‘Date’ CHIARA ELENA Malalim akong napabuntonghininga nang sukuan na ang sandalyas na ayusin. Pigtas na talaga iyon at napansin kong bumubuka na rin ang swelas no’n. Pilit kong nginitian ang babaeng napatingin sa akin at sa hawak kong sirang sandals. Bibili na lang talaga ako ng bago. Ano ba naman ‘yan, talagang mababawasan ko ang binigay na pera ni Nanay sa akin. Walang choice na nakayapak akong lumabas ng banyo. Nakasimangot na si Kaiden ang bumungad sa akin, pawisan siya at mukhang kakabalik lang galing kung saan. Inihagis niya sa paanan ko ang pares ng malaking tsinelas. Tanda ko’y crocs ang tawag doon. “Wear it for now, maghahanap tayo ng bibilhan ng sandals mo. I didn’t know your size. That’s mine.” Pinakatitigan ko ‘yon. Wala sa ugali ni Kaiden na magsusuot siya ng mga mu