Chapter 5

2339 Words
“Bessy, bukas na ang prom night niyo. May date ka na?” tanong sa kaniya ni Maggy. Kasalukuyan silang nasa tree house ng kaibigan, at nakahilata sa sahig. “Wala,” maiksing sagot niya rito. Kunot-noo namang nilingon siya ni Maggy. Magkapantay kasi ang kanilang ulo at magkabaliktarang nakahiga sa sahig, habang nakataas ang mga paa sa dinding ng tree house. “Anong wala? Wala kang niyaya as in?” tanong nito sa kaniya. “Ikaw na lang gusto mo?” nakangising baling naman niya sa best friend niya. “Pwede ba iyon? Outsider kaya ako,” sagot naman nito sa kaniya bago umayos muli ng higa. Dumapa naman siya at nakangiting pinagmasdan si Maggy. “Pwede iyon,” aniya. Ginaya naman siya ni Maggy. Kaya ngayon ay nakadapa na rin ito at nakaharap sa kaniya. “Hmmm, okay!” sagot nito sa kaniya. “Thank you bessy!” nakangising sabi naman niya rito. “Naku teka, halika na pala sa kwarto ko at maghanap tayo ng gown na isusuot ko!” yaya nito sa kaniya. Natatawa siyang bumangon na rin at sinundan sa pagbaba sa tree house si Maggy. Walang pakundangan kung mag-slide ito sa bakal na nasa gilid ng tree house. Napapailing na lang na ginaya niya ang pagbaba ng kaniyang bessy. Sumunod lang siya rito hanggang sa silid nito. Pinanood lang niya itong mamili ng gown na isusuot nito. Hanggang sa hindi na siya makatiis. Tumayo siya at nilapitan si Maggy. “Bessy, mas bet ko ito.” Kinuha niya ang isang royal blue, off shoulder gown, mula kay Maggy. Itinapat niya iyon sa kaniyang bessy saka napangiti ng mapagmasdan ito. “Perfect!” maaliwalas ang mukhang saad niya rito. “Ito na lang ang susuotin mo!” sabi pa niya kay Maggy. Kinuha naman ni Maggy ang gown saka humarap sa salamin. Nakangiti siya habang pinagmamasdan itong nakangiti sa harapan ng salamin. “Sige ito na lang. Ang galing mong pumili bessy huh!” sabi nito sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya bilang tugon dito. Tinulungan na niyang magligpit si Maggy ng mga kinalat nitong gown. Sa wakas, may date na rin siya para bukas. Ipagpapaalam na lang niya ito mamaya sa mga magulang nito bago siya umuwi. Prom Night… Walang date sina Jackie at Trixie dahil well, ayaw lang nila. Um-attend lang naman sila roon para masilayan si Charlie, at mang-bash ng mga kapwa nila studyante. “Huy, bruha, saan ba iyong table natin? Gusto ko nang umpisahang magbutas ng upuan,” tila hindi mapakaling wika ni Jackie. Actually kanina pa hindi maipinta ang mukha nito, dahil sa suot nitong sandals. Masyado iyong mataas para sa kaibigan. Eh hindi naman ito sanay magsuot ng ganoon kataas na sandals, kaya hindi niya maintindihan kung bakit iyon pa rin ang isinuot nito. “Doon sa may malapit sa buffet iyong table natin. Tara na nang makalafang na rin,” tugon niya rito. Naglakad na nga sila patungo sa kanilang mesa. Nang makarating sa kanilang puwesto, ay agad sumalampak ng upo si Jackie. Hindi na kinaya nito ang magpanggap. Ehehehe. “Bru, ikaw na kumuha ng pagkain ko please? Masakit na kasi ang mga paa ko dito sa sandals ko eh,” pakiusap pa ni Jackie sa kaniya. “Bakit kasi iyan ang isinuot mo? Ang taas-taas, akala mo naman carry boom boom mo!” sermon naman niya rito. “Sige na, please? Mamaya kapag nakapag-adjust ako okay na rin ito. At saka ang ganda kasi niya oh, ‘di ba?” sabi pa nito habang tinatanggal ang strap ng sandals na suot nito. “Sige na nga! Wait ka lang diyan ha?” bilin pa niya sa kaibigan saka siya naglakad patungong buffet. Lumapit na siya sa buffet at nag-umpisang kumuha ng mga pagkain. Dahil pandalawahan ang kinukuha niya ay medyo nahihirapan siyang ibalanse iyon sa kaniyang mga kamay. Muntik pa niyang mabitawan ang mga kinuhang pagkain. Mabuti na lang at maagap ang taong tumulog sa kaniya. “Let me help you,” anang tinig na iyon na parang kay sarap pakinggan. Paglingon niya sa nagsalita, impit siyang napatili nang makitang si Charlie pala iyon. Agad siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis dito. “Ikaw pala iyan. Salamat,” pa-tweetams pa niyang saad dito. “Ang dami naman nito. Mauubos mo ba lahat ng ito?” nakangiting tanong nito sa kaniya. “Ahhh, hindi, sa aming dalawa iyan ni Jackie. Masakit kasi ang paa niya kaya ikinuha ko na rin siya ng pagkain niya,” agad niyang paliwanag dito. Tatango-tango namang nakikinig lang ito sa kaniya. “Saan ba ang table ninyo, at sasamahan na kita? Baka matapon pa itong mga pagkain ‘pag hinayaan kitang mag-isa.” Kinilig naman siya sa sinabing iyon ni Charlie. “Diyan lang kami sa malapit dito nakaupo,” pabebe naman niyang sagot kay Charlie. Naglakad na siya patungo sa kanilang lamesa kasunod si Charlie. Kitang-kita niya ang mga mapang-uring tingin ng mga kababaihan sa kanilang paligid. Madami ang nagtaas ng kilay sa kaniya, at mga nagbubulungan. Hinayaan lang niya ang mga ito, at mas lalong nilandian ang paglalakad. ‘Mamatay kayo sa ingit mga pangit!’ sambit pa niya sa kaniyang sarili. ‘Ang haba ng hair ko. Literal na mahaba!’ natatawa siya sa sarili niyang kalokohan. “Ilapag mo na lang diyan. Salamat Charlie ha,” pinapungay pa niya ang kaniyang mga mata. Tinanguan lang siya nito at saka nagpaalam. “Gusto  mo rito ka na lang sa table namin?” alok pa niya rito. Umiling naman ang binata at magalang na tumanggi. Lihim naman siyang nadismaya nang tumanggi ito. “Hindi na, kasama ko rin kasi ang mga kaibigan ko, saka iyong date ko kasi nandoon din,” nakangiting tanggi nito sabay turo sa pwesto ng mga ito. ‘Ano daw? Tama ba ‘yong narinig ko? Date? May date siya?! Bakit hindi ko nakita iyon?’ gulat na gulat siya sa sinabi ng binata. Kaya naman napatango na lang siya rito, at nalungkot siya sa kaalamang mat date pala ito, ngunit hindi na lang nagpahalata. “Sige babalik na ako sa pwesto namin,” magalang pa itong nagpaalam sa kanila. Ginantihan naman niya iyon ng mabining ngiti. Nasundan na lang niya ito ng tingin habang papalayo ito sa kinaroroonan nila. Nagsuot pa naman siya ng gown ngayong gabi, kahit na napakagaslaw niyang kumilos. Nakasuot siya ng navy blue, mermaid off shoulder gown, na hakab na hakab sa kaniyang magandang katawan. May slit din itong hanggang kalahati ng kaniyang hita, kaya kitang-kita ang mapuputi niyang hita. Nagsuot din siya ng puting three inches sandalas, para kahit papaano ay madagdagan ang kaniyang height. “Oh, disappointed?” sita sa kaniya ni Jackie nang nakasimangot siya pagkaalis ni Charlie. Padabog siyang naupo sa kaniyang upuan. Saka malungkot na hinarap ang kaibigan. “May date pala siya. Bakit hindi ko man lang nalaman iyon? Sino kaya iyong date niya?” nakasimangot pa rin niyang tanong sa kaibigan. Tumawa lang naman ang huli bago umayos ng pagkakaupo. “Okay lang iyan. Kumain na lang tayo, gutom lang iyan bru,” saka iniumang nito ang hawak na manok sa kaniyang bibig. Nakasimangot pa rin niyang tinignan, ang hawak ng kaibigan. “Kakain na iyan. Say ahhh,” sabi pa ng makulit niyang kaibigan, na siya namang ikinatawa niya. “Hayyy, sige na nga tayo na lang ang date for tonight.” At sinaluhan na niya ang kaibigang kumain. “Truth! Manlait na lang tayo ng masiyahan naman tayo sa pagpunta natin dito,” humahagikhik pang suhistiyon ni Jackie. Natawa naman siya sa kaibigan. Binato pa niya ito ng maliit na piraso ng patatas. Masaya nilang natapos ang kanilang pagkain. Ilang sandali pa at narinig nilang in-announce na ang first dance. Balewalang uminom lang sila ni Jackie ng pineapple juice. Wala naman kasi talaga silang balak makipagsayaw. Magbubutas na lang sila ng bangko, kagaya ng unang plano nila. Nasabi rin kasi niya sa sariling, hindi siya makikipagsayaw kung hindi rin lang naman si Charlie, ang magiging kasayaw niya. “Hi, may I dance with you?” bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang tinig ni Charlie sa kaniyang likuran. Agad niya itong nilingon at napatingin sa nakalahad nitong palad. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ito ngayon. “Huy, bru, pwede ka daw bang isayaw? Gora na baka magbago pa ang isip niyan!” Kinalabit pa siya ni Jackie saka bumulong. Atubili naman niyang tinanggap ang kamay ni Charlie. “Sure!” atubili niyang saad saka matamis ang ngiti niyang tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo. Magkahawak kamay na naglakad sila sa dance floor, na ikinakilig naman niya ‘Lord, thank you po. Magpapakabait na po talaga ako, promise!’ impit na sambit pa niya sa kaniyang sarili. “Bakit nga pala ako ang isinayaw mo, at hindi ang date mo?” maya-maya’y tanong niya rito. Kasalukuyan na silang nasa dance floor, at halos magkayakap pa silang nagsasayaw. Nakatingin siya sa makinis nitong mukha, habang nakapatong ang mga kamay niya sa malapad nitong mga balikat. Halos talaga magdikit na ang kanilang mga dibdib, at magkapalitan ng mga mukha sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Sobrang lakas din ng t***k ng kaniyang puso. “Ayaw ni Maggy sumayaw, nakakapagod daw kasi,” sagot naman nito sa kanya, saka siya nginitian nito. ‘So Maggy pala ang pangalan niya. Pero parang hindi siya taga rito,’ kausap pa niya sa kaniyang sarili. Maya-maya’y narinig niya muli itong magsalita, “Ang ganda mo ngayon Trixie. Ang ganda ng make-up mo, hindi makapal at simple lang. Maganda rin iyang gown mo, bagay na bagay sa iyo,” komento nito na agad namang nakapagpa-tingala sa kaniya. Mataman itong nakatitig sa kaniya, kaya hindi siya agad nakahagilap ng sasabihin dito. ‘Shocks, maganda daw ako!’ kinikilig pa niyang sambit sa kaniyang sarili nang makabawi. “Thanks!” ngiting-ngiti pa niyang sabi rito matapos niyang kiligin sa kaniyang isip. Sobrang saya niya lang na kasayaw niya si Charlie ngayon. She always dreamed about being this close to him. She always thought how it feels to be held by him. Now, she knew that being next to him and holding him like this, feels like heaven. She can feel the warmth of his body, that makes her shiver. Her hearts beating so fast, that only happens whenever he’s near. But being this close, makes her heart’s beat faster that it almost comes out on her rib cage. “Ahm, Charlie ilang buwan na lang graduation na natin. Saan mo balak mag-aral?” maya-maya’y tanong niya rito. “Hmmm? Hindi pa namin napag-uusapan ni Maggy eh. Gusto kasi namin pareho kami ng school sa college,” nakangiting sabi nito sa kaniya. Bigla naman siyang nakaramdam ng inggit sa kanyang narinig. ‘Ouch! Shaket, girlfriend kaya niya itong Maggy na ito?’ parang nilagyan ng asin ang kaniyang puso sa sakit na nararamdaman ngayon. “Ah ganoon ba? Gi-girldfriend mo ba iyong Maggy?” lakas loob niyang tanong rito, “Saka parang ngayon ko lang siya nakita rito sa school.” Pilit niyang kinapalan ang mukha sa pagtatanong dito. Maigi na ang malaman niya ngayon pa lang, para mas maging madali sa kaniya ang pagtanggap. “Sa ibang school kasi siya nag-aaral, diyan lang naman sa katabing school natin,” sagot nito sa kaniya. ‘So ano nga? Girlfriend mo nga? Oo o Hindi, sagot!’ tanong niya rito sa kanyang isip. Disappointed naman siya dahil hindi naman sinagot ni Charlie, kung girlfriend nga nito si Maggy o hindi. Naramdaman na lang niyang iginigiya na siya ni Charlie pabalik sa kanilang upuan. Tapos na pala ang maiksing sayaw na pinagsasaluhan nila. Bigla naman ang kaniyang pagtamlay. Bitin na bitin pa kasi siya sa pakikipagsayaw rito, at sa pakikipagkwentuhan. “Salamat sa pagsasayaw sa akin,” matamis na ngiti ang iginawad niya kay Charlie. “Salamat din sa pagpapa-unlak.” Hinalika pa nito ang likod ng kaniyang palad. Para namang may kuryenteng dumaloy, sa himaymay ng kaniyang katawan. Wala sa sariling nasundan na lang niya ito ng tingin, habang papalayo ito sa kaniya. Ilang minuto nang nakakaalis si Charlie, ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa nito. Dinama pa niya ang kaniyang kamay na hinalikan nito. Nasa ganoon siyang ayos nang dumating ang kaibigan, na katatapos lang din makipagsayaw. “Huy, bru! Anong nangyayari sa iyo? Bakit para kang naengkanto diyan?” nakataas pa ang kilay nitong nakatingin sa kaniya, sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi niya at uminom ng tubig. “Jack, he kissed me,” parang nagde-day dream pang sabi niya sa kaibigan. Umayos nang upo ang kaibigan, at inilapag ang baso ng kanina’y iniinuman. “Wheee? Hindi nga? Totoo?” magkakasunod na tanong nito sa kaniya. “Oo nga hinalikan niya ang kamay ko!” Wala sa sariling sabi pa niya habang nakangiti sa kawalan. Nabatukan tuloy siya ng ‘di oras ni Jackie. “Aray ko! Bakit ka ba nambabatok diyan?” sabay hawak sa kaniyang ulo. “Gaga ka kasi! He kissed me ka pang nalalaman diyan sa kamay lang naman pala!” Ginaya pa nito ang pagmo-monologue niya kanina. “Ah basta, he kissed me pa rin, kahit saan pang part ng katawan ko. Kiss pa rin iyon!” Umirap pa siya at nangalumbaba sa kaniyang mga hitang naka-de-kwatro. “Ewan ko sa iyo bruha ka!” saka ito uminom muli ng tubig. ‘Hayyy, ano bang meron ka Charlie bhe-bhe at nagkakaganito ako sa iyo?’ napapabuntong hininga pa niyang sambit sa kaniyang sarili. Pero kahit papaano ay naging memorable pa rin ang kaniyang gabi. Iyon ay dahil sa nakasayaw niya si Charlie, at nahalikan pa nito ang kaniyang kamay. Para tuloy siyang baliw na ngumingiting mag-isa dahil doon. Hanggang pag-uwi nila ni Jackie ay tila siya nasa alapaap. Dinadama pa niya ang kaniyang kamay na hinalikan ni Charlie. Ni hindi na nga niya hinugasan pa ang kamay niyang iyon. Kaya natulog siyang pinapangarap pa rin ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD