Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pagbabalik tanaw. Pasado ala una na ng hapon nang magising ako.
Sinimulan kong ayusin ang kwarto bago naligo at inayos ang sarili ko.
Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin.
Back to your old life Azaia.
I think and take a deep breath. Marahan akong lumabas at pinakiramdaman ang bahay.
Walang anumang ingay akong naririnig marahil ay umalis na ang aking asawa.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina upang sana magluto ng pagkain pero ganun nalang ang panlulumo ko ng puros mga alak ang laman ng fridge.
Wala na akong nagawa pa kundi bumalik sa kwarto at napagdesisyunang mamimili ng stocks namin.
Hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil lahat naman ng damit ko ay longsleeve. Magkakaiba lang ng kulay at disenyo.
Lumabas ako ng bahay at nag-antay ng taxi na masasakyan. Hindi naman nagtagal ay may padaan ng taxi kaya agad ko iyong pinara.
"Manong sa Manzato Mall po" magalang na sabi ko sa driver pagkapasok ko.
"Okay po Maam" sagot nito at sinimulang magmaneho.
Umayos ako ng upo at itinuon nalang ang paningin sa daan. Ilang segundo ang lumipas at hindi sinasadyang napatingin ako salamin ng sasakyan.
Mapait akong ngumiti saka marahang ipinikit ang aking mata.
That car. That plate number.
Yeah, welcome back Azaia.
I sarcastically mumbled in my mind.
Back to be being guarded.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang nakita. Malaya man akong nakakaalis ng pamamahay ay nakabuntot naman sa akin ang tauhan niya. Normal na ito sa akin dahil iyon naman talaga ang ginagawa niya noon pa buhat nang ikasal kaming dalawa.
Sinimulan ko nang mamili ng mga kailangan sa bahay. Pagkain, mga personal na gamit at iba pa.
Nang makuntento sa pamimili ay pumila na nga ako sa counter. I was on the third spot nang may naalala akong bilhin.
Napkin!
Natampal ko ang aking noo at napailing nalang. Bumaling ako sa aking likuran at bahagya pa akong natigilan.
Ang kanyang paningin ay nasa cellphone na hawak habang prenteng nakasandal sa kanyang cart.
Sa maliit na segundo ay nagawa ko agad pag-aralan ang itsura niya. Matangkad ito, moreno,matangos ng ilong at kita ko rin ang medyo mahaba nitong pilik-mata. Unti-unti niyang itinuon sa akin ang paningin nang siguro ay maramdaman niya ang aking paninitig.
He raised his brow while looking at me blankly. Doon ay tila natauhan ako at mahinang napaubo.
"Kuya pwede bang pabantay ng cart ko? May nalimutan kasi akong isama sa pinamili ko kukunin ko lang sana. Madali lang naman." mahinahon kong pagkausap dito.
Napaawang ng kaunti ang bibig nito habang nakatingin sa akin.
Pipi ba to?
Siguro nga hindi talaga binibigyan ng Panginoon ng perpektong nilalang ang mundo.
"I'll be back" tipid ngiting sambit ko saka umalis upang pumunta sa section kung nasan ang mga pads.
Tulad ng sinabi ko ay nagmadali ako sa pagbalik pagkatapos kong kunin ang kailangan ko. Ganun nalang ang pangungunot ng aking noo nang wala na ang lalaking pinakiusapan ko. Napaltan ng pagkabahala ang aking mukha nang mapansin na wala na ang cart ko!
"Maam dito po" tawag pansin sa akin ng isang cashier sa tabi kung saan ako pumila.
Nagtataka man ay lumapit ako sa kanya. Dun ko lang napansin na napunta na dun ang cart ko at kasalukuyang ivininavouch.
Nakahinga naman ako nang maluwag saka naisip ang lalaki.
Maybe he brought my cart in the next line when he saw it available.
May malasakit ang pipi. Kibit balikat kong sabi sa isip ko at napangiti nalang.
Nang matapos ang cashier sa pagvavouch ay nakita kong nasa 1.7+ ang total ng aking pinamili kaya naman kinuha ko ng aking wallet at kumuha ng dalawang libo dahil wala akong ibang bariya.
Muling nangunot ang aking noo nang tanggalin niya ang resibo sa makina at ilagay sa kahon ko nang hindi man lang ako sinasabihan tungkol sa total ng bayarin ko.
Sa isiping nakaligtaan lang ng babae ang gagawin ay ako na mismo ng nagpaalala dito.
"Miss magkano babayaran ko?" maingat kong sambit dahil sa takot na iba ang maging dating sa kanya.
"Okay na po Maam. Hindi niyo na po kailangang magbayad" magalang at nakangiti niyang sabi sa akin.
"Huh? May promo ba? Nanalo ba ko?" nagtatakang usal ko.
Marahang umiling ang cashierlady habang nanatiling nakangiti.
"Kargo na po lahat ni Sir ang pinamili niyo" she stated.
Sir?
"You mean, the mute guy?" pagtatanong ko sa kanya.
Siya naman ang kumunot ang noo at marahang umiling.
"Huh? Kung ganon ay sino?" tanong ko rito.
"Si Sir Man--"
Hindi naituloy ng babae ang kanyang sasabihin nang may lumapit na lalaki sa akin.
"Maam pinapauwi na po kayo ni Sir Bjorn" pormal na sabi nito.
He's Bjorn people. Si Mang Ramir, ang palaging nakasunod sa akin sa lahat ng pupuntahan ko simula pa noon. Nasa edad 50+ na ito kung susumahin.
Dahil sa sinabi niya ay agad akong inatake ng takot.
"O-okay" nautal kong sagot.
What did I do this time?
Siya na ang kusang kumuha nang pinamili ko saka tumingin sa akin.
Alam ko na ang ibig sabihin nun. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sundan siya sa paglalakad.
Dumaretyo kaming parking lot at sumakay sa sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin pabalik ng bahay.
Nagsimulang mamawis ang aking kamay nang tuluyan na kaming nakauwi. Unang bumaba ng sasakyan si Mang Ramir at ipinasok ang aking pinamili.
Kalma Azaia.
Maybe he just want to talk to you.
Pilit kong kinalma ang aking sarili bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Nadatnan ko si Bjorn sa salas habang nakaupo ito sa couch. May hawak itong baso na tingin ko ay naglalaman ng alak at malamig na nakatingin sa akin.
"San ka galing?" tanong nito. Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya sakaling magkamali ako ng sagot.
"N-namili ako ng mga s-stocks sa mall" garalgal na sagot ko.
Inilagay ko ang aking kamay sa likuran saka iyon paminsan-minsang pinagkukurot.
I heard him smirked before putting his drink on the table. Tumayo siya saka naglakad ng mabagal palapit sa akin.
Tulad ng normal na nangyayari sa akin, nagsimulang mangatal ang aking mga kamay sa paglapit ng presensya niya.
"Ahh!"
Hindi ko maiwasang mapasigaw nang hilahin niya ang aking buhok.
"Kararating mo lang at talagang nanlalandi kana naman. Kating-kati ka na ba Azaia?" mahina ngunit puno ng panggigil niyang sabi.
Nagsimulang magtubig ang aking mata. Hindi ko alam kung dahil iyon sa masakit na pagkakasabunot niya sa aking buhok o sa salitang binitawan niya.
"Bjorn please let me go. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Namili lang ako." pakiusap ko.
Mariin niyang hinawakan ang aking panga. I winced in pain but can't do anything.
"Kanina lang kita pinagbantaan Azaia tapos nanlalaki kana agad?! Talaga bang gusto mong ipahamak ang buhay ng anak mo?!" he bursted in anger.
"N-no,no,no. Please don't hurt Rafael. Don't hurt our child please Bjorn. Ako na lang, tatanggapin ko lahat ng sakit na ibibigay mo. Wag mong saktan ang anak natin." umiiyak kong pagmamakaawa sa kabila ng pagkakasabunot at mariin niyang hawak sa panga ko.
"KAYA NGA TIGILAN MO PAGPAPAKAPUTA SA IBANG LALAKI!" he shouted and gave me a punch in my stomach.
Natumba ako sa sahig habang salo ang aking tyan kung saan niya ako sinuntok.
"Napakalandi mo! Tangina! Pasalamat ka at itinuloy ko ang kasal kahit ruming-rumi ako sayo!" muli niyang sigaw saka ako sinipa na tumama sa likod ng hita ko.
Namilipit nalang ako at walang nagawa kundi ang tanggapin ang pananakit niya.
"Hayop ka! Pokpok! Malandi! Makati!" sunod-sunod niyang sabi saka ako muling sinipa na tumama sa parteng likod ko.
Napaigik ako nang yumukod siya at muling hinila ng aking buhok saka iniharap sa kanya.
"Kahit kailan hindi ko ipapakita sayo ang anak mo" mahinang sambit niya saka ako malakas na sinampal bago tuluyang umalis ng bahay.
I cried in silent while still lying on the floor.
Ilang minuto akong umiyak nang umiyak bago napagdesisyunang tumayo at namimilit na naglakad pataas sa kwarto.
Nahiga ako sa kama at tulalang nakatitig sa kisame.
Bakit naging ganito ang buhay ko?
Bakit walang natira sa akin dahil sa pagkakamaling nagawa ko?
Marahan akong pumikit nang bumalik ang mga katagang binitawan ng asawa ko kanina.
"Napakalandi mo! Tangina! Pasalamat ka at itinuloy ko ang kasal kahit ruming-rumi ako sayo!"
Mapait akong ngumiti. Yeah, sobrang laki ng pasasalamat ko at natuloy parin ng kasal namin noong araw na iyon sa kabila ng mga nangyari. Hindi ko alam na iyon na pala ang simula ng impyerno kong buhay.
"Hayop ka! Pokpok! Malandi! Makati!"
Do I deserve it?
Yeah, Azaia. You deserve it.
Bali-baliktarin man ang mundo ginago ko siya.
"Kahit kailan hindi ko ipapakita sayo ang anak mo"
Dahan-dahan akong nagmulat at kinagat ang ibabang parte ng aking labi upang hindi muli umiyak.
It's been 5years. Limang taon na buhat nang ipanganak ko siya. Limang taon ng hindi ko siya nakikita.
I never had a chance to see him, hold him or feed him. Agad siyang itinago sa akin ni Bjorn pagkatapos kong manganak.
Ganito ba talaga dapat katindi ang parusa sa nagawa kong kasalanan?
Wala sa sarili akong bumangon at pumunta sa mga drawers. Trying to find something sharp.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang isang cutter sa isang drawers nito.
Mapait akong ngumiti at itinaas ang manggas ng suot kong damit.
I'm tired..
Pagod na ako sa buhay ko..
I said mentally and slit my wrist.
I felt satisfied seeing my blood stream out in my wrist.
I'm tired yet scared of dying..