TAYO NA BA?

1611 Words
CHAPTER 7 Hindi rin naman tumagal ang panliligaw ni Elijah sa akin. Nakita at naramdaman ko kasing pursigido siyang mapasagot ako. Ipinaramdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal kaya naman ako nahulog na rin paunti-unti. Hanggang dumating nga ang isang weekend, nang dinala niya ako ipinasyal sa isang sikat na resort sa Batangas ay ako na mismo ang hindi nakatiis na nagtanong sa kanya sa kung ano kami. Hindi na kasi niya ako kinukulit kung ano kami. Kung kami na ba. “Tanong ko lang, gusto mo na bang maging tayo?” Kumunot ang kanyang noo. Parang hindi niya inaasahan ang tanong ko sa kanya. “Bakit? Hindi pa ba tayo?” “Hala siya! Hindi pa kaya sinasagot.” “Hindi pa ba? All this time talaga akala ko, tayo na,” Ngumiti siya na halatang nang-aasar lang. “Hindi pa ‘no. Hindi ka na kasi nagtatanong eh. Hindi mo na rin naman sinasabing mahal mo ako kaya hindi ko alam kung paano kita sasagutin.” “Kung tatanungin ba kita ngayon, makukuha ko na ang pagpayag mong maging tayo?” “Bakit hindi mo ako tanungin ngayon?” “Huwag na, baka mamaya magpaligaw ka lang kaya hindi na lang ako magtatanong at mag-assume na lang akong tayo.” “Ah, okey. Gusto mo yung ganyanan ah, pagbibigyna kita,” ipinahalata ko rin sa kanyang nagtatampo na ako. “Wala eh, nagkaroon lang kasi ako ng realizations these past days.” “Realization for what?” “Realizatyion that in relationship or not we still are free to do all the stuff that in relationship were doing. Nagagawa lahat natin yung ginagawa ng mga iba pang magkarelasyon at masaya naman tayo. Walag pinag-iba sa mga may label.” “So, sinasabi mo sa akin na okey na lang na maging ganito lang tayo?” “Wala naman masama hindi ba? In the first place, ikaw naman talaga yung ayaw makipag-commit sa una pa lang. Alam mo bang meron akong kaibigan, they were in relationship for a year and a half now pero walang nangyayari sa kanila. Reklamo nga ng tropa ko, hindi niya mahawakan ang kamay ng girlfriend niya kung walang padulas.” “Padulas?” “Pera. Regalo. Pagkain. Parang sa mga gano’n na lang daw umiikot ang relasyon nila. Kaya sabi ko sa sarili ko, maswerte pa ako, maayos pa tayo kasi tayo, walang label pero mas higit pa tayo sa mga magkakarelasyon.” Medyo hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon sa akin. “Kaya pala hindi ka na nagsasabing mahal mo ako. Kaya pala hindi ka na nagtatanong kasi mas gusto mo na yung setup na ganito. Oo nga naman. Libre s*x na eh. May kaibigan friend na, may girlfriend pa. Yung totoo, gusto mo bang hanggang ganito na lang tayo?” seryoso nang tanong ko. “Eh hindi ba ikaw naman talaga ang may gusto nito?” “Bakit para yatang nabaliktad na lahat? Hindi ko sinabing ganito tayo na parang friends with benefits. Hindi ko gusto yung ganitong setup forever. Gusto ko naman kahit papaano magkaroon tayo ng label. Na pwede ko namang sabihing akin ka at iyon ako.” “Tapos ikaw ngayon yung umaangal.” “Paanong hindi ako aangal eh ako ang babae. Ngayon kung gusto mo lang pala na ganito lang tayo at hindi na magkakaroon ng pa ng relasyon, itigil na natin ito. Ayaw ko na.” “Ano? Aayaw ka agad?” “Eh hindi ba? Para mo na rin lang akong ginagawang parausan eh.” “Anong ginagawang parausan naman? Mahal kita, okey? Noon ko pa sinasabing maging tayo pero hindi ka pumapayag kasi gusto mong liligawan muna kita. Ngayon kung gusto mo ng i-level up, kung gusto mong may pagbabago eh di sige, tayo na.” “Ganoon na lang ‘yon? Hindi mo man lang ako tatanungin kung mahal na kita? Tayo na agad?” “Ano ba kasing gusto mo.” “Ewan ko sa’yo. Ang gulo mong manligaw.” “Look Ava. Halata namang gusto natin ang isa’t isa hindi ba? Huwag na nating gawing kumplikado ang sitwasyon. Mahal kita, mahal mo ako okey na ‘yon. Tayo na. Ganoon lang naman kadali sana iyon eh.” “Ito naman, wala ka man lang kasweet-sweet eh. Sige na nga lang. Tayo na, okey na?” “Sa wakas, napasagot ko rin.” Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Wala akong nakitang ligaya sa kanyang mukha. Walang pagtalon. Walang pagsigaw. Simpleng yakap lang at halik. “Alam ko naman sa ganito rin lang mauuwi ang sa ating dalawa. Tatlong buwan na tayong laging magkasama. Kaya kahit papaano may alam na tayo sa ugali ng isa’t isa. Kaya ngayon, sa’yo na ako, akin na kita.” “Oo, exclusive na tayo sa isa’t isa. Huwag na huwag kang magloloko dahil puputulan kita, tandaan mo ‘yan.” “Hindi ‘no. Sa’yo lang ako. Now that we are officially in relationship, handa ka na bang lumipat at tumira sa condo ko?” “Live in agad?” “Iyon naman ang uso hindi ba? Tayo naman na eh.” “Pag-iisipan ko.” “Bakit kailangan mo pang pag-isipan. Ako sigurado na ako sa’yo, Ava. Kaya nga gusto ko nang lagi tayong magkasama. Gusto kong mukha mo ang nakikita ko paggising ko sa umaga. Mas gusto ko yung araw-araw kitang kasama at at gabi-gabing katabi sa pagtulog. Ngayon kung hindi mo gusto ng live-in eh mas magastos, mas hindi natin makikilala ang isa’t isa. Mas may pagkakataon ang isa sa ating magluko. Ayaw ko namang ganito lang lagi tayo. Hindi na tayo mga bata. 25 ka na at ako naman 27 na. We are both earning naman. May high paying jobs naman tayo pareho. Wala akong nakikitang problema. Dating and travel buddies with f*****g on the side isn’t for me, for us.” Natawa ako. “Sige na nga, “ Inakbayan ko siya saka ko hinalikan sa kanyang labi. “Wait, ano sabi mo? Sige na nga? Sigeng ano ba ‘yan?” “Sige sa lahat. Pumapayag akong maging tayo na at pumapayag na rin akong lilipat na sa’yo.” Tumayo siya. Kinarga niya ako at pinaikot ng dalawang beses habang nagsisigaw siya sa sobrang saya niya. Iyon lang pala ang magpapasaya ng husto sa kanya. Ang papayag akong maging live-in kami at hindi yung pagsagot ko sa kanya na kami na. “Huwag ka munang masyadong maging masaya hoy! Magpapaalam muna ako sa tito ko.” “Tito Diego mo? Tama?” tumango ako. Kilala na niya si Tito Diego ko na kapatid ni Papa. Siya na lang kasi ang naiwan kong kamag-anak sa Pilipinas. “Sigurado ka bang papayag ‘yon?” “Oo naman. Hindi naman ako kailan hinindian o hinigpitan ni Tito eh.” “Ikaw? Sigurado ka naman na ba?” “Sure na ako. Kailan ko ba hindi napandindigan ang mga sinasabi ko sa’yo?” “Seryoso ka nga. Whooooaaa! Yeyyy!” Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan din ako ng paulit-ulit sa labi. “Promise, magiging masaya ka sa piling ko. Promise, mamahalin pa lita lalo at aalagaan. Hindi kita paiiyakin. Hindi ipagpapalit. Hinding-hindi mo ito pagsisihan. Salamat mahal.” “Anong itinawag mo sa akin? Mahal?” “Ayaw mo ba ng mahal na endearment natin? Gusto mo ba ng babe, honey, pangga, sweetheart? Ano bang gusto mong tawagan natin, asawa ko?” Hindi naman kailangan ang endearment. “Pero kung gusto mo ng mahal, ikaw ang bahala. Hindi din naman particular, mahilig o sanay sa mga ganyan eh. Kahit nga pangalan na lang natin ang itawag natin sa isa’t isa, okey na ako.” “Sanay sa pakikipag-s*x pero hindi sa mga endearment? Sanay sa pakikipagtalik pero hindi sa relasyon?” Na-offend ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Napakunot ang noo ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Ngunit totoo din naman. Sanay na ako sa pakikipagtalik ngunit naging laro lang sa akin ang relasyon. Kaya naman hindi ko din masisisi ang mga tatlo pang nauna kong nakarelasyon kung bakit ganoon na lang kadali sa kanilang iwan ako. Tingin ko nga, nagpabaya rin ako. Masyadong naging complacent lang din. Hindi kasi ako sanay magdala sa relasyon. Bilang babae ako dapat iyon pero hindi ko nagawang dalhin ang relasyon namin kasi iniisip ko lagi, kung mahal ako dapat kaming dalawa ang magdadala at hindi porke babae ako, ako lang dapat ang ta-trabaho para maging matibay ang relasyon namin. “Sorry, na-offend yata kita,” tanong niya nang napansin niyang nagbago talaga ang timpla ng aking mukha. “Medyo. Siguro nga tama ka naman. May konting kurot kasi ng katotohanan ang sinabi mo kaya ako nasaktan. Pero no worries, ayos lang.” “Sorry ha? I don’t really intend to offend you,” tinignan niya ako. Namula nang bahagya ang aking mukha, “Oh my! Nasaktan ka nga.” Inakabayan niya ako saka ako pinupog ng halik sa pisngi “Ano ba? Slight nga lang. Saka totoo rin naman,” bahagya ko siyang itinulak ngunit hindi pa rin siya tumitigil kaya naman kiniliti ko na lang siya nang kiniliti. Nga kilitiang iyon ay nauwi sa lambingan namin sa maputing buhangin. Doon ay magkapatong kaming tumatawa. Ang kilitian ay nauwi sa halikan. Hanggang sa kapwa na kami humihingal. Sandali kaming nagkatitigan, ang titigan ay nauwi sa marahang halikan. Siniil niya ng halik ang aking mapupula at malalmbot na mga labi. Noon, alam kong kahit hindi ako emosyonal na tao. Ramdam kong mahal ko siya at nang una, hindi ako nagsisising sumugal sa kanya kasi akala ko, panghabang-buhay na ang sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD