Chapter 6

1152 Words
Matapos ang kanilang prom ay nanatili muna sina Charlie at Maggy sa kanilang school. Ayaw kasi niyang makipagsabayan sa maraming tao. Kung kaya’t niyaya muna niya si Maggy na maupo sa baitang ng hagdan na pinagdausan ng kanilang prom. Hinahanap ng kaniyang paningin si Trixie at ang kaibigan nito, ngunit hindi na niya nakita pang muli ang mga ito. “Bessy, sino ba iyang hinahanap mo? kanina ka pa palinga-linga diyan eh,” tanong ni Maggy sa kaniya. Nilingon naman niya ang best friend niya saka nakangiting umiling dito. Saka muling ibinalik ang atensyon sa kanilang harapan. Kung saan kitang-kita niya ang mga ka-eskwelang naglalakad, palabas ng kanilang school. “Hmmm, don’t tell me iyong kasayaw mo kanina ang hinahanap mo ha?” nanunudyong saad ni Maggy sa kaniyang tabi. “Hindi ah!” mariing tanggi naman niya rito. Bumungisngis naman ang kayang best friend kaya kunot-noong nilingon niya ito. “Bessy, don’t tell me lesbian ka na?” tatawa-tawang bulong pa nito sa kaniya. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ng kaniyang kaibigan. Nagpalinga-linga pa siya para siguruhing walang ibang taong nakarinig sa sinabi ni Maggy. Binitiwan lang niya ang kaibigan nang matiyak na wala ngang ibang tao maliban sa kanila. “Sus ko naman Charlie! Papatayin mo ba ako?” humihingal na saad ni Maggy. “Iyang bunganga mo kasing babae ka! Mamaya may makarinig sa iyo luka-luka!” mahina pero madiing sabi niya sa kaibigan. “Wala naman ng ibang tao dito kundi tayong dalawa lang ‘no!” nakairap pang sabi ni Maggy sa kaniya. “Kahit na ‘no! Mabuti na ang nag-iingat,” sagot naman niya kay Maggy. Inismiran lang siya ng BFF niya kaya agad niya itong nilambing. “Uyyy Bessy! Sorry na. Ikaw naman kasi eh, napakaingay mo diyan,” inakbayan pa niya ito upang mapalapit sa kaniya. “Tse!” ani Maggy na ikinatawa naman niya. Tumayo na siya at inalalayan ang best friend niyang tumayo na rin mula sa kinauupuan nito. Malalim na ang gabi, er, rather madaling araw na at kailangan na nilang umuwi. Kaunti na lang din naman ang mga taong nasa paligid. Kaya hindi na siksikan, kung ngayon na sila maglalakad patungong parking lot. “Alam mo Bessy, maganda iyong kasayaw mo kanina,” komento ni Maggy habang nakaabrisyete ito sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin si Maggy saka ngumiti. “Aren’t you interested to her? Malay mo, baka matuklasan mo na rin kung ano ba talaga ang preference mo,” sabi pa nito sa kaniya. Huminto sila sa tapat ng sasakyan nila saka hinarap si Maggy. Si Maggy lang kasi ang nakakaalam ng pagkalito niya sa sarili. Nahuli kasi siya nito na tinititigan ang isang larawan ng lalake sa kaniyang wallet. Kaya ayun pinaamin siya ng makulit niyang BFF. “Hmmm, she’s pretty. Saka I like her personality na madaldal at makulit, kagaya mo.” Kinurot pa niya ang ilong nito saka binuksan ang pintuan ng sasakyan para makasakay na ito. “Oh iyon naman pala eh. Bakit kaya hindi mo ligawan?” nagninigning ang mga matang tanong pa nito sa kaniya. Muli niyang hinarap ang kaibigan at nagpamaywang sa harapan nito. “Are you serious? Ligaw agad?” tanong pa niya rito. “Oo naman! Bakit ayaw mo ba?” muling tanong nito sa kaniya at ginaya pa siya nito. Kaya nakapamaywang na rin ito sa harapan niya. Tila naman napaisip siya sa sinabi ng kanyang BFF. Oo’t nagagandahan siya kay Trixie, pero parang may pumipigil sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili kaya naman napabuntong hininga siyang binalik ang atensiyon kay Maggy. “Hayyy naku Bessy, naguguluhan pa rin ako. Basta saka na lang siguro iyang sina-suggest mo. Kakaibiganin ko na lang muna siya. Malay natin, baka through that may mabuong relasyon,” nakangising sabi na niya sa kaibigan. “Pumasok ka na nga nang makauwi na tayo,” utos pa niya sa kaibigan. “Hayyy, ewan ko talaga sa iyo Charlie huh. Ang gwapo-gwapo mo pa naman tapos...” hindi na naituloy nito ang sasabihin ng awatin niya ito. “Hep! Tama na okay? Kakaibiganin na nga eh,” aniya rito. Natawa naman si Maggy sa inakto niya. Para kasi siyang may buwanang dalaw kung mairita. Nilingon naman niya si Maggy na patuloy sa pagbungisngis sa kaniyang tabi. Pabiro pa niya itong hinampas para tumigil na, pero ang luka-luka niyang kaibigan ay mas humalakhak pa. Kaya naman nahawa na siya sa tawa nito. Ang ending, pareho na sila ngayong humahalakhak. “Aray ko!” maya-maya’y sabi ni Maggy sabay hawak sa kaniyang tiyan. “Hoy, Maggy ‘wag kang magpapakawala ng bad spirit dito sa loob ng sasakyan huh!” agad niyang sabi kay Maggy. “Sira!” tatawa-tawa pa rin nitong saad sa kaniya. “Naku Maggy sinasabi ko sa iyo kahit BFF kita pabababain talaga kita sa kalye,” sabi pa niya rito. “Ang sama mo! hayyy!” Tila naka-get over na ito sa pagtawa. “Ang sakit ng tiyan ko sa iyo!” sabi pa nito saka umayos na sa pagkaka-upo sa passenger seat. “At bakit ako? Kasalanan ko bang tawang-tawa ka diyan?” mataray niyang sabi rito. “Ewan ko sa iyo. Bilisan mo na nga magpatakbo nang makarating na tayo sa inyo,” sabi na lang nito. Nakangising sinunod naman niya ang kaibigan. He’s so lucky to have Maggy in his life as his BFF. Well, aaminin niyang maganda si Maggy at hindi malabong pagkaguluhan ng mga lalake. Pero wala siyang maramdamang atraksiyon dito. Kahit nga magkatabi silang natutulog paminsan-minsan sa bahay nila, o sa bahay nila Maggy, wala talaga as in kahit konting pagnanasa siyang nararamdaman para sa kaibigan. Ewan lang niya kay Maggy. Hanggang sa makarating na sila sa bahay nila ay hindi na sila nag-imikan ng kaibigan. Malamang napagod din ito katatawa kanina. Nang lingunin niya ito, nakapikit ito habang nakakukot sa upuan nito. Kaya naman pala, nakatulog na pala ang makulit niyang kaibigan. “Maggy, nandito na tayo,” tinapik-tapik pa niya ang BFF niya. Unti-unti namang nagmulat ito ng mga mata at nag-inat. Nginitian siya nito saka naghihikab na tinanggal ang sariling seat belt. Agad naman siyang bumaba ng sasakyan upang alalayan ang kaibigan na bumaba. Pagpasok nila ng kanilang bahay ay dumiretso na rin sila sa kaniyang silid. Natawa na lang siya nang dire-diretsong nahiga si Maggy sa kama. Sinubukan niya itong gisingin ngunit ayaw na talaga nitong bumangon. Kaya naman naiiling na lang siyang hinubad ang sapatos nito saka kinumutan. ‘Bruha ka talagang babae ka! Hmp! Sige na nga bukas na lang tayo mag-chickahan ulit!’ sambit pa niya sa kaniyang sarili. Tumayo na siya saka nagbihis ng pantulog. Agad na rin naman siyang nahiga sa kabilang panig ng kaniyang kama patalikod kay Maggy. At dahil pagoda sila, mabilis din siyang hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD