Part 2: Ang Perpektong Pamilya

1996 Words
Part 2: Ang Perpektong Pamilya ENCHONG POV "Best friend, alam mo ang sinungaling ni Niko, sabi niya pupuntahan niya ko dito sa mundo ng mga mortal and the life there is poor and sad at pagkatapos ay mag dadate kami, haharvatin ko siya ng nonstop at mag lolove making kami all night long. Pero dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap kong iyon dahil hindi niya ito tinupad," ang wika ni Oven habang naglalakad kami ng grocery store. "Sino ka? Si Catriona o si Regine? Saka alam mo kakaupo pa lang ni Niko bilang hari ng mga Floral Gods. Huwag mo siya bigyan ng pressure na pumunta dito ng basta basta," ang sagot ko naman. Napabuntong hininga ito at napatingin sa mga kasangkapang tinda sa gilid gilid. Bakas sa kanyang mukhang ang hindi maipaliwanag na lungkot. Kumusta siya sa pirasong tinidor sa utensil section at nagsalita, "look at this stuff, isn't it neat? Wouldn't you think my collections complete? Wouldn't you think I'm the girl, the girl who is that girl I see staring straight back at me," ang pag kanta nito na parang bored na bored sa buhay niya. "Alam mo sa tingin ko nabobored ka lang Oven, bakit hindi ka magbakasyon doon sa mga Floral Gods? Kung hindi makapunta si Niko dito edi ikaw ang sumadya doon. Gusto mo ba pabuksan ko kay Rael ang portal?" tanong ko sa kanya. "Wag na no, ang boring boring doon puro gardening at pag gawa ng mga potion ang agenda ng mga people. At isa pa ay kailangan kong mag focus sa pagiging writer ko dahil dumarami ang kakompetensiya sa market," ang sagot niya sabay kuha ng isang malaking galon ng shampoo. "Tingnan mo si Rouen ‘yung model ng kiddie shampoo! Ang cute, cute talaga ang anak mo," ang dagdag pa niya. "Syempre kanino pa ba magmamana iyan edi sa akin lang din," ang nakangiti kong sagot sabay kuha ng shampoo at inilagay ito sa cart. "Hmmm, pero habang lumalaki nakukuha ng features ni Rael ha, may pangil din saka parehong mayabang. Anyway, best friend, pansin ko lang ha bakit parang wala ka sa mood nitong mga nakakaraang araw? May kinalaman ba ‘yung panaginip na sinasabi mo sa akin?" Tumango ako, "Oo, nangangamba lang ako sa mga bagay na maaaring mangyari." "Na may mamamatay?" tanong niya "Oo, at pinaka una ka. Sa panaginip ko ay tatamaan ka ng malaking bato ay mapipisa ka. Lalabas ang eyeball mo at ang mga uhog mo," ang sagot ko. "Eh, sabihin mo sa akin friend, namatay ako ng may silbi, ‘di ba? Bayani ako at isang ulirang mandirigma. Sabihin mo sa akin na marami na akong naitumbang mga kalaban bago ako namatay," ang tugon niya na may halong lungkot. "Ah e, hindi eh. Palabas pa lang tayo ng palasyo noong mabagsakan ka. As in, nasa pinto ka pa lang kaya talaga na shock ako sa kaganapang iyon," ang tugon ko rin. Napangiwi si Oven at maya maya ay nag-panic ito, nagtatalon na parang si Eugene Domingo, "Ayoko best friend! Hindi ako papayag na ganyan lang ang future ko! Matulog ka ulit, ibahin mo ang panaginip mo, please!" pagpa-panic nito pero maya maya ay bigla rin siya natahimik at napatingin sa mga tindang diaper. "Pero alam mo, sana bago man lang ako mawala sa mundong ito ay gusto kong maranasang maging isang ina. Magkaroon ng mga cute and fluffy na little Oven. Mga little Oven na nagtatakbuhan at naghahabulan sa bakuran habang ako ay nasa ilalim ng puno at nag gagantsilyo ng mga brief ni Niko. Gusto kong maranasan ang essence of a woman, gusto kong icelebrate ang femininity. You know, the qualities or attributes regarded as characteristic of women. Gusto kong maging mother Earth na nag aalaga at nagmamahal ng lubos sa kanyang mga anak! And I... Thank you!" ang dagdag pa niya dahilan para mapangiwi ako. "Wala naman yatang kakayahan ang mga floral elves na gumawa ng mga kanilang anak sa iba't ibang uri ng kasarian. Ang mga blood sucker lamang na lalaki ang nakakagawa nito sa asul na buwan. Pero malay natin, makatuklas si Niko ng way para magkaroon kayo sa anak in the future. Ayoko naman basagin ang trip mo at gusto kong malaman mo na nakasuporta lang ako sa mga bagay na gusto mong gawin," ang sagot ko sa kanyang habang nakangiti. "You're the best talaga, pero syempre happy na ako dahil nagkaroon ako ng love life may bumobomba na sa akin tuwing New year, may nahaharvat na ako tuwing Valentines at hindi na malamig ang Pasko ko. Dito ko napatunayan na may ganda rin akong taglay. Alam mo, mali ang feng shui dahil ang sabi hindi raw ako magkakajowa. I'm sure proud na proud si Mudrax nito na nasa heaven!" ang dagdag pa nito dahilan para matawa na lang ako. "At I'm sure proud siya sa tapang at husay mo sa combat," ang dagdag ko pa. "Kaya nga nagppractice pa ako under general Liad para hindi naman ako mangulelat sa ranking kapag may labanan. Sawa na ako sa bronze at silver friend, gusto ko naman mag MVP," ang hirit niya. Tawanan kaming dalawa. Alas 4 ng hapon noong makauwi ako sa bahay, naabutan ko sina Rael at Rouen na nanonood ng cartoons sa sala habang kumakain ng sandwich at popcorn. Tapos ay sobrang kalat pa ng sala parang dinaanan ng bagyo dahil sabog sabog ang mga gamit. Ito talagang dalawang ito kapag nagsama ay talagang mapipikon ka na lang. Para tuloy akong nagkikipagluksong tinik sa kaiiwas sa mga nakakalat na laruan ni Rouen, ni hindi man lang ito naisipan itabi ng kanyang ama. "Ang kalat naman dito," ang bungad ko habang daldala ang bags ng aking pinamilit. "Papa!" ang masayang wika ng bata noong makita ako. Nagtatakbo ito para yumakap at humalik. Napakadusing at hindi man yata pinaliguan. "Anak kumain ka na naman ba ng chocolate? Tapos hindi ka naman nag toothbrush, baka masira ang teeth mo. Pinaliguan ka ba ng papa Rael mo?" tanong ko naman. "Hindi po, ang sabi ni papa okay lang daw na magdungis ako at kumain ng chocolate. Sky is the limit daw po," ang hirit nito kaya naman kinalabit ko si Rael na noon ay naka earphone pa at abala sa paglalaro sa cellphone. "Hoy, mahal na hari. Ang tamad tamad mo naman, hindi mo man lang nilinisan itong anak mo. Napakadusing niya paano kung magkasakit ito sa daming ng mga bacteria na kumapit sa katawan niya?" paninita ko. Inalis ni Rael ang earphone at humarap sa akin. "Ench, hayaan mo siyang magakadusing para ma immune ang katawan sa bacteria at dumi sa paligid. Saka ako nga ‘di pa naliligo e, bakit siya pa uunahin ko?" ang hirit nito habang nakangisi. "Ano ka ba, priority si Rouen, higit sa lahat ng bagay. Kahit isang taon kang hindi maligo basta huwag mo lang pabayaang madungis itong bata. Isusumbong kita kay mama pag uwi niya." sermon ko sabay akay sa aming anak. Agad kong pinuno ang bath tub at nilagyan ng tootpaste ang kanyang sipilyo. "Ikaw naman maliit na ginoo, after mo kumain magtu-toothbrush ka, okay? Gusto mo bang mabungi ka? Gusto mo ba wala ka ng ngipin?" tanong ko naman. "Syempre ayoko po papa. Kapag nabungi ako ay papangit ako mawawalan ako ng puwang sa mundo. Ang mga pangit po ay itunutuhog sa tarangkahan ng palasyo natin at ang mga ito ay sinusunog ng buhay," ang sagot nito dahilan para mapangiwi ako. "Sino naman ang nagturo sa iyo niyan?" tanong ko sa kanya. "Si Papa Rael po, ang sabi po niya isang malaking kasalanan sa mundo ang maging isang pangit. Kapag pangit daw po ay wala ng saysay ang mabuhay," ang dagdag pa nito kaya naman napatingin ako kay Rael na noon ay tawa ng tawa dahil kung anu anong kalokohan ang itinuturo sa bata. "Naku anak, bad yun. Hindi ka dapat pinatasero okay? Ang pangit o maganda ay mga anak rin ng Diyos at sila ay may mahalagang role o parte dito sa mundo. Dapat yung mga pangit ay ipagtatanggol ay hindi pinagtatawanan, maliwanat ba?" tanong ko sa kanya. "Opo papa," ang sagot nito sabay halik sa aking pisngi. Kinuha niya ang tooth brush at sinipilyo ang sarili. Pagkatapos noon ay isinampa ko ito sa bath tub na may babaw na tubig saka pinaliguan. Maya maya ay pumasok si Rael sa banyo ay sumabay na maligo sa anak. Ako naman ay naka kunot noo habang isa isang nililigpit ang kanilang mga kalat sa sala. Tiyak na ako na naman ang sesermunan ni mama kapag nakita niya kung gaano kagulo ang bahay. Ganito ang buhay na mayroon ako ngayon pero masaya ako. Halos dalawang taong mahigit na rin magbuhat noong matapos ang digmaan sa pagitan ng Kailun at Egidio. Ang lahat ay pansamantalang naging payapa. Noong mga panahon na iyon ay wala kaming ginawa ni Rael kundi ibuhos ang aming pagmamahal ka Rouen, sa kanya umiikot ang aming mundo sa ngayon. Kami ay larawan ng isang masayang pamilya kaya naman ginagawa ko ang best ko para maging isang mabuting "ina" at "ama" sa kanya. Ang totoo, gusto kong maging katulad ko si Rouen, yung nag eexcel bilang outstanding sa klase, yung top 1, matalino sa lahat ng subjects at mataas ang IQ. Kaso ay mas maimpluwensiya sa kanya si Rael kaya halos malako rin ang anak kagaya ng kanyang ama. Doon sa mundo ng Kailun, napaka normal lang na ang mga lalaki ay nabubuntis at nagkakaroon ng anak. Walang tanong, walang intriga at walang tsimis kapag nakakita ka ng dalawang lalaking nag-aalaga sa kanilang anak. Samantalang dito ay kailangan ko pang magpaliwanag sa mga kaibigan at kakilala ko kung bakit dalawa kaming lalaki na nag-aalaga sa bata. Mga bagay na hindi nila mauunawaan kung sasabihin ko ang totoo. Sino ba naman ang maniniwala na nabuntis ako dala ng higawa ng asul na buwan? At ang mag ama ko ay hindi naman normal na tao bagamat ako rin naman ay hindi rin normal katulad nila. KINAGABIHAN. "Ang laki na ang anak natin no?" wika ni Rael noong tumabi sa akin sa higaan. Tumingin ako sa kanya at siniko siya sa tagiliran, "Oo, at hinuhubog mo ang anak mo sa kalokohan. Kung anu-anong kalokohan ang ipinapasok mo sa utak niya," ang tugon ko naman. Natawa si Rael at niyakap ako ng mahigpit. Ikinulong niya ako sa kanyang braso. "Dont worry, alam ko naman na lalaking matino, matalino at responsable ang anak natin. Mahusay rin makipaglaban ang loko. Manang mana sa akin, ‘di ba?" wika ni Rael at dito ay naalala ko ang binatang tumulong sa amin noong digmaan, ang lalaking nagpakilalang si Io pero ito ay ang aming anak na si Rouen mula sa hinaharap. "Ang tinutukoy mo ba ay si Io? Masaya rin akong makitang binata na ang anak natin at responsable siya katulad mo. Pero siyempre ang lahat ay nakadepende pa rin sa pagpapalaki natin sa kanya ngayon. Kaya ikaw, huwag mong sirain ang dapat na imahe ng anak mo sa hinaharap," ang wika ko sabay kagat sa kanyang braso. "Alam mo minsan naisip ko, anong klaseng magulang kaya tayo sa hinaharap? Ganoon na ba tayo kahina doon?" tanong niya sa akin. Natawa ako, "Hindi ko alam, baka sadyang lumakas lang ang kalaban sa hinaharap kaya kailangan pang magtravel ni Rouen pabalik sa atin dito sa nakaraan para gawin ang dapat gawin. Pero nagtagumpay naman tayo, ‘di ba?" tanong ko Ngumiti si Rael at mas humigpit pa ang yakap sa akin, "Oo, pero alam kong simula pa lang iyon. Hindi ko maunawaan ngunit ramdam kong may darating na mas mabigat. Kung ano man iyon ay hindi ko alam." Tahimik. Noong mga sandaling iyon ay napabuntong hininga na lamang ako at napayakap sa kanya ng mahigpit. Batid kong kapwa kami dinadalaw ng pangamba at kung ano man ito ay kailangan namin maging matatag para sa aming anak at para sa aming pamilya. May darating. Sigurado ako dahil kahit kailan ay hindi pumalya ang aking pangitain. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD