandag na sumpa. Hindi ko naman sinasabi kay Rael ang tungkol dito dahil ayokong mag-alala siya lalo't nakikita kong napaka-perfect ng kanyang buhay kasama ang aming anak. Ayokong sirain ang moment na iyon. Pero syempre kapag magkasama kami pilit kong itinatago ang emosyon ko at pinipili kong maging masaya. Mabuti na lamang at natutunan kong kontrolin ang isipan ko kaya't hindi ito nababasa ng aking asawa.   "Surprise!! Winner, ‘di ba? Palong-palo ang kagwapuhan ni Rouen sa monitor kaya ang ending ligwak ‘yung ibang bagets!" ang wika ni Oven habang may hawak na mga shopping bags at si Rouen naman ay pumasok dala ang katakot takot na laruan.   Agad na nagtatakbo kay Rael ang bata at saka niyakap ito. "I miss you po, papa," ang wika nito sabay yakap sa ama.   Tuwang tuwa naman si Rael at saka binuhat ang anak. "Ayan frend, lagi ka kasing naka kontra sa anak mo. Parang naligwak ka tuloy ni Rael sa parental guidance 101," ang bulong ni Oven. Napanguso ako, "Hindi ko naman siya kinokontra o pinaghihigpitan. Istrikto lang ako pagdating sa studies niya. Ikaw naman kasi kung saan saan mo dinadala ‘yung bata. Hmmp!" ang tugon ko kay Oven sabay amba sa kanya.   "Hala, galit na galit. Alam mo best friend, hindi mo naman dapat pwersahin si Rouen na maging scientist at genius like you. Yang anak mo mana sa ama niya dahil puro pagpapagwapo lang ang alam nila. Hayaan mo nga iyang mga bampira na iyan. Halika, bumili ako ng maraming love making book with 101 m2m kamasutra position na maaaring subukan," ang hirit nito sabay hila sa akin sa lamesa.   "Alam mo habang tumatagal parang nagiging si Eugene Domingo ka. Saka huwag mo nga ako suhulan diyan. Asar pa rin ako sa iyo dahil kung saan saan mo ineexpose ‘yung anak ko," ang sagot ko naman sabay kuha ng libro at noong pagbukas ko dito ay katakot takot na love making position ang nakita ko. "Puro bastos naman pala ito."   "Hay, ano ka ba best friend? Walang bastos sa art. Appreciation ang kailangan dito. Saka ang init init ng ulo mo ha, pwede chill lang tayo? I'm sure nagseselos ka lang dahil mas bet ni Rouen si Rael kaysa sa iyo," pang aasar nito kaya naman napaupo na lang ako sa pagkainis dahil sapul na sapul ni Oven ang nararamdaman ko.   Tinapik ni mama ang balikat ko, "alam mo nung bata ka mas close ka sa papa mo kaya nagseselos din ako. Dahil siguro mas malakas ang dugong healer na dumadaloy sa iyo kaysa dugo ko. Marahil, ganyan rin ang sitwasyon ngayon, mas malakas ang dugong blood sucker na nananalaytay kay Rouen kaya mas close sila."   "Nice theory, ‘ma, ang tawag dyan ay blood relation theory na 45.87% accuracy at may 22.67 probability na pwedeng totoo," ang sagot ko naman.   "O pwede rin namang "kill joy theory" na binabasag mo ang trip ng anak mo kaya doon sa tatay nagiging malapit dahil si Rael ay always game. At ito ay may 89.99% accuracy at 99.99 probability," ang hirit ni Oven.   Tawanan sila ni mama.   KINAGABIHAN.   Niyakap ako ni Rael sa likuran habang nag-aayos ng higaan. "Tulog na si Rouen, galit ka pa rin ba? Ang init ng ulo mo buhat kanina," ang malambing na wika nito.   Humarap ako sa kanya at ngumiti, "pagod lang siguro ako sa trabaho. At isa pa ay maraming gumugulo sa isipan ko."   "Wala akong kakayahang basahin ang isipan mo sa ganitong estado ng katawan ko. Pero maaari mong sabihin sa akin ang lahat. Handa akong makinig, para saan pa at naging kabiyak mo ako?" Tahimik.   Sa halip na sumagot ako ay yumakap na lang ako sa kanyang mahigpit. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nararamdaman kong may kapahamakang naghihintay sa aming tatlo? At habang tumatakbo ang oras ay batid kong palapit na ito.   Nakahandang baguhin ang lahat.   "Nandito lang ako at wala akong balak umalis sa tabi mo," ang bulong ni Rael habang nakakulong ako sa kanyang bilugang braso.   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD