PROLOGUE

869 Words
NARRATOR: Isang importante paalala po, bago niyo simulang basahin ang Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Book 2: The Rise of the Gods, kailangan ay nabasa niyo muna ang sumusunod na libro ayon sa pagkakasunod sunod nito. Dahil tiyak na hindi niyo mauunawaan ang nilalaman ng librong ito at maaaring hindi kayo makakarelate sa ibang scenes. Narito ang pagkakasunod sunod ng libro na dapat ninyong basahin at narito rin ang kaunting synopsis ng aklat. Ito ay mababasa rin dito sa Dreame bilang signed story. Ang Alamat ni Prinsipe Malik, ito ay kwento ni Miguel na nakatagpo ng isang misteryosong kahon sa kagamitan ng kanyang ama. At noong buksan niya ito ay nagsimula na ang kakaibang pangyayari na babago sa takbo ng kanyang buhay. Siya ay mapapadpad sa mahiwagang mundo ng Apresia at dito ay makikilala niya ang haligi na si Prinsipe Malik. Mr. Genius X Mr. Blood Sucker, ito ay kwento ni Enchong na isang college genius na nakadiskubre ng kakaibang pagbabago sa kanyang katawan. Sa paghahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan siya ay maliligaw sa mahiwagang mundo Kailun kung saan makikilala niya ang Prinsipe ng Blood Sucker kingdom na si Rael. Dito ay magaganap ang roller coaster na adventure at romance sa pagitan nilang dalawa. Sa Piling ni Lucario, ito naman ay kwento ni Suyon na isang taga pangalaga ng isang lumang templo sa kabundukan. Dito ay madidiskubre niya ang isang lumang balon na magdadala sa kaniya sa naiibang mundo ng Bayan ng Yelo kung saan pakakawalan niya ang God of Destruction na si Lucario upang mailigtas ang kanyang buhay sa nagbabadyang panganib. Ang Lihim ni Seth, ito ay kwento ni Ybes na isang astral traveler. Sa pagbabalik niya sa probinsya ng kanyang ama ay makikilala niya ang misteryosong lalaki na ang pangalan ay Seth. At isa isa niyang bubuuin ang misteryo ng kakahuyan kung saan malalaman niya ang lihim nito. Ang Sumpa ni Ibarra, ang kwento ay iikot kay Leo na isang binatang ama. Para maisalba ang kanilang kabuhayan ay mapangahas niyang papasukin ang mahiwagang bundok ng Hiraya kung saan makikilala niya ang isang makapangyarihang Engkanto na ang pangalan ay Ibarra. Dito mabubunyag ang misteryo ng kanyang pagkatao at gayon rin ang lihim na sumpa ng nakaraan. My Guardian Devil, ito ay kwento naman ni Devon na isang Guardian Devil sa Hell Society. Siya bibigyan ng assignment na bantayan si Yul at impluwensiyahan ito ng kasamaan. Ngunit hindi magiging ganoon kadali ang lahat dahil si Yul ay misteryoso at may malaking lihim sa kanyang pagkatao. Ang mga kwentong ito ay dapat ninyong basahin batay sa pagkakasunod sunod. Mahalaga rin na basahin muna ang My Guardian Devil bago basahin ng Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2: The Rise of the Gods dahil ito ay "continuation" ng kanilang book. Since naka hang ang ending ng My Guardian Devil ay mababasa ang karugtong nito sa MGXMBS 2: The Rise of the Gods at dito ay magsasama sama ang lahat ng mga tauhan upang pigilan ang parating na digmaan ng kadiliman laban sa liwanag. At mula dito ay tiyak na magiging komplikado na ang lahat. **** MR. GENIUS X MR. BLOOD SUCKER 2: THE RISE OF THE GODS NARRATOR: Matapos makuha ni Xandre De Viuri ang Bestial Blood na nasa katawan ni Devon (na mababasa sa aklat ng My Guardian Devil) ay ginamit niya ito upang buhayin ang malalakas na mandirigma na nakahimlay sa sagradong tarangkahan ng Darken, sila sina Caleb, Ivo, Egidio, Rigor at Sato. Ngayon ay nalalagay sa matinding panganib ang mundo at ang digmaan sa pagitan ng liwanag at dilim ay magsisimula. Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay sina Enchong, Rael at ang kanilang anak sa mortal na mundo. Ngunit kahit anong perpekto ng lahat ay patuloy pa ring dinadalaw si Enchong ng kakaibang panaginip, mga panaginip na nagbibigay ng babala at pangitain sa masamang bagay na maaaring mangyari sa hinaharap kabilang na rito ang premonisyon na kamatayan ng kanyang mga malalapit na mahal sa buhay. Kaya naman sa bawat araw ay hindi niya maiwasang mangamba at balutin ng matinding kaba bagamat hindi niya alam kung magkakatotoo o hindi. Gayon pa man si Rael na kanyang asawa ay nasa kanyang tabi pa rin upang sumuporta at umalalay. Ang ginawang pagbuhay ni Xandre sa mga kalaban ay nabalitaan na nila Lucario, Ibarra, Malik at iba pa kaya naman lahat sila ay naghahanda na upang bumuo ng alyansa para pigilan ang malaking digmaang parating. Ngunit ang lahat ay hindi magiging madali dahil nasa panig ni Xandre Del Viuri ang malalakas na madirigma ng kasaysayan at ang lahat ay magiging komplikado na mula ngayon. Sa pagsiklab ng digmaan ay nag ambisyon si Xandre na hanapin ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Diyos na si Elsen upang taglayin ito. Sa kabilang banda ay hahanapin rin nina Enchong at Rael ang himlayan ng kanilang mga Diyos na ninuno para taglayin rin nila ang mga kapangyarihan ng mga ito upang makapatas sa hindi mapapantayang lakas ng kalaban. Sa ikalawang libro ay muling babangon ang mga Diyos. Ang kabutihan laban sa kasamaan, at ang katarungan laban sa kawalan ng paniniwala. Kaninong lakas ang mananaig? Kaninong paniniwala ang uusbong sa buong sanlibutan? Buksan ang ating imahinasyon at maglakbay kasama sina Mr. Genius X Mr. Blood Sucker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD