bc

YOU'RE MINE, ALEJANDRO. - Rated SPG

book_age18+
1.2K
FOLLOW
7.8K
READ
possessive
friends to lovers
manipulative
billionairess
twisted
bxg
brilliant
office/work place
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagnanais ni Nikka na agawin si Alejandro mula sa kanyang fiancé, gumawa siya ng paraan para tuluyan siyang hindi na makawala sa kanya si Alejandro. Pinagsamantala niya si Alejandro nang gabi na lulong ito sa alak. Kaya nang magising si Alejandro, magkatabi na silang dalawa. Nagtagumpay siyang agawin si Alejandro at nagpakasal silang dalawa. Inakala niya na dahil mag-asawa na sila, makukuha na niya ng buo si Alejandro, ngunit mas lalo itong lumayo sa kanya at kinamuhian siya. Patuloy pa rin si Alejandro sa pakikipagkita sa dating ex-girlfriend niya, at nang malaman niya ito, pinahiya niya ang dating ex-girlfriend ni Alejandro sa harap ng maraming tao. Sinugod naman siya ni Alejandro para ipagtanggol ang ex-girlfriend niya. Sinaktan siya ni Alejandro, kaya kahit masakit sa kanya, lumayo siya. Ngunit sa kanyang pagbabalik, magkasama na si Alejandro at dating ex-girlfriend nito sa kanilang bahay. Labis ang galit niya sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para sirain sila at kunin ang inagaw sa kanya at maghiganti sa dating asawa niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"I will marry you, Alejandro!" Masayang sabi ng girlfriend ni Alejandro na si Beatrix. Naluluha pa ito dahil sa kaligayahan niya ngayon. Sinong hindi magiging masaya kapag nag-propose ang isang Alejandro Buenavista. Anak ni Don Emilio Buenavista. Isa sa mga kilalang makapangyarihang bilyonaryo sa Pilipinas. Kahit sa ibang bansa ay tinitingala ang kanilang angkan. Si Alejandro ang panganay na anak ni Don Emilio sa una niyang asawa. Kilala si Alejandro bilang matalino, tuso, guwapo at mabait na anak ni Don Emilio. Nakangiti si Alejandro habang sinusuot ang singsing sa kamay ng kanyang fiancee. Habang abala naman ang mga reporters sa pagkuha ng mga litro at pagkuha ng video. Siguradong mamaya lang ay laman na siya ng social media at balita sa telebisyon. "s**t! Kulang na lang ay madurog ang kupita sa madiin na pagkakahawak ko. Gusto kong sugurin sila at sabihin na hindi sila bagay dalawa. Kaming dalawa ang dapat ikakasal at hindi ang babae na hampas lupa na iyon. "Are you okay?" Nabaling ang tingin ko sa nagsalita. Sinikap kong baguhin ang mood ko, upang magawa kong ngumiti sa matandang babae na kaharap ko. "Yeah, I'm okay," pilit kong ngiti. Kumunot naman ang noo ng matanda. "Napansin kasi kitang nakasimangot," "Ano ba ang pakialam mo matandang hukluban?" Ngumiti ako sa kanya. "Masakit kasi ang ngipin ko." "Oh, kaya naman pala ganyan itsura mo. Masakit talaga 'yan, gusto mo tumawag ako ng dentist? Mabilis kong inikot ang eyeballs ko nang hindi siya nakatingin. Kung puwede nga lang murahin ang matandang hukluban na ito ay ginawa ko nga, ngunit kailangan kong maging mabait sa kanya. Kailangan kong magpanggap na masaya ako sa wedding proposal ni Alejandro "Excuse me, Donya. Georgia, kailangan ko ng puntahan si Alejandro." Hindi ko na siya hinintay na sumagot sa akin dahil nilampasan ko na siya at naglakad palayo sa kanya. Sa lahat ng angkan ng mga Buenavista ang matandang si Georgia ang hindi ko gustong makausap. Pakiramdam ko kasi ay pareho lang kaming nagpaplastikan. Lumapit ako kay Alejandro at Beatrix na masayang sumasagot sa mga interview nila. Kung titingnan sila ay kulang na lang ay langgamin dahil sa pagiging sweet nila. Dalawang metro ang layo sa kanila. Ang pekeng ngiti ko ay nakadikit na naman habang kunwari na masaya akong pinapanood sila. Ang hindi nila alam ay gusto ko ng kaladkarin ang fiancee ni Alejandro. "Bestfriend!" Nakangiti si Alejandro nang makita niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya. "Congratulations I'm so happy for you," sabi ko. Sa sobrang tuwa ni Alejandro ay niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Thank you, natupad na ang pangarap kong makapag-propose kay Betrix. Konting panahon na lang ay magpapakasal na kami. Maraming salamat sa tulong mo." Pilit akong ngumiti. "You're welcome. Kung alam lang ni Alejandro na durog na durog ang puso ko ngayon dahil para akong sinaksak ng paulit-ulit. Walang kaalam-alam si Alejandro na matagal na akong may gusto sa kanya. Hindi ko lang magawang sabihin sa kanya dahil natatakot akong lumayo siya sa akin. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil tinulungan ko pa siya para maisagawa ang surprise proposal sa girlfriend niya. Ganyan ako katanga, sinaksaktan ko ang sarili para lang maitago ang nararamdamdan ko kay Alejandro. "Nikka, Come with us, our family and Beatrix’s family have dinner tonight. Gusto ko sanang nandoon ka habang pinag-uusapan namin ang kasal. Gusto mo sigurong maging kontrabida ako sa paghahanda ng kasal mo. “No, thanks, I still have an important things to do. I just really meant to come here to support you.” Seryoso siyang tumingin sa akin. “But I want to be with you for dinner." "Gusto ko rin makasama ka habang buhay," pabulong ko "What did you say?" Umiling ako. "I-I mean, gusto ko sanang sumama, pero gaya ng sinabi ko sa iyo, may importante akong gagawin." Lumungkot ang mukha niya. Gusto ko sanang lokohin ang sarili ko na kaya siya malungkot dahil mahal niya rin ako, pero ang lugar na ito ang katibayan na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Huminga siya ng malalim. "Okay, thank you, mag-iingat ka." "Alejandro!" Poker face ako nang makita kong si Beatrix ang tumatawag sa kanya. Hawak pa rin niya ang bouquet na binigay ni Alejandro sa kanya. Kapansin-pansin din ang diamond ring sa daliri niya. Kung titingnan ay mas mahal pa ang diamond ring na suot ni Beatrix kaysa sa buhay niya. Yumuko ako nang lapitan ni Alejandro ang fiancee niya, saka niyakap at mabilis na hinalikan sa labi. Shit! ang sakit na talaga! Pumihit ako patalikod sa kanila at nagmadaling umalis sa lugar na iyon. Ang nakakainis. Hindi na ako pinigilan ni Alejandro na umalis tulad ng ginagawa niya noon. Pinaharurot ko ang kotse ko palayo sa lugar na iyon. Dumiretso ako sa condo unit ko. Halos kalahating oras ang naging biyahe ko nang makarating ako sa condo ko. Pagbukas ko pa lang nang pinto ay binato ko na ang lahat ng mga nakita ko. "f**k! f**k'n b***h!" Hindi ko namalayan ang luha sa mga mata ko. Kanina ko pa gustong pakawalan ang galit ko habang nakikita si Alejandro na masaya sa girlfriend niya. Ang luha sa mga mata ko ay nauwi sa malakas na iyak. "f**k you, Alejandro! I don't deserve to be hurt like this! I will not allow you to marry that woman! Hindi ako papayag na mapunta kay Beatrix! Ako ang dapat mong pakasalan at hindi ang babae na yon! Ako lang ang dapat mong pakasalan at wala ng iba!" sigaw ko, habang umiiyak ng malakas. Nang mapagod ako kakaiyak ay kinuha ko ang lahat ng alak sa istante at binuksan ko iyon. Kailangan kong magpakalasing para mawala ang sakit na nararamdaman ko. "My God, Nikka!" Narinig ko ang boses ni Mommy, ngunit hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil nararamdaman kong umiikot ang paningin ko. GISING na ang diwan ko, ngunit nakapikit pa rin ang mga mata ko. nararamdaman ko rin ang matinding pananakit ng ulo ko dahil sa dami ng ininom kong alak. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa kama ko. How did I get to my room? Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Mommy. Napilitan akong bumangon. "What are you doing here, Mom?" Lumapit siya sa akin. "Mabuti naman at gising ka na. Lasing na lasing ka nang madatnan kita. Nagpatulong ako sa staff ng condominium na ito para dalhin ka sa kuwarto. Nakahiga ka sa sahig, at nakaharap sa mga alak. Anong problema mo? Bakit ka nagpakalasing?" Muli namang bumalik ang sakit nang maalala ko ang wedding proposal ni Aldrin sa girlfriend niya. "Why are you crying? Ano ba ang problema mo?" Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin ako kay Mommy. "M-Mom, si Alejandro…" "What about Alejandro?" Nakakunot pa ang noo niya. "Ikakasal na siya sa girlfriend niya?" Nanlalabo na ang tingin ko sa ka dahil sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko. "Anong problema kung ikakasal na siya dapat masaya ka dahil ika— oh my gosh! Huwag mong sabihin na mahal mo si Alejandro, higit pa sa pagiging mag-bestfriend?" Tumango. "Mom, what should I do, I love him." Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. "Oh, my baby." "Mom, ayokong magpakasal si Alejandro sa girlfriend niya. Mahal ko siya, at hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin." Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko sa pisngi. "Nikka, move on, kailangan mong tanggapin na hindi siya ang lalaking para sa iyo." Umiling ako. "No! Matagal ko nang pinangarap sa sarili ko na siya lang ang lalaking mamahalin ko!" "Pero anak, hindi ka na bata para pagbigyan ang gusto mo, hindi puwedeng utusan si Alejandro para mahalin ka." Tumingala ako upang salubungin ang mga tingin ni Mommy. "Mom, kung hindi mapupunta sa akin si Alejandro, mas mabuting mamatay na lang ako!" "Nikka, 'wag mong sabihin 'yan." "Mom, mahal na mahal ko si Alejandro." Palahaw kong iyak. Walang nagawa si Mommy kung hindi ang yakapin ako para pakalmahin. "Anak, marami namang ibang lalaki diyan na higit pa kay Alejandro. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa kanya." Hindi ako kumibo. Kahit anong gawin kong paliwanag sa kanya ay hindi siya makikinig sa akin. Kaibigan ng Daddy ko ang ama ni Alejandro, ngunit kahit kailan hindi nila ako sinuportahan para maging akin si Alejandro. Hindi kasi nila ito gusto para sa akin. Pagkatapos akong kausapin ni Mommy ay umuwi na rin siya ng mansyon. Bumisita lang siya para sabihin na ninong si Daddy sa kasal ni Alejandro. Mas lalo akong nasaktan sa naging balita ni Mommy, kaya nang umalis siya ng condo ko ay nagkulong ako at umiyak nang umiyak, hanggang sa nakatulugan ko na lang ito. Nang magising ako ay naligo lang ako at umalis. Balak kong pumunta ng bar upang panandalian kalimutan ang problema ko. Hininto ko ang kotse ko sa harap ng isang bar dito sa Tomas Morato. Kahit alas-diyes na ang gabi ay pumunta pa rin ako rito para makipagkita sa kaibigan kong si Jessica. Siya sa mga kaibigan ko ang pumayag na samahan ako ngayong gabi. Pagpasok ko sa loob ng bar ay nahilo na ako sa amoy ng loob ng bar. Naghalo na kasi ang iba't-ibang amoy ng alak at perfume. Tinakpan ko ng panyo ang ilong ko habang naglalakad ako papasok sa loob ng bar. "Nikka!" sabay kaway sa akin ni Jessica. Lumapit ako sa kanya nang makita ko siya. Napansin kong maraming bote ng alak na walang laman ang nasa table. "Akala ko pa naman naistorbo kita. Iyon pala kanina ka pa nandito." Tumawa si Jessica saka ininom ang alak sa bote niya. Namumula na ang mukha niya dahil sa dami ng alak na ininom niya mula kanina. "Sinabi ko sa iyo sa bar na ito tayo pumunta dahil kanina pa ako nandito." Kinuha niya ang isang stick na yosi at sinindihan niya ito. Nagbukas naman ako ng beer. "I need your help." "Help? Ngayon ko lang narinig ang salita na iyan sa iyo." "Tulungan mo akong hindi matuloy ang kasal ni Alejandro." "Gago! Paano naman kita tutulungan? Kilala mo ba ang binabangga mo?" "Please, help me, kailangan hindi matuloy ang kasal nila." "Hello! Alam naman natin na mahal ni Alejandro ang fiancee niya. Hindi iyon papayag na hindi matuloy ang kasal nila. Maliban lang kung ang girlfriend ang gagawa ng dahilan para maghiwalay sila." Natigilan ako sa pag-inom ng alak. "Exactly!" Umarko ang kilay niya. "What do you mean?" "Gagawa tayo ng paraan para kamuhian ni Alejandro ang girlfriend niya." "Anong gagawin mo?" "Ano ba! Hindi ka nag-iingat!" sigaw ng isang lalaki. Naputol ang pag-uusap namin ni Jessica, nang marinig namin ang sumigaw na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Beatrix. Kasama siya ng lalaking nagalit sa waiter. Nagkatingin kaming dalawa ni Jessica at saka sabay na ngumiti. "Mukhang solve na ang problema mo." Tumango ako. Hindi ko na inalis ang tingin sa dalawa. "b***h! Niloloko lang niya si Alejandro." Tumayo ako para mas lapitan sila, ngunit pinigilan ako ni Jessica. "Saan ka pupunta?" "Lalapitan siya para kuhanan ng picture or video." "Wait! Baka makita ka. Ako na lang ang kukuha ng video." Sabay tayo ni Jessica. Kahit malapit na si Jessica sa kanila ay tinutok ko pa rin ang camera ng phone ko sa kanila. Mabuti na lang at malinaw pa rin ang kuha ng video kahit naka-zoom in ako. Hindi ko na pala kailangan siraan ka dahil ikaw na mismo ang gumawa ng bagay na ikasisira mo. Pagkatapos ko silang kuhanan ng video na naghahalikan, pinadala ko kay Alejandro ang video at pictures nila. Ilang saglit lang ay tumawag na siya sa akin. Agad ko naman binigay ang address ng lugar ng disco bar na ito. Siguradong ilang saglit lang ay darating si Alejandro. "Alejandro!" tawag ko sa kanya nang makita ko siyang bumaba siya ng kotse. Hinintay ko siya parking area dahil sa likod kami dadaan. Hindi na maipinta ang mukha ni Alejandro. "I will not forgive you if you lie to me." Seryoso ang mukha niyang sabi sa akin. Hinawakan ko ang braso niya at pinasuot ko sa kanya ang sombrero na binili ko ng mahal sa lalaki na nasa bar. "Wear this cap, let's go." Hinila ko siya papasok ng bar at pinuntahan kung saan naroon ang girlfriend niya. "Hindi ba't siya si Beatrix?" Matalim ang tingin niya sa dalawa. Nakita ko ang pagtikom ng kamao niya at panginginig ng panga niya sa galit. "Beatrix!" sigaw ni Alejandro. Sinakto talaga ni Alejandro na naghahalikan ang dalawa bago niya ito tinawag upang wala na itong maidadahilan sa kanya. "A-Alejandro!" Namutla ang mukha ni Beatrix nang makita si Alejandro. Lihim akong nagbunyi habang pinapanood sila. Sige, mag-away kayong dalawa para sa akin ang bagsak ni Alejandro. Lumapit si Beatrix kay Alejandro upang yakapin. "Let me explain." Oops! Tinulak kasi ni Alejandro si Beatrix pagkatapos ay sinugod niya ang lalaking kahalikan ni Beatrix. Nagpambuno silang dalawa kaya inawat sila ng mga tao roon. "A-Alejandro! Let me explain." Hagulgol ang iyak ni Beatrix. "Anong paliwanag ang gusto mong sabihin sa akin! lasing ka lang kaya mo nagawa sa akin ito! niloko mo ako, Beatrix!" Lumuhod si Beatrix. "I'm sorry, give me a second chance." "Enough! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo!" Lumapit ako kay Beatrix. "Matagal ko ng gustong gawin sa iyo ito" Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Beatrix. "How dare you! ikaw siguro ang may kagagawan nito kaya nagalit sa akin si Alejandro!" sigaw ni Beatrix. Stop blaming others. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagalit sa iyo si Alejandro." Hinila ko si Alejandro palabas ng bar. "Alejandro!" sigaw ni Beatrix, ngunit hindi siya pinakinggan ni Alejandro." "I have to go," sabi ni Alejandro. "Wait!" sigaw ko sa kanya. Hindi pumayag si Alejandro na ihatid ko siya sa condo niya. Sa halip, sumakay ito sa kotse niya at pinaharurot ang kotse palayo. Nakatanaw na lang ako sa kanya. "Are you happy?" Nilingon ko si Jessica. "Yes, matutupad na ang pangarap ko maging asawa siya" Bumuntong-hininga si Jessica. "Magpapakasal sa lalaking hindi naman ikaw ang mahal?" "Madaling matutunan ang pag-ibig at sisiguraduhin kong mamahalin din ako ni Alejandro tulad ng pagmamahal ko sa kanya." "Kaibigan lang ang turing sa iyo ni Alejandro." Tinitigan ko ng masama si Jessica. "Kahit anong sabihin mo hindi pa rin ako makikinig. Itutuloy ko ang planong makuha siya sa anumang paraan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook