Bagong Kaibigan CHIARA ELENA “Ikaw talaga, Cha. Baka mapagalitan pa kami ni Sir Carlos kapag nalaman na nakikitulong ka sa amin eh. Sinamantala mo na namang maagang pumasok si Nanay Pasing sa kwarto niya at pumaparine ka.” Tinawanan ko lang si Cherry na inunahan ko sa paghuhugas ng pinggan habang abala sila sa pagliligpit ng mga pinagkainan sa hapag. Nagpaalam din naman ako kay nanay Regina na magtutulong ako sa pag-uurong bago pumanhik para makapagpababa din ng mga kinain at pinayagan niya din ako. “Balak mo pa ata kaming agawan ng trabaho Cha, baka masesante na kami,” pagbibiro ni Ate Gina na nilapag sa sink ang iba pang kinanan. “Wala atang makakapalit sa sarap ng luto mo, Ate Gina, kaya malabong masesante ka.” “Kuu, etong batang ‘to napakadaling mambola.” “Teka teka, eh ako? Paa