Lost KAIDEN CASIMIRO Inis kong binato ang cellphone ko nang makita ang video na nakita kong naka-tagged kay Angeline. Lumabas ako ng kwarto at saktong papunta pa lang ako sa kwarto niya nang bumukas iyon. Kakanta-kanta pa siya na wala naman sa tono at nakangiting binati ako. “Hi Kuya, himala at lumabas ka sa lungga mo–” “What the hell is that video all about?” Kumunot ang noo niya. “Video–ahhh! Iyong inupload ni Leah? Oh, ano namang meron doon? We were having fun–” “You were kissing a guy's neck, Angeline! Are you out of your mind? At ilang beses ka na bang lumalabas ngayong linggo. Hindi ka mapirmi sa bahay!” Sinimangutan niya ako. “We were in a bar and playing a game, Kuya! Come on, don’t be such a controlling freak. Hindi naman kita pinapakialaman sa mga ginagawa mo–oo nga pala