"Ano maganda naba ako?" tanong ng dalagang si Rich sa kanyang bestfriend, habang sinusukat nito ang gown na tila napaglumaan na ng panahon.
"Hay naku, kung para kay Kuya yang pagpapaganda mo pakiusap maawa kana sa sarili mo. Itigil mo na kasi worthless lang ang effort mo kita mo ba yang nasa magazine na yan? yan ang kadate ni Kuya ngayon." sabi ni Lyka, na prenteng nakaupo sa isang couch niya.
Ang itinuro nito ay ang supermodel na si Dana Rashid isang half pinay ito at wa siya paki sa half ng lahi nito. Nakita na niya ito sa personal parang kulang sa nutrisyon ang babae pagkapayat payat at kapre sa tangkad sya maliit kumpara sa height nito. Katamtaman lang g height niya di gaya sa mga kapatid niyang mga lalaki na pawang mga six footer nakuha ng mga ito ang height ng Daddy nila habang siya at ang kapatid na si Richel sa Mommy naman nila sila nagmana.
Matagal na niyang crush ang kuya Lyndon ni Lyka simula pa noong high school hanggang nag level up na nga sa love e, kasing tagal ng pagkakaibigan nila iyon at simulat sapul ay hindi sang-ayon ang kaibigan sa kahibangan niya sa Kuya nito.
"Di sila bagay nyan Lyk, nakita ko na yan sa personal, parang kulang sa sustansiya sa payat,"sabi ko dito.
"Makapintas naman to, supermodel kaya yan," sabi nito na iiling iling.
"So mas gusto mo na maging hipag siya kaysa sa akin ganun?" nakataas ang kilay kung tanong dito.
"Di naman sa ganun kasi yun Rich ang sa akin lang naman kahit naman kasi ano ang gawin mo masasaktan ka lang kay kuya. Alam mo naman yun diba bukod sa napakapabling e lagi ka pang pinapahiya. Wake up now kailan kaba titigil sa kahibangan mo sa kanya? pag wala kanang ni katiting na respito sa sarili mo?" sabi nito na matamang tinitingnan ang reaksyon niya.
"Kahit anong sabihin mo mamahalin ko parin siya at patuloy na mamahalin hanggang sa magsawa siya sa kakalayo sa akin malay mo marealize niya na ako talaga ang kanyang future."wari nangangarap na sabi ko pa.
"Naku, bahala ka basta ako nagawa ko ang part ko sa pagiging bestfriend pag nasaktan ka bahala ka."nakasimangot na sabi nito.
"Ano kaba, gusto mo ba na ganyan ang maging hipag mo? eh mukhang laspag na yan e." ismid ko pa habang abala parin sa pagpili ng isusuot.
"Oo na ikaw na ang virgin, pero friendship may nakalimotan ka." sabi nito.
"Ano naman?"
"Oo nga virgin coconut peanut pa yang ano mo pero di naman ikaw ang type ni Kuya yun ang malaking problem,"
"So?"
"So, dapat tumigil na ang kahibangan mo maganda ka sa totoo lang marami ang gustong manligaw sayo. Mala manikin ang iyong face bruha ka pero daig mo pa ang may sakit kung iwasan ni kuya. Ngayon daig mo pa ang sinaunang nilalang sa style mo ng pananamit di ka naman ganyan dati." malungkot na tumingin ito sa akin may nakanti itong parte na sumakit sa akin masakit ang katotohanan. Sa tinagal tagal na panahon na minahal ko ang kapatid nito ay wala akong ibang napala kundi sakit at pamamahiya.
"Anong magagawa ko? kasi nga mahal ko ang Kuya mo, kahit anong gawin ko siya talaga e." sabi ko na umupo sa dresser ko.
"Try mo kaya ibaling sa iba ang nararamdaman mo,"suhestiyon nito.
"As if naman makaya ko, sinubokan ko naman diba?countless time pa nga."ingos ko.
"Try mo lang uli, baka sakaling this time maiba na ang result." giit nito.
"Ayoko padin pano kung marealize ni Kuya mo na mahal na niya ako? conflict pa yun sa magiging future namin."nangangarap ko pang sabi.
"Positive na talaga baliw na baliw kana talaga. In the end of the day iiyak ka lang, pustahan tayo mamaya iiyak ka na naman."sabi nito.
"Hayaan mo nalang ako best, kasi wala eh nagmahal ako ng isang taong di ko makuha kuha pero aasa parin ako." sabi ko.
"Tara na nga mag shopping nalang tayo."aya nito.
Pumunta kami sa isang mall na malapit lang sa bahay medyo lunch time na nang makarating kami, kaya ang unang stop namin ay ang lugar ng mga kumakalam na sikmura.
"Halika ka na best, sa iba nalang tayo kakain,"mabilis nitong sabi sabay hila sa akin nagtaka ako ayon nga ang Kuya Lyndon nito. Masayang kausap ang isang babae maganda ang babae kaya naman para siyang iiyak. Ilang beses na niya itong kasama ang ibang babae pero pareho parin ang sakit na nararamdaman niya, walang pagsidlan ng sakit na kanyang nadarama nakakapang selos pero sino ba siya para magalit? wala siyang karapatang magalit dito dahil walang sila.
Kung sa ibang pagkakataon susugod siya at aawayin ang babae, but this time she just stare at them di siya tiningnan ng ganun ng lalaki. Laging salubong ang kilay at nakasimangot pag makita siya nito.
"Tara, sa iba nalang tayo".inakay na ako ni Lyka.
"Hanggang kailan kaba kasi magpapakakagaga sa kapatid ko na yun?lagi ka nalang bang iiyak? akala ko nga susugorin mo na naman eh,"sabi nito na bahagya akong tinitigan.
"Ilang taon na ba akong inlove sa kuya mo nga?"tanong ko dito na seryuso na.
"Seven long years na nakapagtrabaho na tayo lahat lahat pero ayan ka parin,
baliw na baliw padin sa Kuya kung walang nakikitang ikaw."umiiling sa sabi nito, humanap kami ng mauupoan.
"Nainlove kana diba?" tanong ko dito.
"Oo naman pero matagal ko na siyang pinapasa diyos nalang ang kaluluwa niya," sabi nito na nakangisi.
"Bakit naman?" nagtataka kung tanong.
"Matagal na kasi siyang patay." sabi nito wala ang bakas ng lungkot sa mukha nito.
"Hala kawawa naman balo kana agad di pa kayo, condolence?" sabi ko dito na napangiwi pa.
"Aahaha gagi hindi, matagal na siyang patay na patay sa iba kaya okay na ako. Wala na sa akin ang love love na yan." sabi nito na ikinatawa ko.
Mabuti pa ito madaling natanggap na wala itong pag asa sa kanyang napupusoan. samantalang siya wala naman talaga siyang pag asa, kahit gasinulid na pag asa wala bagkus puro pang tataboy at pang hihiya ang napapala niya kay Lyndon. Kanina malamang sa malamang kung nagpakita sila at nang gulo siya ay mapapahiya na naman siya.
Binalaan na din siya ng mga magulang niya nung last time kasi nagka sabunotan sila ng babae. Sobra lang talaga siyang nasaktan na halos kandong na nito ang babae habang kumakain at nag iinom sa isang bar. Will nandilim ang paningin niya kaya hayon nasabunotan niya na pinagsisihan niya naman agad.
Mukhang kailangan na din niyang lumayo dito, pero pano niya magagawa yun kung bestfriend niya ang kapatid ng lalaki. Siguro kailangan ma imune siya sa presence nito napabuntong hininga siya.
"Hoy, nasa hapag tayo best makabuntong hininga to," palatak pa nito.
Hanggang pag uwe nila ay laman ng isip niya ang lalaki as always naman pero this time hindi upang magplano na makalapit dito, kundi plano para iwasan ito at makapag move on.
Ang hamon lang talaga ay kung makakaya ba niya? saan siya magsisimula at kailan siya magsisimula.
Nang makauwe sa condo niya habang nakahiga sa kama niya ay itinuloy na niya ang pag iisip. Kahit kasi saang anggolo niya tingnan nag mumukha na siyang cheap sa paningin ng lahat lalong lalo na sa harap ng lalaki parang diring diri ito sa kanya. Pinagtatawanan na siya ng mga barkada nito kaya kailangan niyang makipag date sa iba para makapag move on na siya ng tuluyan dito.
At nakabuo na siya ng pasya ang mag move on at kung kailan at paano. Bahala na si Batman pero kailangan at napapanahon na din siguro na ibangon na niya ang sarili sa pagkakalugmok sa pagmamahal dito or more to say sa pagpapakagaga dito kasi suntok sa buwan ang katuparan sa kanyang pagsintang purorot dito.