The Past I

1650 Words

Year 19** REGINA “Bagay ba sa akin, Helena?” pag-ikot ko sa harap ng matalik kong kaibigan na si Helena pinapakita sa kanya ang bagong bestida na binili sa akin ni Mama mula Maynila. “Oo Regina, wala namang damit na hindi kailanman naging bagay sa ‘yo. Pero hindi kaya magalit si Senyor Casimiro niyan? Medyo maikli ang manggas.” Napangiwi ako at minasdan ang bulaklaking bestida sa harap ng salamin. May kaiklian nga ang manggas no’n at hindi tuluyang umabot sa tuhod ko. Istrikto pa naman ang ama ko pagdating sa pananamit. Pero mahalaga ang pagtitipon na pupuntahan ko mamayang gabi sa bayan. Piyesta at pumayag ako sa paanyaya ng kaibigan kong si Carlos na magtungo kami ro’n. Napakahalaga para sa akin ng gabing ‘to kaya talagang pinaghahandaan ko. Ngayong gabi ko na kasi ipagtatapat k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD