Kabanata 61

1818 Words

Nabisto CHIARA ELENA Mula sa photoshoot ay dumiretso na ako sa paglabas ng SNU hindi pinapansin ang pagtunog ng cellphone ko. “You’re his girlfriend, right?” Ipinilig ko ang ulo para alisin sa isip ko ang sinabi ni Saylene pero hindi ako nagtagumpay. Kahit nang makarating sa hintayan ng jeep ay hindi mawala-wala sa isip ko ang pagdududa niya sa relasyon namin ni Kaiden. Mukhang masyado kaming naging malapit sa paningin ng lahat kanina sa photoshoot at hindi ko na napansin na may mga matang nagmamatyag sa amin. Kinuha ko ang cellphone ko nang magpatuloy sa pagtunog ‘yon at sinagot ang tumatawag na si Kaiden. “Where are you? Bakit ka umalis agad? Akala ko ba sasabay ka na sa akin since hindi naman pumasok si Angeline--” “Iniisip ni Saylene na may relasyon tayo,” putol ko sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD