Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung birthday ni Lyndon at kakabalik niya lang mula Palawan. Walang nakaalam sa barkada niya sa lakad niya at di na din siya kumontak at ngayon ang umpisa ng kanyang move on phase.
Oplan kalimutan ang pagsinta kay Lyndon.
Itirenary for the day niya ay
hanapin si Henry Goles ang kaibigan ni Bambi na parlorista, ayon kay Bambi gagawin daw siya nitong diyosa. She think it's time na din para i despatsa ang kanyang mga pang simbang wardrobe.
Maaga palang nang tumulak siya pa Baclaran, ayon kay Bambi may maliit na parlor ito sa likod ng baclaran market.
"Manong saan po dito yung baclaran market yung may 7/11?" tanong ko sa isang nagtitinda sa sidewalk.
"Ah tuloy ka lang sa dulong bahagi, May makikita kang lechonan katabi lang nun halos." turo nito sa unahan.
"Salamat po."
Nag taxi lang ako, kasi ayon kay Bambi walang parking area ang lugar at baka ma matanso pa daw ang kotse ko. Nang makapagbayad ayun at nakita ko na ang parlor na sinasabi.
"Hi po dito po ba ang parlor ni Henry?"
"Ay pasok Mama, it is it na its Haley not Henry. Kahit kailan yun talaga si Bambini ang hilig manakit ng kalooban. Trulala pala ang say nang Lola mo, ang pis mo Mama pang artista pero ang taste mo sa porma jusko day saan ang burol?" tila nandidiri nitong sinusundot sundot ang balikat ko.
"Okay naman ang damit ko a." naka suot ako ng palda na mahaba tago ang sakong at naka sandals na parang bakya pinarisan pa ng maluwag na blouse.
"Anong okay? siguro noong unang siglo e pwede pero hello nasa 21st century na tayo. Naiwan kapa sa 80s at ang hair mo day boring papasa kang madre. Halika at ako ang bahala," pinaupo na ako nito ginupitan ang buhok ko nang medyo mahaba pa din naman,
"Okay na yung ganyang haba lang, then kulayan natin." suhestyon nito.
"Okay." mahina kung sagot, ipapaubaya na niya rito ang kanyang kagandahan.
"Lalalala ano man ang mangyari bundat kitang iiwan lalalalala dito."
pagkanta pa na ikinatawa ng mga customer.
"E pano kung walang matres?"
"Lalagyan ng matres Day!" sagot naman ng isang bakla.
"Day ang kilay mo bawasan natin ng konti, okay?" paalam pa nito sa kanya.
"Kayo na po ang bahala besides Bambi won't recommend you kung di ka magaling."
nakangiti kung sabi dito.
"Omg I like you na talaga, atey, gagawin kitang diyosa." sabi nito na patuloy ang pag lalagay ng kung ano sa buhok ko.
May nag pedicure at manicure, then may facial pa na kasama, total make over ang nangyari. After 8 hours halos nakatolog na ako and now gone the goody Rich Gonzales.
"Anyway tomorrow we will be dealing with your wardrobe. Okay for now beauty rest tuturoan na rin kita na mag make up."sabi ni Haley.
"Thank you, yeah see yah tommorow." sabi ko at nakipag beso beso na din.
Nag grab na ako pauwe sa condo ko medyo nagtaka pa ang guard sa akin. Halos di ko makilala ang sarili ko after the makeover at aaminin ko naibalik ang aking self confidence na akala ko tuloyan nang nawala.
Kung sa ibang pagkakataon nito ay tinatawagan ko na si Lyndon at malamang di na naman sasagutin ng lalaki. Pero ngayon bagong palit ang cellphone ko maski ang best friend nya ay di na nya binigyan ng number. Para makaiwas na din ng tuluyan sa kung anumang balita sa lalaki.
Mahal niya ito at feeling niya mahihirapan siya na kalimutan ito pero maybe its better to look for someone who deserve my everything. Someone that will respect, accept me and will love me the way I wanted to be loved.
Tinitigan niya ang mukha sa salamin, makikita ang isang nakakaakit na babae nilabas niya ang mga dating damit nung hindi pa niya kilala ang kaibigan niya. Noong panahon na buo pa ang puso niya na kaya niya pang hawakan ang puso niya.
Malayong malayo sa babaeng binago ng pagmamahal kay Lyndon at malayong malayo sa tipo ni Lyndon. Na minsan ay di niya naisip na ibabalik niya.
"Look at you, Binago mo na ang lahat ng ayaw niya sayo, pero minahal kaba?" sermon ng kaibigan niya si Drix ang kaibigan namin na dating nanliligaw sa akin.
Tama naman ito kahit mag tumbling ka para makuha ang isang bagay na di para sa atin, di talaga mapapasaiyo. Kasi its not meant to be yours. So better accept it than to let yourself suffer.
"You will never be good enough para sa taong di ka naman mahal kaya move on self, you don't deserve that cold treatment, the insult to your wounded pride na kahit tinaboy kana ay pinipilit mo pa." sabi niya sa sarili niya.
Agad siyang nagluto, medyo pagod din siya sa kaka upo kanina at kakachika. Natatawa na lang siya sa kwentohan ng mga bakla kanina.
"Mga bakla, don't cry over and over again for the wrong person, if they want to leave then let them go, if they want to stay, there are lots of reason to stay, but if they choose to leave you, then be happy, just wish his happiness, kaysa kapiling mo nga siya tapos pareho kayong miserable diba at least ma contain mo ang love mo sa self mo at ang respect mo nandiyan parin masasaktan ka yes pero eventually makakabangon ka rin."sabi ng matandang costumer kanina.
"Kaya nga Momshie, yung si Gilbert kahit love na love ko e, pinalaya ko na kasi mas kailangan siya ng anak niya mahal ko siya pero ayokong makasira ng kinabukasan ng iba." si Pretty, yung isang hairstylist doon ni Haley.
"Sa ating mga juding walang forever, kasi wala naman tayong matress." himutok ni Yuna.
"Ay di din, love god and you will be loved, ako sa anak ko nalang ang aking focus."si Haley.
"May anak ka?"gilalas kung tanong.
"Nope, di ko man siya kadugo pero para sa akin siya ang bumuo at naging lakas ko, anak siya ng nagtatrabaho dito sa akin. Namatay siya sa panganganak then sa akin iniwan ang bata." kwento ni Haley.
"Wow! amazing ilang taon na siya?" usisa ko dito.
"She's 15 at natatakot akong magaya siya sa nanay niya kaya pinuno ko siya ng pagmamahal para di niya hanapin sa iba. Kasi usually kaya maagang pumapasok ang mga teenager sa mga relasyon kasi gusto nila maranasan ang pagmamahal o nakukulangan sila sa atensyon at pagmamahal mula sa magulang at pamilya nila." paliwanag nito.
"Sabagay tama ka."sabi ko kasi siya ay ganun, pero lagi nalang siyang namamalimos ng pagmamahal sa mga taong mahal niya. Napapaisip ako what if magpaanak nalang ako? through vitro lalo at alam niya na kailanman ay di siya mamahalin ni Lyndon.
Hanggang sa pag tolog niya ay laman ng isip niya ang pagkakaroon ng anak, why not? at least kahit papano kaya naman niya na palakihin ang bata kahit mag isa lang siya.
Pag magkakaanak siya eh di na niya ito maiisip at magkakaroon na din ako ng eternal love mula sa anak ko. Di ako iiwan at alam kung akin talaga. Natolog siyang may ngiti sa kanyang mga labi.