Samantha
Ten days passed before Dylan's surgery. Limang araw naman bago sumapit ito ay nagpaalam na ako sa kanya. Hindi na ako nagpakita pa sa kanya at tinatanaw ko na lamang siya mula sa pinto ng silid niya. Mula sa malayo.
Inihanda ko na rin ang sarili ko para sa mangyayaring operasyon. No matter what happens, I'll never regret this decision of mine. It was all for him.
Kung sakali mang pagtagpuin ulit kami ng tadhana sa kabilang buhay, baka sakali doon ay ako na ang nag-iisang babae sa paningin niya. Baka sakali doon ay mahalin na niya ako nang higit pa sa kaibigan lang at hinding-hindi ko siya iiwan nang ganito.
Hinding-hindi ko hahayaan na may ibang babaeng lalapit sa kanya at mag-aalaga sa kanya. Pero sa ngayon, paalam na muna.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga magagandang alaala nating dalawa simula noong tayo ay mga bata pa lamang. Marami tayong pangarap noon sa isa't isa ngunit nagbago ang lahat nang 'yon nang may makilala kang iba at mahulog ka sa kanya.
But it's okay, I still love you. Hindi ko man 'yon magagawa nang tuparin ngayon, sana ay ikaw. Matupad mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay kahit wala na ako.
Sana ay maging masaya ka at makahanap pa ng isang babaeng magmamahal sa iyo na katulad nang pagmamahal ko sa iyo. 'Yong babaeng kayang ibigay ang lahat-lahat para sa iyo. 'Yong uunahin ka kaysa sa iba...dahil gano'n ako sa iyo.
You've always been my priority, even in my family. Ikaw lagi ang una para sa akin.
"Miss Samantha Heisenberg?"
Napalingon ako sa hallway nang marinig ko ang pagtawag ng Doctor sa akin. Ngayon na ang araw ng operasyon at sana ay maging successful ang lahat. Kayo na po ang bahala, Panginoon. Huwag niyo pong pababayaan si Dylan.
I looked again at Dylan, who was now talking to Alliyah in his room. Nurses and other Doctors are also there to prepare him.
"W-Where's Sam? Hasn't s-she come back yet?"
"Huwag mo nang isipin si Sam. Tatawagan ko na lang siya. Baka parating na rin 'yon."
"I n-need her. S-She promised she would be back here...b-before my surgery."
Tumulo ang mga luha ko sa naririnig ko sa kanya.
Nandito lang ako, Dylan. Lagi kitang babantayan. Mahal na mahal kita.
"Miss Samantha Heisenberg, you need to get ready." Lumapit na sa akin ang isang Nurse at inalalayan ako patungo sa operating room.
I wiped away my tears and took a deep breath.
"You still have time to change your mind--"
Kaagad akong umiling sa Doctor habang kasalukuyan na akong nakaupo sa hospital bed.
"I'm ready."
The Doctor stared at me for a few seconds before nodding at me. Tila nag-aalinlangan pa rin siya ngunit hinila na rin niya ang kurtinang nasa aking tabi at tinakpan ang kinaroroonan ko.
I lay down on the bed and took a deep breath.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagpasok ng ilan katao dito sa loob kasabay nang mabigat na bagay na gumugulong sa sahig na alam kong kinalululanan ni Dylan.
"A-Alliyah, please get in touch with Sam. L—Let her know I'm already in the operating room. I-I'll wait for her here."
"Oo, tawagan ko na. I-relax mo na 'yang sarili mo. Mamaya nandito na rin siya."
Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.
Gustuhin ko mang magpakita sa kanya at yakapin siya ng mahigpit ay hindi maaari dahil may posibilidad na hindi matuloy ang operasyong ito. Maaaring hindi siya papayag kapag nalaman niya ang totoo.
"Mister Dylan Delavega, Just calm yourself and take a deep breath. Don't worry; you won't feel any pain while undergoing surgery. It will only take one to two hours," dinig kong mahinahong sabi ng Doctor sa kanya.
"C-Can I talk to my d-donor first and t-thank him?"
"Hmm...he's asleep now. Maybe when your operation is over."
"A-All right."
Naaninag ko na ang pagbuhay ng maliliwanag na ilaw sa labas ng kurtinang kinaroroonan ko at alam kong sisimulan na nila ang procedure kay Dylan, gano'n na rin ang sa akin.
Hindi maampat-ampat ang mga luha ko mula sa pagtulo ngunit pinakatatagan ko ang loob ko. Diyos ko, kayo na po ang bahala. I raise all this to you. Hopefully this operation will be successful and you let Dylan survive.
Ipinauubaya ko na po sa inyo ang lahat at ang sarili ko. Maluwag ko pong tatanggapin ang magiging kapalaran ko para sa mahal ko.
The Doctors surrounded me and started injecting me with a general anesthetic. Hindi rin naman nagtagal ay nararamdaman ko na ang papasimulang pagmanhid ng pakiramdam ko at hinihila na ako ng antok.
Lumingon ako sa aking tabi at inaninag ang kinaroroonan ni Dylan mula sa kurtinang namamagitan sa aming dalawa. I could see his face and his eyes starting to close.
With my weak arms and hands I forced myself to reach him. I grabbed his arm and held his warm hand. Pinagsalikop ko ang aming mga daliri at hinigpitan ang pagkakakapit ko sa kanya.
This is my last chance to feel you, Dylan. Ingatan mo ang sarili mo. Mami-miss kita ng sobra at hinding-hindi kita makakalimutan kahit na kailan.
Mahal na mahal kita at ikaw lang ang nag-iisang lalaking nilalaman ng puso ko.
"I l-love you, D-Dylan."
I finally closed my eyes.
Ngunit bago ako tuluyang kainin ng kadiliman ay naramdaman ko ang pagyakap din ng mga daliri niya sa kamay ko.
"S-Sam..."
***
Dinala ako sa maliwanag na nakaraan. Nakita ko ang batang sarili ko habang masayang nakikipaglaro kay Dylan sa isang Park.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga hitsura namin noon na tila wala pang kaalam-alam sa mundo at wala pang problemang dinadala.
"Nag-shopping pala kayo ng mommy mo kanina? Bakit hindi mo ako isinama?!" nakangusong tanong ng batang ako kay Dylan na abala sa pagmamaniobra ng isang remote control at sa harapan niya ay isang laruang airplane.
He was so cute back then. Mapipintog ang mga pisngi niya at namumula-mula.
"Hindi kami nag-shopping kanina. Pasalubong ito ng Daddy ko sa akin!"
"Talaga? Umuwi na ulit ang Daddy mo?!"
"Oo pero aalis din siya kaagad bukas para magtrabaho sa malayo." Sinimulan na niyang paliparin ang airplane gamit ang hawak niyang remote control.
"Weeeeehhhh! Parang masarap sumakay d'yan, Dylan! Kailan kaya tayo makakasakay sa malaking eroplano?" tuwang-tuwang kong sigaw habang hinahabol ng tingin ang paglipad ng airplane sa ere.
"Hayaan mo isasakay kita d'yan, someday. Makakasakay din tayo d'yan."
I smiled at what he said.
Oo, natupad naman 'yon noong magtungo na kami dito sa Pilipinas. Hawak-kamay naming sinalubong ang bansang ito at nangakong hindi maghihiwalay kailanman.
Umikot ang paligid ko at biglang nabago senaryo. Nakita kong muli ang batang ako habang kasama ang batang si Dylan sa isang Ice cream parlor.
"Ang kalat mo namang kumain!" Inis na sermon ni Dylan sa batang ako habang pinupunasan niya ang pisngi ko gamit ang laylayan ng suot niyang t-shirt.
"Ikaw din naman eh!" Natawa ako sa kapilyahan ko noon nang punasan ko ang butas ng ilong niya ng ice cream.
"Samantha!" galit na sigaw ni Dylan sa batang ako ngunit mabilis na akong nakatakbo palabas ng Ice cream parlor.
Muling umikot ang paligid ko at sa ibang senaryo naman ako dinala.
"Paano nga ulit ito? Anong nawawalang letra dito?" tanong ng batang si Dylan sa batang ako habang bitbit niya ang isang worksheet na naglalaman ng mga kung ano-anong bagay na kailangang sagutin ang nawawalang isang letra sa salita.
We are currently in my room and helping each other out with assignments. Even though we live in the U.K. and study in an English School, our parents still trained us to speak Tagalog.
According to them, we are Filipinos and should not forget our own language. But when we are at school, we speak more English.
"Para 'yan lang! Ang dali-dali lang naman niyan eh!" Inis na inagaw ng batang ako ang worksheet sa batang si Dylan at ako nag-umpisang magsagot ng homework niya.
"Kiss na lang kita, ha!" sagot ni Dylan sa tabi ko kasabay ang mabilis niyang paghalik sa namumula ko pa noong pisngi.
"Bigyan mo pa ako ng baon mo bukas!" nakanguso ko namang sagot sa kanya.
"Oo na nga!" Napakamot naman sa ulo ang batang si Dylan.
I just laughed as I watched them.
Muling umikot ang paligid at sa ibang senaryo naman ako dinala.
"Pasaway ka kasi eh! Sabi ng mommy mo stop playing na outside 'cause it's raining!" sermon ng batang ako kay Dylan habang inaayos niya ang pagkakakumot kay Dylan sa ibabaw ng kama.
Nangangaligkig ang batang si Dylan sa lamig at mataas ang lagnat nito.
"Anak, kailangan na nating umuwi. Gabi na." My mom and Dylan's mom came into the room. I still remember this old Dylan room back then.
"Mommy, may sakit pa si Dylan. Dito na lang po muna ako. Sasamahan ko si Dylan."
"Pero, anak baka mahawa ka ni Dylan. May sakit siya. Pwede ka namang bumalik bukas. I'm sure he'll be fine tomorrow," malambing namang sagot sa akin ni mommy Lanie, ang mommy ni Dylan.
"I'm strong! Di po ako mahahawa. Nag-inom nga po ako kaninang vitamins eh," pamimilit ng batang ako kasabay nang paghiga ko sa tabi ni Dylan at niyakap siya upang hindi na siya lamigin.
Nagkatinginan si Mommy at Mommy Lanie at sabay napailing.
"Hayaan na natin. Hindi ko rin naman mapipilit 'yan na umuwi," sagot ni Mommy kay Mommy Lanie na tila walang magagawa sa mga kagustuhan ko.
"Sige pero kung sakali lang na mag-iba rin ang pakiramdam niya, paiinumin ko na lang din siya kaagad ng paracetamol."
Tumango si Mommy sa sinabi ni Mommy Lanie bago sila lumabas ng silid.
"Kulit mo kasi! Di ka nakikinig sa akin eh!" muling sermon ng batang ako kay Dylan na nananatiling tahimik at nanginginig ang katawan sa loob ng kumot.
Napangiti ako at parang hinahaplos ng mainit na palad ang puso ko sa tagpong ito. Bata pa lang pala ako noon ay inaalagaan ko na siya sa tuwing nagkakasakit siya. At siya naman itong suki na yata ang pagkakasakit.
Muling umikot ang paligid at dinala ako sa tagpo kung saan teenager na kami at sasailalim kami sa isang surgery. Kidney transplant.
Dylan had no idea I was his donor. I chose to keep that a secret from him so he wouldn't think he was indebted to me. At baka lang din hindi siya pumayag kung sakaling malaman niya ang tungkol dito bago mangyari ang operasyon.
Ngunit hanggang kailan ko nga ba iyon maitatago sa kanya?
Sa pag-ikot ko ay bumungad sa akin ang kasalukuyang hospital na kinaroroonan ko. Ngunit tila nabaligtad na ang pangyayari...dahil ako na ngayon ang nakahiga sa kama at walang malay. Puno ng apparatus ang buo kong katawan.
Sa aking tabi ay si Dylan na humahagulgol at nakikiusap na muli akong gumising.
"Sam, why did you do that?! Why?! Please, wake up! Wake up, baby!"