Stalk “Nay, pasensya na talaga ah.” Nakangiting hinarap ako ni nanay matapos halikan sa noo si Theo. Hinubad niya ang mga alahas na suot-suot at pinisil ang pisngi ko. “Anak, tama na. Hindi mo naman ginusto ‘yon. Ang mahalaga ay ayos lang si Theo, mabuti na lang at marunong si Kaiden sa first aid.” Pinigilan kong mapanguso nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon na kanina ay todo pasasalamat ako, ngayon ay kinakainisan ko na naman dahil pakiramdam ko pinagti-tripan niya ako. Hindi pala pakiramdam. Pinagt-tripan niya talaga ako. “Sige na’t magpahinga ka na. Disoras na ng gabi. Bukas na bukas ay pasasalamatan ko si Kaiden sa ginawa niyang pagtulong sa inyo.” Huwag na lang kaya nay… Gusto kong isatinig nang maalala ang kalokohan na naman ng lalaking ‘yon kanina. Nakita kong pag