CHAPTER 15 Kahit anong gawin kong pagkalkal sa aking nakaraan, hindi ko talaga siya maalala. “Hindi ko ho talaga kayo maalala eh. Sino ho kayo?” tanong ko. “Siguro nga, hindi mo ako matandaan pero tandang-tanda kita kasi ikaw yung tanging sanggol na binabantayan namin ni Ate noon at kapag pinapalitan ka niya ng diaper, bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang baho ng ebak mo.” Natawa pa siya. Hindi ako nagpakita ng “Natural. Saan ho ba kayo nakakita o nakaamoy ng mabangong tae?” pabulong kong sagot sa kanya. Hindi kami close para biruin niya ako ng gano’n sa panahong tuliro pa ako kung ano ang gagawin ko ngayon na medyo nagdadalawang isip na akong bumalik sa pa sa lumang bahay. “Hindi kasi natural yung amoy nang sa’yo eh. Nanunuot talaga kaya hindi kita makalimutan pero ngayon,