PURSIGIDO

2249 Words
CHAPTER 6 Hindi ako makapaniwala na siya pa ang galit na para bang siya ang agrabyado samantalang siya ang lalaki. Bumangon ako at itinakip ko ang puting kumot sa aking dibdib. Tumingin ako sa kanyang puno ng pagtataka kung bakit kailangang maging big deal sa kanya ang sinabi kong iyon. “Nagmamadali ka ba? May lakad? Gustro mo kasing tayo na agad eh hindi mo pa nga ako kilala. Ako, hindi rin naman pa kita kilala. ‘Tas gusto mo magkaroon tayo ng relasyon agad?” “Ava, alam mong gusto kita. Kung sanay kang makipaglaro, kung sanay ka sa one night stand lang, please, ibahin mo ako. Hindi ako kasing-open minded mo.” “Wow, saan nanggagaling ‘yan? Ako sanay makipaglaro? Sanay sa one night stand? Hindi porke napakadali sa’yong ikama ako eh pwede mo akong sabihan ng ganyan. Nakakainsulto ka na, alam mo ba ‘yon? Ngayon, hindi ko alam kung inosente ka lang ba talaga o ignorante.” “Ke ignorante ako o inosente, alam ko kung ano ang gusto ko at nararamdaman ko. Ava, kahit nang magka-chat lang tayo, alam mong my intention is pure. Minahal na kita kahit sa chat lang, ngayon pa kaya na nagkita tayo at may nangyari na sa atin? Hindi ko lang nagustuhan na parang nire-reject mo na ako agad. Gusto kita. Pakiramdam ko nga, mahal na kita noon pa man e.” “Wow!” Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinagsasabi niya o nakokornihan na. “Ano ‘to? Parang I knew I loved you before I met you lang ang peg ha?.” Napangiti siya. Umupo sa gilid ng kama. Nilingon niya akong nakasandal sa ulunan ng kama, takip ang aking hubad na dibdib ng putting kumot. “Ava please, gusto kong tapatin mo ako ngayon pa lang para alam ko ang gagawin ko.” “Ano bang gusto mong malaman?” “Ayaw mo ba sa akin?” seryoso niyang tanong. Nagkatitigan kami. Nakita kong naghihintay siya ng aking tugon. Seryoso nga taalaga siya sa akin. Sandali akong nag-isip. Kung tutuusin, hindi na ako lugi kay Elijah. Gwapo, maganda ang katawan, edukado at mukhang hindi rin naman siya malandi kagaya ng ibang gwapo na alam kong s*x lang ang habol sa mga kagaya kong madaling napapaikot na babae. Yung qualities na meron kasi siya ang kinatatakutan ko. Yung kagaya niyang almost perfect o kaya perfect na ang ayaw ko sanang karelasyon kasi sila yung lapitin ng tukso. Sila yung lahi na maraming makakalaban na kahit sa’yo na siya, natatakot ka pa ring maagaw ng iba. Wala naman minsan sa lalaki ang problema eh. Nasa mga babaeng lalandi kasi nga perfect siya. Doon ako natatakot. Kaya nga siguro laro na lang sa akin ang lahat dahil wala naman akong relasyong nagtatagal ng tatlong buwan kasi kagaya ni Elijah ang standard ko sa lalaki. Sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako magkakaroon pa ng boyfriend na gwapo. Hinding-hindi na ako pipili ng successful na kagaya ni Elijah kasi aagawan din naman ako ng mga mas malandi pa sa aking babae. Gusto ko sana yung sapat lang. Yung hindi pansinin. Ngayon pa lang kasi, habang pinagmamasdan ko siya, may namuo nang takot sa dibdib ko. Mukhang masasaktan na naman ako kung mahuhulog ako kay Elijah. Wala sa akin ang problema, sure ako doon. Marahil wala rin kay Elijah kundi nasa kalandian talaga ng mga kagaya ko mga babaeng mahilig sa gwapo. Maraming mga magagandang ahas na nakakalat sa paligid. Mga magagandang naghahanap sa f******k at ang kagaya ni Elijah ang malapit sa tukso. Ang mga kagaya niya ang kahit saan mo dalhin, hahabulin siya ng mga babaeng gagawin ang lahat makabingwit lang ng kagaya ni Elijah. Kaya nang nakatatlong relasyon ako na pawang lahat kagaya ni Elijah ay natakot na akong makapang-apat. Sobra na akong nasaktan sa mga huli kong relasyon. Sobra nang nadala na nakakawala ng tiwala. Kagaya ni Elijah, ganoon din naman kasi sila noon sa akin. Pinaramdam nilang ako lang. Na hindi ko kailangan matakot na makuha sila ng ibang babae sa akin. Na ako lang ang kanilang mamahalin. Sa akin lang sila kahit pa marami pang mas maganda sa akin. Pero kalokohan kasi nang nakakilala sila ng mas higit sa akin, iniwan din ako. Yung isa, pinagsabay-sabay pa kami. Yung isa, naghanap ng iba kasi pinagsawaan na ako. Iyon ang pangit sa akin. Masyado kong ibinibigay ang aking sarili kasi mahal ko sila. Sana pala hindi ako nagpagalaw. Sana pala kasal na muna muna ko ibinigay ang aking katawan. Pero sadya kasing may kakatian din ako. Madaling bumigay sa mga gwapo. Marupok sa s*x. Ngayon, heto uli ang kagaya ng mga tatlong nauna. Magkakaiba lang naman sila ng pangalan pero iisa ang kanilang mga katangian. Alam ko namang lahat, nauuwi din naman sa pakipaglandian nila sa iba habang kami pa. Nang masaktan ako sa huli, itinaga ko na talaga sa bato na hinding-hindi na ako papasok pa sa isang relasyon. Hindi na ako pipili ng gwapo, mayaman, matalino o kaya perfect na lalaki. Hinding-hindi na ako paloloko. Tama na yung ganitong tikiman na lang. Hindi ako masasaktan. Hindi ako magbubuhos ng panahon at effort. Walang hassle. Yung saktong chill lang sa kama at pasarap isa iba’t ibang putahe na magugustuhan ko. Saka confident naman ako na sa kagandahan ko at kaseksihan, hindi ako mababakante. Hangga’t hindi darating yung the right one, mainam pang manahimik na muna ako at date date na lang. “Ano nga? Bakit ba hindi mo na lang kasi ako diretsuhin nang alam ko?” Huminga ako nang malalim. “Ano bang tanong mo uli?” pagpapanggap ko. “Tinatanong nga kita kung talagang ayaw mo ba sa akin?” “Sasama ba ako sa’yo sa cheap na motel na ito kung ayaw ko sa’yo? Gusto naman kita kaso...” “Oh, kaso ano? Gusto mo naman pala ako e. Ano pang problema? Hindi mo naman ako kailangang mahalin agad. Habang tayo na, inaaral na natin ang ugali ng isa’t isa. Ganoon lang naman iyon hindi ba? Kahit nga yung mga matagal nang mag-asawa, hindi pa rin nila kilala ang isa’t isa. Tayo pa kaya?” “Masyado ka lang nagmamadaling maging tayo. Pwede rin namang magkaibigan na muna tayo habang ginagawa natin yung ganito.” Kumunot ang noo niya sa narinig niya sa akin. Gusto kong sukatin kung talang ang habol niya ay ang maging official na kami o s*x lang. “Anong ibig mong sabihin? Friends with benefits?” “Bakit? Bago ba ‘yon sa’yo? Di ba andami namang gumagawa niyan? Kung s*x lang naman ang gusto mo sa akin kaya mo ako gustong bakuran, kaya gusto mo akong shotain eh huwag na lang maging tayo muna agad. Let’s just enjoy each other’s company. Look Elijah, pumunta ako rito, nakipagkita ako sa’yo para lang sa s*x. Ikaw rin, nakipagkita ka naman sa akin hindi ba para makita ako kin person at matikman kung may pagkakataon? Ngayon, gusto mo, tayo na agad? Sorry ha pero gusto ko lang magpakatotoo sa’yo. Ayaw ko na kasing pumasok sa relasyong hindi na ako sigurado. Sa relasyon na alam kong marami akong makakaagaw. Sa relasyon na baka sa huli, magsasawa ka lang at hahanap ng iba. Maaring okey tayo ngayon kasi bago lang tayo ngunit paano kapag nagtagal na? Paano kung may nakita kang hindi mo pala gusto sa akin? Maghihiwalay tayo at magkakasakitan? Isipin mo munang mabuti lahat Elijah kasi paano kung landian lang pala talaga ito tapos napakabilis nating ginawang seryosohan?” “Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Akala mo ba talaga pumunta ako rito at makipagkita sa’yo dahil sa s*x lang? Na sawain ako at nakikipaglandian lang?” “Paano ako makasisiguro na hindi ka sawain? Ikaw na rin naman ang nagsabi, wala ka pang nakarelasyon. Ako pa lang ang una mo. Hindi ko sinasabi na hindi mo kilala ang sarili mo pero paano kung sawain ka rin pala. Paano kung hindi talaga ang gusto mong mapangasawa? Sorry to compare you pero pare-pareho lang kayo nang tatlo kong naging ex. Narinig ko na rin kasi lahat ‘yan. Alam mo bang ganyan na ganyan din naman ang sinabi nila sa akin noon? Ako naman itong si tanga, naniwala. Ako naman itong si tanga, kumagat agad sa pain nila. Tapos anong ending? Hayon iniwan lang din ako. Isinabay ako sa iba, yung isa nagsawa at yung isa, nakipaglandian lang din sa iba. Ano naman ang kaibahan mo sa kanila ngayon kung noong una, yung mga sinasabi mo sa akin ngayon ay sinabi na rin naman nila noon sa akin.” “Iba sila, iba ako. Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Bakit hindi mo ako subukin, Ava? Bakit kailangan mo akong ipareho sa kanila eh may kanya-kanya naman kaming pagkatao. Napaka-unfair mo naman at napaka-judgemental mo kung gano’n na itutulad mo ako sa mga naging ex mo.” “Ewan ko. Basta gusto ko sana huwag na muna. Iba kasi kapag may relasyon na tayo e. Hindi sa nag-iinarte ako. Kasi anong karapatan kong mag-inarte lalo pa’t alam ko namang hindi ako kasintino ng ibang mga babae pero alam mo, kahit ganito lang ako? Tang-ina alam ko sa sarili ko na loyal ako sa karelasyon ko.” “Bakit ako ba hindi? Kaya nga gusto kita kasi alam ko at ramdam kong ikaw na nga ‘yong hinahanap ko. Gusto ko yung babaeng loyal kaya please? Tayo na lang?” Muli siyang bumalik sa kama. Tumabi siya sa akin. Inakbayan niya ako at hinawi saka niya ako hinalikan sa labi na may kasama pang padila. Mukhang nagpapakitang-gilas. Mukhang dinadaan niya sa masarap na halik ang pagpapasagot sa akin. “Sige na kasi. Tayo na lang,okey?” “Sorry. Pag-isipan na lang muna natin.” “Anong gusto mong gawin ko? Liligawan kita?” “Pwede pero hindi kita sasagutin ngayon. Hindi ko alam kung kailan basta ayaw kong magmadali.” “Anong gusto mong gawin ko para mapabilis yung pagpayag mo?” “Wala kang gagawin kung hindi maghintay? Ngayon kung nagmamadali ka, baka nga hindi tayo para sa isa’t isa.” “So, maghintay lang talaga?” huminga siya nang malalim. “Para kasing ang hirap mong hintayin eh?” “Anong mahirap? Lagi naman tayong mag-uusap. Lagi naman tayong lalabas? Hindi lang maging tayo officially. Gusto kong kilalanin muna natin ang isa’t isa. Hindi mo naman talaga kailangang magmadali eh.” Huminga siya nang malalim. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. “Sige payag na ako.” “Wala ka naman talaga option kundi pumayag eh.” “In one condition.” “Wow ha? May kondisyon ka pa talaga na parang ako ang humihingi sa’yo ng favor ah.” “Papayag ako na manligaw at maghintay pero exclusive na tayo. Okey?” “Exclusive? Anong ibig mong sabihin sa exclusive?” “Exclusive. Hindi ka na pwedeng magpaligaw pa sa iba. Hindi ka na sasama o makipag-date sa iba. Ganoon din ako. Ibig sbaihin, hindi na TAYO pwede pang makipag-date sa kahit kanino.” “Eh, di parang gano’n na din lang pala. Para na rin tayo no’n. Mautak ka rin talaga ano? Binago mo lang yung term. Kung aaralin kasing mabuti, para na rin tayong magkarelasyon sa gusto mong mangyari.” “Sige na nga. Baka nga ayaw mo lang talaga sa akin. Suko na ako. Kung ayaw mo sa akin eh di fine.” “Suko na agad o nagtatampo? Kung ayaw mo eh di okey lang. Alam ko namang mangyayari talaga ‘to eh. Kung ngayon pa lang na naliligaw ka eh napagod ka na agad at sumuko, how much more kapag tayo na agad.” “Ikaw kasi eh. Ang hirap mong kausap. Binebenta ko na ang sarili ko sa’yo nang palugi pero di mo pa rin gustong bilhin. Napapahiya kaya ako. Andaming babae na nagkakandarapa para pansinin ko lang tapos ikaw…” “’Yan, isa pa ‘yan. Kaya takot ako makipag-commit sa’yo dahil diyan. Maraming babaeng nakapaligid. Maraming tukso. Look Elijah, hindi naman sa ayaw ko talaga sa’yo. Hindi lang maganda yung basta tayo magdesisyon na tayo agad agad dahil lang sa nasarapan tayo sa s*x. Mga bata pa naman tayo, hindi ba? Marami pang pwedeng mangyaru. Subukan muna nating kilalanin ang isa’t isa,” seryoso kong paliwanag sa kanya. “Okey, sige. Talo na ako. Baka lang kasi lulusot. Nakuha ko naman ang punto mo eh. Saludo ako sa’yo na hindi ka agad bumigay sa akin.” “See? Ako pa pala ang sinusubukan mo? So paano, okey na tayo ha? Hintayin mo na lang kung kailan ako handa. “Okey na po. Maghihintay na lang ako.” Doon nagsimula ang sa amin ni Elijah. Yung takot ko, unti-unti niyang dinurog. Sadyang hindi siya sumukong manligaw at iparamdam sa akin ang kanyang pagmamahal. Idinaan niya ang panliligaw niya ang pagbibigay ng mga mamahaling regalo, masayang weekend short travel sa Tagaytay. Laguna at Batangas. Binusog din niya ako sa mga date sa mamahaling restaurant at may kasunod pa madalas na movie night o bar night. Ipinaramdam niya sa akin na worth akong pagbuhusan ng effort at oras, bagay na hindi ko kailanman naranasan sa mga naging ex ko. Hindi na siya nangungulit na maging kami ngunit sa mga ginagawa niya, katangahan na lang maituturing kung hindi ka mahuhulog. Hanggang sa dumating ang oras na ako na mismo ang sumuko. Ako na ang nakaramdam ng pagmamahal. Ako na rin ang nagparamdam na gusto ko na ring maging kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD