ESTRANGHERO

2401 Words

CHAPTER 14 Akala ko matapang na ako. Akala ko lahat ng makikita ko, kaya ko nang harapin pero iba pa rin pala talaga kapag magugulat ka. Kapag nasa harapan mo na ang isang kaluluwa. Kaiba ito sa mga nakita ko noon. Hindi kagaya nitong nakakatakot. Nakalutang lang ito nang una at nakatingin sa akin sa bahaging hagdan na paikot na gawa sa kahoy na narra. Napakaputi pa ang suot nito nang una kong makita hanggang sa unti-unti nang nagbago ang kaniyang kabuuan. Bahagya itong nakayuko na ang kalahati ng kanyang mahabang buhok ay nakatakip na sa kaniyang duguang pisngi. Itinaas niya ang kanyang mukha at nakita ko ang kalahati ng mukha lalo na ang nangingitim na paligid ng isa niyang mata. Sunod kong napansin ang halos putol nang duguang braso na nakabitin na lang dahil sa kanyang di tuluyang nap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD