NAGSAMA

2123 Words
CHAPTER 8 Ang sinimulan namin sa trip ay tuluyang nauwi sa isang nang seryosohang relasyon. Napapayag niya akong lumipat sa kanya kahit pa kontrang-kontra ang Tito Diego ko sa pag-alis ko mula sa poder niya at sumama sa lalaking hindi ko naman pa lubos na kilala. Ang Tito Diego ko ay isang matandang binata na kapatid ng yumao nang papa ko. Mula nang naulila ako ng lubos, siya na lamang ang naging kasa-kasama ko. Siya ang halos nagpalaki na sa akin at gumabay nang sabay na mamatay ang mga magulang ko sa isang malagim na akisidente. Ganoon pa man, sa kabila ng kanyang pagkontra na sumama ako kay Elijah, wala rin naman siyang magawa. Lahat naman kasi ng gusto ko, lahat ng maibigan ko, kahit hindi siya pumapayag ako pa rin ang nasusunod. Ganoon ako kamahal ni Tito. “Ano Ava? Sigurado ka ba talaga riyan sa pagsama mo sa boyfriend mo? Magsasama kayo na hindi pa kasal? Baka mamaya ha, matuylad lang ito sa mga nauna mong naging boyfriend.” “Buo na ang desisyon ko, Tito. Sasama ako sa kanya at titira sa condo niya. Nakilatis naman na ninyo siguro siya hindi ba? Maayos ho siya Tito at hindi ho siya kagaya ng mga nauna kong mga boyfriend. Maayos ho siyang kausap at matino.” “Sa ngayon oo, paano kapag tumagal pa kayo? Baka mamaya hindi naman pala talaga siya mabait. Hindi mo makikilala ang isang tao hangga’t hindi mo siya nasusubukan.” “Kaya nga po magsasama ho kami para lalo ko ho siyang makilala.” “At paano ka? Kung mabuntis ka niya at iiwan. Paano kung kailan may karga na ang tiyan mo saka mo malaman na hindi pala siya ang inaakala mong siya. Lalabas na ikaw ang talo niyan eh.” “Hindi naman ako papabuntis sa kanya Tito na hindi pa ako sigurado. Huwag ho kayong mag-alala. Pinasok ko ito at kung magkaletse-letse man, sisiguraduhin ko pong alam ko rin kung paano ko ito lalabasan.” “Hindi ka naman talaga papipigil, hindi ba? Kahit kokontra ako, yung gusto mo pa rin naman ang mananaig at susundin mo. Kung baga nagsabi ka lang sa akin pero hindi ka nagpapaalam. Nakita ko ngang nakaempake ka na eh kaya wala namana kong magagawa kahit kontra ako.” “Ibig bang sabihin niyan Tito, pumapayag na kayo? Okey na sa inyo na sa boyfriend na ako titira?” “Gawin mo ang gusto mong gawin, Ava. Pero kung sakaling hindi magiging maayos ang lagay mo sa kanya, lagi mong iisipin na may uuwian ka pa rin. Nandito lang ako, anak. Handa kang tanggapin kung sakaling matisod ka muli sa desisyon mong ito.” “Maraming maraming salamat sa pagpayag Tito.” “Sana siya na talaga yung hinahanap mong para sa’yo. Siya na yung tuluyang magpapatino sa’yo.” “Grabe ka naman sa magpapatino, Tito. Para namang ansama ko nang babae niyan sa sinabi ninyong ‘yan.” “Oh, bakit, aangal ka eh totoo naman na mula nawala ang mga magulang mo hindi ka na kasintino ng Ava na pamangkin ko noon. Anak, tandaan mo. Babae ka, ikaw ang laging agrabyado sa mga lalaki kaya mas mainam na lagi mong iisipin ang kapakanan mo. Kung buhay ang Papa at Mama mo, hindi ka nila papayagang basta na lang sasama riyan sa boyfriend mo nang walang kasal muna.” Huminga ako nang malalim. Tumahimik na lang ako para hindi na hahaba pa. “Nasaan ba siya? Hindi ba dapat nandito siya para kasama siyang makausap ko at hindi lang ikaw?” “Pero Tito…” “Anong pero ka riyan, gusto ko siyang makausap.” “Nasa sala ho, hinihintay ako.” “Papayagan kita pero gusto kong makausap din muna siya. Hindi pwedeng basta ka na lang niya kukunin sa akin na hindi ko man lang siya nakakaharap. Kailangan ko siyang makausap, Ava.” “Hayan, kayo na rin ang nagsabi, Tito, makausap. Hindi para gisahin o takutin kundi kausapin lang.” “Dapat lang na takutin ko siya nang di ka niya lolokohin. Para alam niyang ako ang makakalaban niya oras na saktan ka niya.” “Tito naman eh!” “Anong Tito naman ka riyan. Halika ka, kakausapin ko siya,” tumingin siya sa mga bagahe ko. “Oh, bakit ‘andami mo naman yatang dalang damit. Kinuha mo na yata lahat eh. Ano? Wala ka nang balak pa talagang bumalik rito? Seryoso at sigurado ka nang siya na talaga?” “Hindi ko naman dinala lahat, Tito. Nag-iwan ako ng ilang piraso. Yung mga luma kong damit at bihira kong naisusuot.” “Eh gano’n na nga ‘yon. Talagang hinakot mo na lahat.” Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. Bigla akong niyakap ni Tito nabg mahigpit. “Basta Ava ha? Kung anuman ang mangyari, kung sasaktan ka niya, kung mangangaliwa siya, nandito lang si Tito. Bumalik ka sa akin at huwagna huwag kang papayag na maapi, okey?” “Ano Tito? Ako? Paaapi? Tingin ba ninyo, may umapi na sa akin? Saka sa hitsura kong ito, mukha bang aapihin?” Ngumiti si Tito habang nakatitig siya sa akin, “Hindi nga eh kaya natatakot ako. Mukha kasing ikaw ang aapi. Babae ka pero palaban at hindi kita tinuruan na mahina. Namulat ka sa lagi kong sinasabi sa’yo na kapag may karapatan, ipaglaban. Basta ‘nak, magsabi ka sa akin ha? Sana maging open ka pa rin sa akin lalo kung may problema ka ha? Nandito lang lagi si Tito para sa’yo.” “Okey po. Hindi ko ho kakalimutan ‘yan Tito.” “Good. Tara na sa baba. Kakausapin ko kung sino man ‘yang bagong boyfriend mo na ‘yan na sasamahan mo.” “Sige tito. Tara na ho at baka naiinip na iyon sa kahihintay sa akin sa baba.” “Humanda ‘yan sa akin, ayusin niya ang sagot niya nang hindi siya sa akin tatamaan.” Kumunot ang noo kong tumingin kay Tito. “Hala Tito. Huwag naman ho ninyong takutin kagaya ng ginawa ninyo sa mga ex ko.” “Kakausapin ko lang nga.” “Anong sasabihin ninyo? Baka mamaya bubunutan na naman ninyo ng baril.” “Oh, ba’t ka biglang natakot? Yung mga boyfriend mo, binunutan ko sila ng baril nang nagloko sila at hindi ko binunutan nang kinuha ka sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ka nadadalang bata ka. Sa tatlong sunud-sunod na failed relationship mo, dapat sana hindi ka na basta-basta nagdedesisyon.” “Ganoon talaga Tito kapag nagmamahal. Maiintindihan lang ninyo ako kapag kayo ay nagmahal na rin.” “Anong pinagsasabi mo? Hindi mo alam kung paano ako nagmahal noon. Saka bakit sa akin napunta ang usapan? Tungkol diyan sa boyfriend mo ang pinag-uusapan natin ah.” “Oo na. Pero Tito ha? Huwag mong takutin. Kasi kung di ka kilala ng ibang tao, matatakot talaga sa laki ng katawan at baba ng boses mo. Baka mamaya matakot’ yon sa’yo eh.” “Eh di mabuti nang may katatakutan siya nang hindi ka niya lolokohin. Saka hinay hinay nga sa pagsasalita, para mo namang sinabing mukha akong kriminal.” “Ayaw mo no’n tito? Ikaw yung tipong gwapong kriminal?” “Ava, pinapayagan na kita. Hindi mo na kailangan pang bolahin ako.” Nang makita kami ni Elijah na pababa sa paikot na hagdanan ng magarang bahay ni Tito ay agad na siyang tumayo bilang paggalang kay Tito. Yumuko siya at nagmano. Nakita agad ni Tito kung gaano karespeto ang lalaking sasamahan ko. “Maupo ka lang, Elijah… Tama ba? Elijah nga ba?” tumingin sa akin si Tito, nagtatanong ang kanyang mukha, nagdadalawang isip kung tama ang itinawag niyang pangalan sa boyfriend ko. Mabilis akong tumango ngunit naunahan pa ako ng sagot ni Elijah. “Yes po. Tama po. Ako po si Elijah.” nahihiyang sagot ni Elijah. “Mukha ka namang mabait at mapagkakatiwalaan. Magkaliwanagan tayo, Elijah ha?” “Ano ho ‘yon?” “Kinuha mo sa akin ang pamangkin ko na buo. Kukunin mo siya sa poder mo na walang kahit anong kulang sa kanyang katawan, walang kahit anong pasa o galos kaya sana, ibalik mo siya sa ganyang ayos din. Yung Ava na nakangiti at hindi umiiyak.” “Makakaasa ho kayo.” “Good. Saka isa pa pala, patinuin mo itong pamangkin ko ha? Madalas kasi itong pasaway eh.” Nagkatinginan kami ni Elijah. Nakangiti na si Tito. Mukhang nagbibiro na siya. “Okey naman ho si Ava.” “Tito, tawagin mo na rin akong Tito.” “Ah, okey ho Tito.” “Good. Sana ikaw na ang makakapagpatino sa kanya.” “Matino naman ho siya, Tito.” “Kita mo Tito? Ikaw lang ang walang tiwala sa akin eh. Matino ako, no?” “Sus! Matino ba ‘yan? Saan ka nakakita ng matino na ayaw magseryoso sa kanyang trabaho? Saan ka nakakita ng matinong babae na makaamoy lang ng sigarilyo, hihitit na akala mo barako. Madantayan lang ng patak ng alak ang labi, eh mamaya, lasing na.” “Sandali nga, Tito. Ano ‘to? Hindi ko alam kung sinisiraan mo ako sa boyfriend ko o bini-build-up.” “Ano ka ba? Nagsasabi lang akong totoo. Malay mo, magbago na agad ang isip. Dito pa lang umatras na siya. Wala pang abala.” “Ewan ko sa inyo,” kunot ang noo kong sagot. “Basta Elijah ha? Binantaan na kita sa ugali niyan sa alak at sigarilyo. Huwag kang magsasawang intindihin ang may topak na pamangkin ko at kung sakaling hindi mo siya matiis. Kung sakaling hindi na kayo masaya sa isa’t isa, ibalik mo ang pamangkin kong walang kahit anong pasa kasi kung sasaktan mo siya, ako ang makakaharap mo at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kung sakaling sasaktan mo siya, nagkakalinawagan ba tayo?.” “Wala hong problema, Tito. Malinaw na malinaw ho sa akin. Usapang lalaki ho. Hindi ko ho sasaktan si Ava. Ako na hong bahala sa kanya.” “Good. Madali ka rin naman palang kausap eh!” nakita kong naglabas ng baril si Tito. Halatang nagulat si Elijah sa ginawa ni Titong pagpapakita ng baril. Hindi niya alam kung biro iyon o seryoso si Tito. “Ano ka ba Tito? Itago mo nga ‘yan? Sabi ko huwag mong takutin e.” Pinunasan ni Elijah ang pawisan niyang noo. Halatang takot kay Tito. “Huwag mong pansinin ‘yang si Tito ha? Nagbibiro lang ‘yan.” Agad kong kinuha ang baril sa kamay ni Tito at ipinatong sa mesa. “‘To, itago mo nga ‘yan? Tinatakot mo eh! Sabihin mo nagbibiro ka lang.” Kinuha ni Tito ang baril. Ikinasa at itinutok sa ulo ni Elijah. “Seryoso ako. Huwag na huwag mong pagbubuhatan ng kamay ang pamangkin ko kung ayaw mong iligpit kita, okey?” “Hindi ho, hindi ko ho magawang saktan si Ava,” may nginig sa boses ni Elijah. Kung ako ang nasa posisyon ni Elijah, siguradong iyon din ang mararamdaman ko. Hindi ko siya masisisi. Bukod sa tangang baril ni Tito, malaking tao pa siya. Malaki rin ang kanyang katawan at parang kulog ang buo at mababa nitong boses. Sinong di matatakot kung pati mukha ay seryoso rin? Kung hindi lang gwapo si Tito, pwede na siyang pangkontrabida sa mga action films noong 80s at 90s. Hanggang sa nang pinagpapawisan at di na mapalagay si Elijah, saka na lang tumawa si Tito. “Nakakatawa naman talaga ang boyfriend mo, Ava. Madali palang masindak din ito ano?” Tinapik ni Tito ang balikat ni Elijah. “Relaks ka lang, okey? Biro lang ‘yon.” Huminga nang malalim si Elijah at may pilit nang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. “Okey po. Nanginig ako do’n ah.” “Babala lang ‘yon. Totohanin natin kung di ka umayos.” Tinitigan ni Tito si Elijah. “Sige na at baka abutan pa kayo ng ulan sa daan. Lumarga na kayo kasi aalis rin ako at may lalakarin.” “Sige po tito. Alis na po kami.” “Okey. Sige na. Mag-ingat sa pagda-drive, Elijah ha? Ikaw na ang bahala diyan sa pamangkin ko. Ingatan mo.” “Sure po, Tito,” sagot ni Elijah. Natuwa naman ako sa narinig kong pagtawag niya ng Tito sa Tito ko. Iyon na nga ang simula ng aming pagsasama ni Elijah sa iisang bubong. Masaya naman kami nang una. Walang naging problema sa aming pagsasama. Nagawa niyang baguhin ang buhay ko. Nag-apply ako sa trabaho at nakapagsimula agad. Ngunit sa una lang pala masaya ang lahat. Sa una lang kami maayos. Halos lahat naman, sa una lang magaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD