Paubaya REGINA Year 19** “Santisima Regina Estevan! Bumangon ka nga diyan! Maghapon ka nang nakahilata diyan. Ni hindi ka pa naliligo!” Hindi ko pinansin si Mama at nagtalukbong lang ako ng kumot pero hinila niya lang iyon at pilit akong pinatayo. “Bumangon ka na diyan at darating ang mga Figueroa. Dito raw maghahapunan sabi ng iyong ama.” Kung sa naiba-ibang pagkakataon ay baka nagkumahog na ako sa pagbangon sa sobrang sabik na makita si Carlos pero hindi sa mga oras na ‘to. Ayoko siyang makita. Sila ni Helena. Ang hirap pa ding tanggapin ng lahat. “Ano bang nangyayari sa ‘yo? Halos isang linggo ka nang ganito ah! Alam ko na, nag-away ba kayo ng Helena na ‘yon?” Naramdaman ko ang pagtabi ni Mama sa akin. “Bakit? Nagtatampo kang aalis siya at tutungong maynila? Hayaan mo nang ma