CHAPTER 6

3568 Words
“Hindi ko akalain na uuwi ka ng Pilipinas para sa akin?” sabi ko. Ininom ni Steven ang wine niya bago nagsalita. “Nikka, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas.” Tumawa ako. “Oh, really? Akala ko miss na ako,” biro ko. “Nikka, ako talaga ang dahilan kaya bumalik si Steven, ‘di ba Steven?” wika ni Jessa. “Magkaibigan nga kayo pareho kayong baliw.” Sabay iling niya. “Seriously, bakit ka bumalik ng Pilipinas? Nasa ibang bansa na ang mga negosyo ng pamilya mo.” He nodded. “Yeah, bumalik ako dahil gusto kong mamasyal sa iba’t-ibang tourist spots dito sa Pilipinas,” wika ni Steven. “So, isasama ko ba kami sa mga bakasyon mo?” tanong ko. Ngumiti si Steven. “Naka-book na ako ng flight papuntang Boracay. Mamayang alas-kwatro ng madaling araw ng alis natin.” “OMG! Bakit ang bilis mo naman mag-desisyon? Hindi pa ako ready!” wika ni Jessa. “Umpisahan n’yo ng mag-impake ng mga damit hanggang isang linggo tayo.” “Bakit ang tagal naman natin sa Boracay?” “After Boracay pupunta naman tayo ng Siargao.” Ngumiti ako. “Masarap talaga kapag may kaibigan kang bakasyunista,” sabi ko. “Mabuti na rin at niyaya mo kaming magbakasyon. Si Nikka, stress sa magiging groom niya.” “Tsk! Tsismosa ka talaga.” Ininom ko pa ang wine ko. Tumingin sa akin si Steven. “Bakit ka naman stress kay Alejandro? Dapat nga wala ka ng problema dahil matagal kayong mag-bestfriend. Alam n’yo na ang mga ayaw at gusto n’yo,” wika ni Steven. “Nakaka-stress talaga kapag galing sa agaw,” wika ni Jessa. “f**k you!” inis kong sagot. “Inagaw mo si Alejandro?” tanong ni Steven. Umiling ako. “It’s not like that. Nahuli niya ang ex-girlfriend niya na may ibang lalaki. Nagkataon na lasing siya, at may nangyari sa amin. Nakita kami ng mommy ko kaya napilitan kaming ipakasal.” “See, ganyan siya kagaling gumawa ng effective plan,” wika ni Jessa. Halos patayin ko ng matalim na tingin si Jessa. “Shut up!” “Nikka, maganda ka, matalino, sexy at disenteng babae. Bakit hinayaan mo magpakasal sa lalaking hindi mo naman mahal?” “You’re wrong, mahal ko si Ali.” “Mahal niya si Alejandro, pero hindi siya mahal ni Alejandro,” sagot ni Jessa. “Puwede bang itigil mo ang bunganga mo!” inis kong sabi. Kanina pa ako kinokontra ni Jessa kaya naiinis na ako sa kanya. “Nikka, bakit mo ginawa ‘yon?” Pinuno ko ng alak ang wine glass namin. “Uminom na lang tayo at mag-enjoy. Huwag n’yong problemahin ang lovelife ko dahil kaya ko na ito.” Tinaas ko ang wine glass ko para mag-toast kami. “Ang gaganda ng mga regalo mo sa amin na bag. Alam mo talaga ang paborito naming design at kulay,” wika ni Jessa, habang binubuksan ang mga regalo na binigay ni Steven. “Syempre espesyal kayo sa akin,” sagot ni Steven. Binuksan ko ang maliit na box at nakita kong white gold na singsing ito. “Wow! Ang ganda ng singsing.” Sinuot ko sa kamay ko. “Thank you, Steven.” “Bakit ako walang singsing?” biro ni Jessa. “Hindi ka naman mahilig sa singsing lagi mong nawawala,” sagot ni Steven. “Joke lang! Baka ipaalala mo naman sa akin ang regalo mong singsing na nawala.” “Dito ka na lang matulog sa condo ni Jessa,” sabi ko. “Nikka, dito ka na rin matulog para sabay na tayong umalis bukas,” wika ni Steven. “Sure, kukunin ko lang ang gamit na dadalhin ko.” Tinawag mo si Daddy. “Hello, Dad!” “Yes, Nikka?” “Dad, puwede bang hiramin ko ang driver mo?” “Why?” “Sunduin ako dito sa condo ni Jessa ngayon.” “Okay, hintayin mo siya diyan.” “Thanks, Dad!” Sabay putol ko ng tawag. “Hintayin ka namin bumalik,” wika ni Jessa. Ngumiti ako. “Of course.” Pinagmasdan ko pa ang kamay ko dahil bumagay sa akin ang singsing na binigay sa akin ni Steven. “Ang ganda talaga niya.” Pagkalipas ng kalahating oras ay tumunog ang telepono ko. Nagulat ako dahil si Alejandro ang tumawag. “Bakit ka tumawag?” “Nandito na ako sa parking lot ng condominium bumaba ka na.” Tumaas ang kanang kilay ko. “Sino ka para utusan ako?” “Look. Your daddy wasted my time to pick you up now. Come out if you don't want me to leave you.” “Okay! Okay!” Pinutol ko ang twang. “Sino ang kausap?” tanong ni Steven. “My asshole driver.” “What?” takang tanong ni Steven. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Gayundin si Jessa. “See you later.” Nagmamadali akong lumabas ng condo unit. Hindi maipinta ang mukha ni Alejandro nang pumasok ako sa loob ng kotse niya. “Is my driver not available, so they called you to pick me up?” “Why are you asking me?” I sighed. “I don't have time to argue with you, so go ahead and get mad.” I leaned my head back against the seat. “I didn't give you an engagement ring, so why are you wearing one?” I stayed silent, which made him even angrier. “I’m asking you?” I faced him. “Why do you even care!” “Where did you get that ring?” “Steven gave it to me.” “Oh, are you trying to say that other men can give you a ring but not me?” “Steven is my friend. It's okay if he gives me a ring.” “We're best friends, but I didn't know you had feelings for me.” “What are you trying to say? That Steven has feelings for me?” “That's not what I'm saying. I don't want people to think another man gave you the ring.” “Then, give me an engagement ring if you don't want to embarrass yourself in front of everyone.” He glared at me. "In your dreams." “So stop complaining about my ring because you have no right.” “Fine!” Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Bago kami makarating sa mansyon ay tumawag si Steven. “Yes, Steven?” “Nikka, nakalimutan mong dalhin ang mga regalo ko sa iyo.” “It’s okay, magdadala na lang ako ng malaking maleta para madala ko siya pag-uwi natin galing bakasyon.” “Okay, tawag ka kapag malapit ka na.” “Hoy, huwag kayong mag-s*x ni Jessa,” biro ko. “Geez, hindi ko papatulan ‘yan si Jessa.” “Hoy, feeling mo type kita!” sigaw ni Jessa. Tumawa ako. “Okay, see you later.” Pinutol ko ang tawag Napansin kong nakasimangot si Alejandro habang nagda-drive pero hindi ko siya pinansin. “Thank you,” sabi ko ng makarating kami sa bahay. Lalabas na sana ako ngunit pinigilan niya ako. “Wala bang kiss?” Kumunot ang noo ako. “May sakit ka ba?” “Kailangan natin gawin ito para masanay na tayo.” “Tsk! I don't have time to play with you. Don't pretend you like me because I know you don't. Also, I don't kiss guys who kiss others. I might catch your rabies.” Binuksan ko ang pinto at lumabas ako. “f**k!” Narinig kong nagmura siya pero wala akong pakialam sa kanya. Habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa maleta. Pumasok si Mommy sa kuwarto ko. “Sinundo ka ni Alejandro kanina.” Nakangiti pa siya. “Yes, pero sana hindi n’yo na siya inistorbo dahil baka maging utang na loob ko pa sa kanya.” “Mukhang sinusubukan ni Alejandro na maging mabait sa ‘yo.” Bumuntong-hininga ako. “Mom, stress na ako kay Alejandro, simula nang nag-aasikaso kami ng kasal namin. Gusto kong kalimutan siya at mag-relax kasama ang mga kaibigan ko. Huwag n’yo munang banggitin sa akin si Alejandro.” “Okay, I understand.” “Thank you.” Tuluyan ng umalis si Mommy ng silid ko. Malaking maleta at isang bag ang dala ko. Tinulungan ako ng katulong para ilabas ang maleta ko. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Alejandro at kausap si Daddy. Nagsalubong kami ng tingin pero hindi ko siya kinausap. Diretso akong naglakad palabas. “Are you taking all of that?” I frowned when I looked at him. “What do you mean?” “I'll drop you off at Jessa's condo.” “No thanks, I can drive.” “I'm being nice to you for once, so make the most of it.” I rolled my eyes. “Should I say thank you? I don't care if you're nice or not.” I turned away. “Hey! Huwag mo diyan ilagay ang maleta ko!” sabi ko sa katulong. “Ma’am, utos ni Sir Alejandro.” Matalim ko siyang tinitigan. “Do you have to test my patience?” Nagkibit-balikat siya. “Sasakay ka ba o hindi ka pupunta sa kaibigan mo?” “Fine!” Sumakay ako sa kotse niya at hindi ako umimik. “Where are you going for vacation?" “It’s none of your business.” “I need to know so I won't go there.” “Why should I tell you?” “Look, Nikka, I'm starting to be nice to you to cover up for the scandal I caused. I don't want it known that you're getting back at me because you won't like what I'll do to you.” I laughed. “Are you afraid I'll do to you what you did to me? If that happens, record it and post it on social media so it's a tie.” Hinampas niya ang manibela. “f**k! Why are you so stubborn?" I rolled my eyes. “I'm just wasting my time talking to you.” I put on earpods and played music, then closed my eyes. “We are here!” Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa parking lot na kami. Lumabas ako at kinuha ko ang maleta ko. “Hey!” wika ni Alejandro. “What?” “Aren't you going to thank me?" "Oh, thanks!”I said sarcastically. Ihahakbang ko pa lang ang paa ko ngunit pinigilan niya ako. “Why!” He grabbed my waist. “Thank you is not enough.” “What, you want me to give you money?” He grinned. “No.” “So, what do you want?” “This is what I want.” He suddenly kissed me. I was shocked by what he did. Instead of enjoying his kiss, I felt disgust, especially since he had almost slept with Beatrix just yesterday. Nagpumiglas ako hanggang sa itulak ko siya. “Damn it! Can't you kiss your ex-girlfriend instead of dumping it on me!” Hinawakan niya ang pisngi niyang sinampal ko. “Yes, you're right. Because I can't see her, I'll just pour my longing for her onto you. After all, you're trash, worthless, Nikka.” Sobrang sakit ng sinabi niya, para akong sinaksak ng paulit-ulit. Mag-asawang sampal ang pinatikim ko sa kanya. “How dare you to talk me like that! Ito ang tandaan mo, hindi ako papayag na apihin n’yo!” Tumalikod ako habang bitbit ko ang maleta ko. “What’s wrong?” bungad na tanong sa akin ni Jessa. Pinunasan ko ang luha. “Nothing.” Pumasok ako sa loob at umupo ako sa sofa. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Steven. Umiling ako. “Napuwing lang ako.” “Alam mo, ilang beses ko ng sinabi ang ganyang dahilan,” sagot ni Jessa. Bumuntong-hininga ako. “Si Ali.” “Oh, nag-usap kayo ni Alejandro?” tanong ni Jessa. “Hinatid niya ako papunta dito. Nagkaroon kami ng pagtatalo kaya nasampal ko siya.” “Umiiyak ka dahil sinampal mo siya? Kung ako ‘yon baka magpa-party pa ako,” sagot ni Jessa. “Hindi dahil doon. Nasaktan ako sa sinabi niya, mas masakit pa sa sampal ko.” “It’s okay, nandito naman kami para pasayahin ka,” wika ni Steven. “Thank you.” “Tama si Steven, wala tayong gagawin kung hindi ang mag-enjoy. Tumango ako. “Thank you.” DUMIKIT pa lang ang likod ko sa upuan sa sinakyan namin na eroplano ay sinimulan ko ng matulog. Halos tatlong oras lang ang tulog namin at may hangover pa kaming tatlo dahil uminom kami. Hindi ko na narinig ang boses ng dalawa kong kaibigan dahil siguradong tulog na sila. “Excuse me.” Nilingon ko nag nagsalita. Isang lalaki ang nasa harap ko. “Yes?” “Diyan ang upuan ko.” Pinakita pa niya ang ticket niya. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan na magkatabi at tulog na tulog. “Sorry.” Binigyan ko siya ng daan para makaupo. Pagkatapos ay tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Nagising ako ng maramdaman kong may kumakalabit sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay bigla akong nahiya. Nakapatong kasi ang mukha ko sa balikat ng lalaki kaya hindi siya makalabas. “I’m sorry!” Napansin kong nagsisitayuan na ang mga pasahero. Ang mga kaibigan ko ay tulog pa rin. “t looks like you haven't slept," the man said. I nodded. “I was up late working,” alibi ko. Ngumiti ang lalaki. “I guess you work as a bartender, that's why you smell like whiskey.” Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Ibig sabihin naamoy niya pati ang hininga ko. Nakakahiya ka, Nikka. “Yes, sorry!” sagot ko. Pinanindigan ko na lang ang sinabi niyang bartender ko para naman hindi masyadong nakakahiya. Tumayo ako at ginising ko ang dalawa. “Hays! Ang sakit ng ulo ko,” wika Jessa. Naghihintay na kami ng van na maghahatid sa amin papunta sa hotel na tinuluyan namin. “Kulang pa ‘yan, iinom pa tayo pagdating sa hotel,” wika ni Steven. “Matulog muna tayo baka hindi na tayo umabot ng isang linggo,” wika ni Jessa. “Okay, ikaw ang bahala.” Dumating ang sundo namin na van at sumakay na kami. Natulog ulit kaming tatlo noong nasa van kami. Nagising na lang kami ng makarating kami sa hotel. “Guys, matulog muna tayo, mamaya na tayong alas-singko mamasyal,” wika ni Jessa. Pumasok na ako sa hotel room ko at humiga sa kama. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil natulog na agad ako. “It’s 4:00 pm,” bulong ko ng patayin ko ang alarm ko. Inaantok pa ako pero bumangon na ako. Hindi naman kami pumunta ng Boracay para dumayo ng tulog. Nandito kami para mamasyal at mag-enjoy. Naligo muna ako bago ako lumabas at isa-isa kong kinatok ang kuwarto ni Jessa at Steven. Nang hindi nila buksan ang pinto. Pumunta ako sa ground floor para um-order ng pagkain. Hindi ko na sila mahihintay. Kape lang ang laman ng tiyan ko mula kaninang umaga. Mag-isa akong um-order ng pagkain. “Excuse me!” Tumingala ako. “Ikaw ‘yung katabi ko kanina sa upuan?” Matamis na ngumiti ang lalaki. Ngayon ko lang napansin na guwapo pala siya at ang katawan niya ay alaga sa gym. “Small world.” “I'm sorry if I made your shoulder my pillow." He smiled. "It's okay, can I share the table with you?" "Yeah, sure." “Thank you. By the way, my name is Sebastian.” He extended his hand for a handshake. I smiled. “Nikka.” “Nice meeting you, Nikka.” “Do you want some coffee?” “I have one.” He pointed to the tumbler he was holding. Dumating na an order kong pagkain kaya nagsimula na akong kumain. “Are you here in Boracay for vacation?” tanong ni Sebastian. I nodded. “I'm here with my friends but they're still asleep so I came here alone to eat.” “Pareho pala tayo. I'm on vacation too, but of course, I have to work..” “Oh, I see.” Hinigop ko ang kape. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang pinagpapatuloy namin ang pagkain. Mabuti na lang at dumating ang mga kaibigan ko. “Sebastian, ito pala ang kaibigan ko, si Jessa at Steven,” sabi ko. Ngumiti si Jessa. “I’m Jessa, single and ready to mingle.” Nakipag-shake hands pa siya. Tumawa naman si Sebastian. Nakipagkwentuhan pa siya sa amin ng ilang minuto bago siya umalis. “Hoy, saan mo nakilala ang guwapo na si Sebastian?” tanong ni Jessa. “Katabi ko siya sa upuan sa eroplano.” “Hmm.. baka kayo ang soulmate.” “Ang tanda mo na naniniwala ka pa sa ganyan.” “Pumunta na tayo sa dagat,” wika ni Steven. “Let’s go!” Mas maraming tao ngayon sa dagat kahit palubog na ang araw. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga tao na naliligo. Ang sarap pakinggan ang tunog ng hampas ng alon. Hinubad ko ang suot kong puting roba at lumantad ang makinis at maputi kong balat. Napansin kong nakatingin ang ibang tao sa akin, pero wala akong pakialam. Naglatag kami ng tuwalya sa buhangin at umupo kami. “Maligo na tayo sa dagat,” wika ni Steven. “Mamaya na tayo maligo,” sagot ko. Nagkatinginan ang dalawa tapos nagulat ako ng kargahin ako ni Steven. “Ibaba mo ako!” sigaw ko. Tumawa lang silang dalawa habang dinadala nila ako sa dagat. Wala na akong nagawa ng ihagis ako ni Steven sa tubig. Para kaming batang naghahabulan tatlo. Pakiramdam namin ay kaming tatlo lang ang nasa dagat. Nang mapagod kami ay kumain kami sa pinakamalapit na karenderya. Marami kang pagpipilian na kainan dito, pero pinili namin ang madalas namin kainan kapag pumupunta kami rito. “May bar na malapit dito,” wika ni Steven. Nakaupo kami sa buhangin at nagkwentuhan. Kakatapos lang namin kumain. “Puntahan natin baka dito ko sa Boracay makikilala ang magpapatirik ng mga mata ko,” wika ni Jessa. “Kadiri talaga ang babae na ‘to,” sagot ni Steven. “Walang basagan ng trip.” Sabay irap niya. “Salamat sa inyo, nakalimutan ko ang problema ko,” sabi ko. “Ikaw lang naman ang gumagawa ng problema mo, puwede mo naman tanggalin ang problema mo kung gusto mo.” “Mahal ko si Ali.” “Tang ina ng pagmamahal ‘yan nakakasakit,” wika ni Steven. Tumayo ako. “Halika na kayo, maghanap tayo ng bar.” Pag-iiba ko ng usapan. Kapag tungkol kay Alejandro ang pinag-uusapan. Iniiwas ko ang topic. Kahit anong payo ang sabihin nila sa akin. Pakakasalan ko pa rin si Alejandro. Pumunta kami sa bar kung saan may banda na tumugtog. Hindi ito kalayuan sa dagat at puwedeng lakarin lang. Nakasuot kami ng roba dahil galing kami sa dagat. Para makaramdam kami ng init. Um-order kami ng alak. “Ang boring banda dito, hindi ko pa maintindahan ang sinasabi kasi bisaya ang kanta,” wika ni Jessa. “Hindi mo lang type yung banda dahil walang guwapo,” sagot ko. “Bakit ka pa naghahanap ng guwapo, nasa harap n’yo ang pinaka guwapo.” Sumimangot si Jessa. “Oo, guwapo ka na.” “Bakit hindi ka masaya?” wika ni Steven. “Masaya naman ako.” Sabay tungga niya ng alak. “Hello everyone!” Narinig namin sigaw ng nasa stage. “Uy, mukhang ibang banda ang tutugtog,” wika ni Steven. Lumingon kami ni Jessa. “Oo nga! Mga guwapo na.” Nakatingin kami sa banda habang hinahanda nila ang tugtog nila. Nagulat ako ng umakyat sa stage si Sebastian. Siniko ako ni Jessa. “’Di ba si Sebastian ‘yon? May banda pala siya?” wika ni Jessa. “Nagulat din ako,” sagot ko. Hindi sana kami mapapansin ni Sebastian ngunit sumigaw si Jessa. “Sebastian!” sigaw ni Jessa. Lumingon siya at ngumiti ng makita kami. “Meron ba diyan gusto akong sabayan kumanta?” wika ni Sebastian. “Siya pala ang bokalista,” wika ni Steven. Nagulat ako ng itaas ni Jessa ang kamay ko. "Ito si Nikka!” “Hoy, bakit ako!” Namula ang mukha ko sa hiya. “Miss Nikka, puwede ka bang pumunta rito sa stage?” Wala na akong nagawa kung hindi ang pumunta sa stage. Kinarga na ako ni Steven papunta sa stage. “Soulmate ba tayo,” biro ni Sebastian. Ngumiti ako. “Nagkataon lang na magkita tayo dahil sa isang lugar lang tayo.” Nagkibit-balikat siya. “Maybe,” “Anong kakantahin natin?” “Nothing gonna stop us now,” wika ni Sebastian. Tumango ako. “Sige, kabisado ko iyon.” Nagsimula ng tugtugin ang intro ng kanta tapos kumanta si Sebastian. Nang tumingin ako sa mga tao sa loob ng bar. Parang nakita ko si Alejandro sa kabilang mesa. “Si Alejandro ba ‘yon?” Hindi ako siguradong siya dahil medyo madilim sa puwesto niya. Ganunpaman, itinuloy ko ang pagkanta para pagbigyan ang mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD