CHAPTER 3: Just as a Best friend

1641 Words
Samantha "I want to remind you that only twenty-six percent to fifty percent of people survive this type of surgery if you are an unrelated donor. You can go into a coma or die early," paliwanag ng Doctor sa akin matapos niyang sabihin na ako ang siyang taong nahanap ng BBMR bilang ka-match ng stem cells ni Dylan. Mababakas ang lungkot at pag-aalinlangan sa kanya. That's no longer surprising because I registered with them when I donated a kidney to Dylan while still living in the U.K. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong isipin at maramdaman. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana o ito talaga ang nakatadhana sa buhay ko, ang maging donor ni Dylan habambuhay. Wala naman problema sa akin 'yon. Masaya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay magkarugtong talaga ang buhay naming dalawa. Lahat ng kailangan niya ay nasa akin at willing kong ibigay sa kanya ang lahat, mabuhay lang siya. "If you need a large amount of money just to continue this operation--" "Miss Heisenberg, it's not about money. Life is what we're talking about here." "Buhay nga, hindi ba?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Dylan's life is what we're talking about here. I'll be his donor to prolong his life." "We need the consent of your family first, especially your parents--" "No," I immediately interrupted him. "You won't tell them. Walang ibang makakaalam ng tungkol dito." "But, Miss--" "I know my family; they won't agree about this. Will you just let your patient die if there's a way? I'm of legal age and can decide for myself." "He still has siblings who can match him." "Kung Dominic pa lang ay hindi na siya nag-match, ano pa sa iba? They're not the same parent. Magkapatid lang sila sa ama." Just last week, Dominic volunteered to examine himself with the Doctors sa pagbabakasakali mag-match sila ni Dylan, but unfortunately, they don't have the same cells. Dominic didn't know how flattered I was at what he did. Kahit hindi naging maganda ang simula nilang magkapatid ay alam kong may puso pa rin siya para kay Dylan, para sa kapatid niya. "I promise you that I will live 'cause I can handle this operation. I'll fight. Dylan and I will fight. Marami pa kaming pangarap kaya hindi kami susuko. I'll give you everything you need, everything you want, just continue the operation. Sasagutin ko ang lahat nang pangangailangan ng pamilya mo." Hindi pa siya nakakasagot ay kaagad na akong lumabas ng opisina niya. I leaned against the door after I closed it. Tumulo ang mga luha ko sa pisngi dahil hindi ko alam kung ang mga sinabi ko sa Doctor na lalaban ako ay magagampanan ko nga ba. I don't know if I can really do that after all this. Dahil alam kong ang paglaban ni Dylan hindi para sa akin, kundi para sa iba. "Sam?" Napalingon ako sa kaliwa at bumungad sa akin si Dominic. "What happened?" Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi nang maglakad siya palapit sa akin. "Do you know what good news is?" nakangiti kong tanong sa kanya. "What?" tila nahihiwagaan naman siyang tumitig sa akin. "The BBMR Registry has already found a donor, so I'm in tears of joy. Gagaling na si Dylan. Gagaling na ang kapatid mo." "R-Really? W-Who?" Lumarawan din naman ang saya sa kanyang mga mata at tila hindi makapaniwala. "I-It's from another country, according to Dylan's doctor." I avoided looking into his eyes and started walking. Kaagad din naman siyang sumabay sa akin. "What help can I do? I'll be the one to pay for that person at sa iba pang bayarin dito sa hospital. After all, that's all I can do. Even if I insist on donating, hindi naman maaari." Napahinga ako ng malalim. Hindi naman na niya kailangan pang gawin 'yan, pero kung iyon lang din ang ikakagaan ng dibdib niya ay hahayaan ko na lang din. Dylan is his brother, and he has the right to help. "Ikaw ang bahala," sagot ko na lang sa kanya. "Just don't let him and even Alliyah know about it. That's enough for me." "Sige, and thank you." I gave him a genuine smile before we continued walking. "Ahm, I'll send the money to your account. Just let me know after the operation. I want to make sure he's okay." Napalingon ako sa kanya at napatitig. Sobrang laki na ng ibinagsak ng kalusugan niya ngayon. Payat at nangingitim ang gilid ng kanyang mga mata. Humpak ang mga pisngi at halatang napabayaan na ang sarili niya sa kahahabol kay Alliyah. "Hindi mo ba sisilipin si Alliyah?" "Ahm, w-we've already talked, and I'll grant her request...for now." Bumalatay ang matinding lungkot at sakit sa mga mata niya. Ramdam ko ang bigat na dinadala niya at sana ay makaya niya. Huwag siyang susuko dahil walang-wala 'yan sa nararanasan ngayon ni Dylan. "Okay, makakaasa ka." I nodded to him and assured him. "Thanks, and thank you so much for taking care of Dylan too," huling salita niya bago niya ako tinalikuran at naglakad palayo. Muli na lamang akong napahinga ng malalim bago naglakad pabalik sa silid ni Dylan. Inaalagaan ko si Dylan dahil mahal ko siya at siya lang ang buhay ko. *** When I opened the room door, Dylan slept soundly, and Alliyah was beside him, silently watching him. I knocked softly on the door to get her attention. Napalingon din naman siya sa akin at binigyan ako ng munting ngiti. Pumasok ako at siya naman ay tumayo. Ganito na ang naging sistema naming dalawa dito sa loob ng halos isang taon nang pananatili namin dito sa hospital. Sa tuwing natutulog na si Dylan ay ako naman ang papalit sa kanya upang makapagpahinga din siya at makalabas kahit sandali lang. "Pwede ba kitang makausap?" mahina kong sabi sa kanya upang hindi magising si Dylan. "Sige." Maingat kaming lumabas ng silid at naupo sa mahabang upuan sa labas. Sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa bone marrow donor ni Dylan. Sinabi ko na sa kanya ang lahat, pwera na lang sa sinabi ng Doctor na maaaring ikamatay ko ang operasyon at ang tungkol sa ginagawang pagtulong ni Dominic sa kapatid niya. Tutal, hindi ko alam kung matapos nito ay magigising pa ba ako. "Ano? S-Sigurado ka na ba? Baka may iba pa tayong paraan. Pwede naman natin itong ipaalam sa pamilya niya at huwag na lang nating sabihin sa kanya ang totoo." Kaagad akong umiling sa kanya. "Nakapagdesisyon na ako at wala akong planong umatras. Ito na lang ang kahuli-hulihan nating paraan. Mangako ka sa akin na hangga't hindi sumasapit ang araw ng operasyon ay hindi mo ito ipapaalam sa kanya." "Pero, Sam." "Mangako ka. Huwag ka ring mag-aalala, kakayanin ko. Kakayanin ko para kay Dylan." I kept being brave in front of her. Ayokong makitaan niya ako ng kahit kaunting panghihina. "P-Pangako..." Tears streamed down her face before she hugged me tightly. I immediately wiped mine so she wouldn't notice. *** Matapos ang ilang minuto naming pag-uusap ay pumasok na ako ng silid ni Dylan at naupo sa kanyang tabi. Si Alliyah naman ay lumabas at magpapahangin lang daw. I stared at Dylan's face. He no longer had hair on his head, not even on his arms and legs. His skin is ashen and dry, and he no longer has nails on his hands and feet. Nangingitim rin ang mga ito dala ng ilang beses niyang pagsalang sa chemotherapy. Sobrang payat na rin niya at wala na talaga siyang kahit kaunting laman sa katawan. But he is still the most handsome man for me, and I'll never tire of watching him and loving him. "A-Alli-yah..." Nagising na naman ako mula sa pangangarap ko nang mahina at tila hirap niyang binanggit ang pangalan ni Alliyah. "Dylan, A-Alliyah just came out to eat." He seemed to have a hard time opening his eyes and looking at me. Maging ang pagkilos ay nahihirapan na rin siya. Nagmimistulang patay ang katawan niya sa tuwing natatapos ang chemo niya. I smiled at him and kissed him on the cheek. "I have something I want to tell you." Nakangiti akong tumitig sa kanyang mga mata. "S-Sam..." "Malapit ka nang gumaling. I've already found your donor with the help of the BBMR Registry in the U.K." Napangiti siya at kuminang ang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya at ilang beses itong hinalikan. "Mangako ka sa akin. Kapag gumaling ka na, alagaan mo na ang sarili mo. Hindi ka na dapat magkakasakit ulit dahil h-hindi na ako makakasama mo... kapag n-nakalabas ka na dito. N-Nand'yan na si...Alliyah." "S-Sam..." Naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa kamay kong hawak siya. "Mahalin mo na dapat ang sarili mo at huwag mo nang pababayaan." "A-Are you l-leaving?" "Ahm, m-magpapaalam muna ako sandali. Uuwi muna ako..." "N-No..." I saw the sadness and fear in his eyes. "Babalik din ako." Babantayan pa rin kita, kahit wala na ako. Lihim akong napakagat-labi sa isiping 'yon. Nanlabo ang paningin ko ngunit kaagad kong pinigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "I-I'll be fine. Y-You'll be b-back." Napangiti ako sa sinabi niya, at kahit papaano ay sumaya ang puso ko. Gusto pa rin niya akong manatili sa tabi niya, 'yon ba ang ibig niyang sabihin? "I w-will wait f-for you." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Dylan. Wala akong ibang hiling kundi ang gumaling ka." "G-Galing a-ako. M-Mahal din kita...Sam." Napangiti ako at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinagkan siya sa labi. Hindi na ito nakakagulat pa sa kanya dahil palagi niya rin naman ako hinahalikan sa labi. But not as a woman in his heart, but just as a best friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD