Kinabukasan gaya ng nakagawian umaga palang nasa bahay na siya ng mga Guevara, unang sumalubong ay ang ina nila Lyka, Lander at ni Lyndon na si Tita Jen.
"Hija, how are you?"sabay beso nito.
"I'm fine Tita, kayo po?"inakbayan ako nito papasok sa bahay ng mga ito.
"Ito buti nalang dumating ka." sabi nito.
"Bakit naman po?" taka ko pang tanong.
"Come with me Hija, help me with the cake, alam ko naman na expert ka sa favorite cake ni Lyndon, paano ang best friend mo may tupak na naman," sabi nito.
Natawa ako alam ko pag ganoon ang kaibigan malamang nakita na naman nito sa isang internet blog ang pinapantasya nitong lalaki at malamang may iba na namang kasama. Mukhang pareho sila ng kapalaran pagdating sa pag ibig masyadong maalat ang kanilang love life.
"Baka may pinag dadaanan lang po Tita." sabi ko nalang.
Sa sala naabutan naman namin ang mga barkada at kaibigan ni Lyndon. Masayang nag aasaran ang mga ito natahimik lang ng dumaan kami ni Tita.
"Hi Rich," bati ni Yael gwapo ito pero as usual di niya bet. Playboy na playboy ang dating ng lalaki at halata naman yun.
"Hi," kimi kung bati dito. Ang kumag ni sulyap ay di ginawa sayang ang effort niya sa buhok niya mahaba ang buhok niya, laging lagpas ng beywang seven years na halos dahil din naman dito kaya ganun.
"Pre anong type mo sa isang babae?" tanong ng lalaking kasama ni Lyndon na si Domminick, ang pinakamakulit sa barkada nito.
"Gusto ko yung demure na babae, mahaba ang buhok na tuwid tapos mahinhin."sabi ni Lyndon na tila ba ay nangangarap pa.
Simula noon ay avoid na niya ang shorts pati ang mga mini skirt. Sabi nga ng best friend niya pwede na siyang manang kasi sobrang kinareer na niya ang pag sunod sa demure na look na gusto ni Lyndon. Nang lumampas kami ay iniwan ako saglit ni tita.
"She is so pretty, pero may pagka manang manamit." nakangiwing sabi ni Wesley.
"Ganyan ang type ni Lynd, diba?" natawa pa ang mga ito.
"Kabaliktaran sa ugali naman, kulang nalang ay ialay ang sarili dito kay Lyndon."nag tawanan pa lalo narinig ko na pati si Lyndon nakitawa din. Gusto kung mag walk out pero ayokong magmukhang kawawa sa paningin ng mga ito.
"Tara Hija, para makapag pa beauty kapa para mamaya." sabi ni Tita na di ko namalayang nakabalik na.
"Sige po." the whole period si Tita Jen lang ang nagsasalita, nasasaktan siya na ganun na pala kababa ang pagkatao niya sa paghahangad niya na mahalin din siya ng taong minahal niya.
Nang tumawag ang ina di naman importante ay ginawa niya itong excuse para makatakas. Nang makauwe umiyak siya ng umiyak dun niya ibinuhos ang lahat ng sakit na kanyang kinimkim sa loob ng mahabang panahon. Dagdag pa na hindi man lang siya inabisohan ng mga magulang maging ng mga kapatid na magbabakasyon pala ang pamilya nila sa palawan.
Pero nag ayos padin siya para sa birthday ni Lyndon, maybe this will be the last time.
Lyndon pov
Maaga palang ay marami na siyang bisita, medyo inaabangan niya ang pagdating ni Rich. Ang kaibigan ng kapatid na habol ng habol sa kanya na iniiwasan niya.
Pag dumating na kasi ito nagtatago na siya. Will ayaw niyang nasa paligid ito he don't like her presence kasi nakakalimot siya nakakalimutan niyang dapat itong iwasan.
Nang dumating ito ay taliwas sa mga nakalipas na taon. Wala ang kinang sa mga mata nito at hindi ito naka 3/4 o long sleeve na nakasanayan niyang makita sa mga nakalipas na taon. Ipinagkibit balikat niya lang.
"Kumain kana doon."sabi ko dito nang madaan sa akin. Walang kibo naman itong tumango napakunot noo ako, di naman sa hinahanap hanap ko ang mga hirit niya pero ganun na nga. Sa ibang pagkakataon ay kikiligin ito o kaya ay yayakap sa kanya at lalambing lambingin siya na isama sa pagkuha ng pagkain. This time she's different walang sigla ang kilos nito maski ang ngiti nito ay di umabot sa mga mata nito.
Hinawakan niya ang braso nito pero parang napapaso niyang binitiwan ito.
"Anong nangyari sayo?" nagtataka niyang tanong dito marahil ay masama ang pakiramdam nito. Ngumiti lang ito ng pilit.
"Wala, sige pupunta ako kay Lyka." napasunod ang tingin ko kay Rich hanggang sa loob na ito. Sa mga nakalipas na taon ibang iba ito ngayon, kasi every birthday niya ito ang madalas na kausap niya. Lagi siyang inaayang mag date at bulaklak ang laging regalo nito.
Madalas tampulan siya ng tukso sa mga barkada niya, napailing nalang siya di man maalis ang isip niya sa babae. Pero it's not new anyway lagi naman niya itong iniisip dati pa, simula ng hayagan nitong ipangalandakan ang pagmamahal sa kanya ay na turn off na siya.
Nagkakasiyahan ang lahat pero di niya nakita ang babae in short naisayaw niya lahat ng babae sa birthday niya. Except sa kaibigan ng kapatid nasa sulok lang ito nakamasid.
"Isayaw mo naman anak si Rich." susog ni Mommy boto ang pamilya ko kay Rich na makatuloyan ko pero ako? it never cross my mind yet.
"Sure Mommy."sabi ko nalang will lagi naman kaming nagsasayaw ng babae nilapitan ko na at niyayang sumayaw tumalima naman ito.
"Hi Lyndon ko, anong wish mo ngayong birthday mo?" tanong ni Rich sa kanya napaisip siya at naisip niyang biroin ito.
"I don't want to see your face anymore, maybe it the best birthday gift for me." seryuso kung sabi nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha nito na agad pinalis ng ngumiti ako jeezz she's pretty.
"Just kidding, anything will do." sabi ko nalang tumahimik na siya hanggang matapos ang togtog.
Hanggang matapos ang party ay hindi na muli pang nagkrus ang landas nilang dalawa. Nagtaka ang lahat lalo ako jeezz mula nang maging barkada ito ng kapatid niya ay yearly may surprise gift ito sa kanya. Kaya masama mang isipin eh nag expect din siya.
Constant ampon ito ng pamilya, pag galing itong medical mission ay sa kanila ito unang pumupunta. Marami itong pinamili na mga gamit niya, mga damit, even his boxer ito ang bumili kasama ang Mommy niya.
Rich pov
Nang umuwe siya kagabi mula sa party masamang masama ang pakiramdam niya, masama ang loob niya para siyang tinarak imagine hilingin ba naman nitong mawala siya sa buhay nito.
Nang makita siya ni Bambi ang pinsan ng hipag niya na asawa ni Kuya Raffy niya ay pinayuhan siya nito.
"Try to move on, libangin mo ang sarili mo, i save mo ang natitirang respeto mo sa sarili mo di lang siya ang lalaki sa mundo. "sabi ni Bambi.
"How? where to start?"
"Be yourself again, not the one that he want you to be, but rather speak out do whatever you like wear whatever you wish to wear."sabi nito na abala sa pagkalikot sa laptop nito.
"Plano ko na naman talaga na mag move on." sabi ko dito.
"Then do it, iwasan mo siya sa abot ng makakaya mo sige ito for start tawagan mo yan, first kailangan mo ng make over, then find a man asap you need someone na mapagbalingan mo ng attention mo." sabi nito.
And tommorow is the day, it's time for a new beginning of that moving on thing, no need to wait for another pain. Instead I need to fix myself again and forget the pain I've gone through the years no matter how hard it is, the important is its not yet too late to go back to her senses.