Sumama CHIARA ELENA Huwag mo nang patulan. Huwag mo na ding pansinin ang sasabihin niya. Wala kang naririnig. Wala. Paulit-ulit kong sinabi ‘yon sa sarili ko habang naghuhugas ng kamay. Makailang ulit pang buntonghininga ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas ng banyo. Binilisan ko na ang hakbang ko dahil baka sabihin naman ni Angeline na napakatagal ko at nagpapaimportante. Sa labas ay naabutan ko si Kaiden na lang na may kausap na… bata? Iyong bata na kaninang bumangga sa akin. Nang magkatinginan kami ay saglit pa siyang natigilan bago hinarap ang bata at tinapik-tapik ang balikat bago umalis. “He’s asking me where’s the restroom,” untag niya sa akin nang makalapit kahit hindi ko naman tinatanong. “Huh? Bakit siya nagtatanong pa eh meron naman sa loob?” kunot-noong tanong ko