“Whoah! Nikka!”
Umalingawngaw ang boses na sigaw ng mga kaibigan kong si Steven at si Jessa, pagkatapos kong kumanta.
Lumapit sa akin si Sebastian at ngumiti. “Hindi ko inaasahan na magaling na ka pa lang kumanta.”
Ngumiti ako. “Thank you.”
Tumingin ako sa kinaroroonan ni Alejandro, ngunit wala na siya sa puwesto.
Siya kaya ‘yon?
Lumapit ako sa mesa ng mga kaibigan ko at uminom ng alak.
“Grabe! Kinilabutan ako sa kanta mo,” wika ni Jessa.
“Thank you.”
“Ang daming na start struck sa boses mo kanina” wika ni Steven.
“Kasama na siya do’n,” sagot ni Jessa.
Tumango si Steven. “Syempre naman. Kahit ilang beses ko ng narinig ang boses mo, ang sarap pa rin pakinggan.”
Tumingin ako sa kanila. “Nakita ko si Ali.”
Nagkatinginan silang dalawa. “Si Alejandro?” wika ni Jessa.
Tumango saka muling tumingin sa mesa kung saan nakaupo si Ali kanina.
Biglang tumawa si Jessa. “Imposible yata ang sinabi mo. Hindi ka pupuntahan dito ni Alejandro,” wika ni Jessa.
“Kung nandito siya sa Boracay baka kasama niya ang ex-girlfriend niya.”
Sumimangot ako. “Kapag nalaman kong magkasama sila humanda siya sa akin.”
“Girl, wala kang laban do’n. Mahal ni Alejandro ang malandi niyang ex-girlfriend niya kaysa sa ‘yo,” wika ni Jessa.
In-straight kong ubusin ang alak sa wine glass ko. “Umuwi na tayo.”
“Teka? Hindi pa nga nag-iinit ang bahay alak natin aalis na agad tayo,” wika ni Steven.
“Tama. Mag-enjoy na lang tayo at ‘wag natin isipin si Alejandro,” wika ni Jessa.
Bumuntong-hininga ako. “Okay.”
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nilang dalawa. Nag-kwentuhan kami hanggang sa hindi na namin namalayan na tapos na ang session ng banda ni Sebastian.
“Hi, Nikka!”
Ngumiti ako ng tumingin kay Sebastian. “Hello.”
“Can I join?”
Tumingin ako sa mga kaibigan ko. “Yeah! Sure,” sagot ni Jessa.
Tumabi sa akin si Sebastian. “Ang galing mong kumanta dati ka bang singer?”
Umiling ako. “Kumakanta lang ako kapag may okasyon.”
“Oh, really.”
“Magaling talaga si Nikka kumanta. Pambato namin siya noong college,” wika ni Jessa.
“Baka gusto mo sumali sa banda namin para may female vocalist kami,” wika ni Sebastian.
Umiling ako. “Marami akong ginagawa wala akong panahon para sumali sa banda.”
“Okay.”
“Hindi na kailangan ni Nikka na maging banda dahil mayaman ang mapapangasawa niya,” wika ni Jessa.
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit hindi niya ako pinansin.
“Really, magpapakasal ka na?” tanong ni Sebastian.
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya sa halip ay nagpatuloy ako sa iniinom kong alak. Tumagal kami ng halos tatlong oras bago namin naisip na bumalik sa hotel namin.
“Punta muna ako ng bathroom,” sabi ko nang nasa loob na kami ng hotel.
“Doon ka lang sa room mo gumamit ng bathroom,” wika ni Jessa.
“Sige na, mauna na kayo hindi rin naman tayo magkakasama sa hotel room.”
“Sige, ingat ka.”
Tumawa ako. “Baliw.”
Dumiretso ako sa bathroom para umihi at maghilamos ng mukha. Pagkalabas ko ng bathroom, nakita ko si Alejandro na nakatayo sa gilid. Nakatingin siya sa ‘kin.
Nameywang ako ng lumapit sa kanya. “What are you doing here?’
Tinitigan niya ako ng masama. “Gusto mo talaga akong ipahiya sa mga tao.”
Nagsalubong ang kilay ko. “What?”
“Pumunta ka ba rito para maghanap ng lalaking magpapaligaya sa iyo?”
“Sinundan mo ba ako para insultuhin?”
“Nikka, ayokong mag mukhang katawa-tawa sa ibang tao.”
“So? What is your point?”
“Bakit nakikipag-flirt ka sa ibang lalaki?”
“Hindi ako nakikipag-flirt sa iba at ‘wag mo akong itulad sa iyo.”
"Kung hindi mo siniksik ang sarili mo sa akin, wala ka sanang problema sa pambabae ko. Ikaw, hindi ka ba kontento na nakuha mo ako kaya naghanap ka ng iba?"
“f**k! Wala akong lalaki kaya itigil mo ang kahibangan mo.”
“Kaya pala masaya ka habang nakikipag-usap sa dalawang lalaki kanina. Hindi mo ba alam kung sino sa kanila ang gusto mo?”
“Nakipag-usap lang siya sa amin.”
“Balak mo bang gumanti sa akin? Kung sabagay, madali lang sa ‘yo ang makakuha ng lalaki dahil malandi ka.”
Hindi ako nakapagpigil sinampal ko siya. “f**k you!”
Hinawakan niya ang pisngi niyang sinampal ko at tinitigan ako ng masama. “Slut,” wika niya.
Muli ko siyang sinampal. “You have no right to insult me. If you don’t believe, at least you should respect me.” Tinalikuran niya ako at tuluyan na akong umalis.
“Tsk! Bakit siya nandito?” bulong ko.
Dumiretso ako sa kuwarto ko at naligo bago ako natulog. Gusto ko sanang sabihin kay Jessa na nandito sa Boracay si Alejandro, ngunit tulog na yata siya dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.
KINABUKASAN ay maaga akong kinatok ng mga kaibigan ko sa silid ko. Kahit wala akong balak magising ay nagising na lang kaysa hindi sila tumigil sa kakatok.
“Nikka, bilisan mong maligo dahil kakain pa tayo bago umalis,” wika ni Jessa.
“Bakit saan ba tayo pupunta?”
“Mag-surfing tayo.”
“Hmm.. gusto ko ‘yan.”
“Bilisan mong maligo.”
“Oo, ten minutes.”
“Siguraduhin mong sampung minuto lang baka mamaya trenta minutos kaming maghihintay.”
Hindi na ako nagsalita dahil dumiretso na ako sa banyo para maligo. Excited na rin akong mag-surfing dahil matagal-tagal noong huli akong nag-surfing.
“Nandito si Alejandro sa Boracay,” sabi ko, habang kumakain kami ng almusal sa kalapit na restaurant ng hotel.
Kumunot ang noo ni Jessa. “Baka imahinasyon mo lang ‘yon.”
Umiling ako. “Kinausap niya ako kagabi ng abangan niya ako sa bathroom kagabi.”
“Totoo ba ‘yon?”
Bumuntong-hininga ako. “Oo, at pumunta lang siya para insultuhin ako.”
“Tsk! Ano pa nga ba ang aasahan mo diyan kay Alejandro,” wika ni Jessa.
“Sinundan niya ako para maghanap sa akin ng mali. Gusto talaga niya akong maging masama para hindi matuloy ang kasal.”
“Kung iisipin mo si Alejandro, hindi ka mag-enjoy sa bakasyon natin,” sagot ni Steven.
“Tama si Steven, hayaan mo siyang maghanap ng butas laban sa iyo. Kahit anong gawin niya matutuloy pa rin ang kasal n’yo.”
Tumango ako. “Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal namin.”
“So, anong pinoproblema mo?”
“Akala ko kasi nagseselos siya.”
Biglang tumawa ng malakas si Jessa. “Asa ka!” Sabay irap niya.
Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos namin kumain ay umalis pumunta na kami sa lugar kung kami mag-surfing.
Nakasuot ako ng two-piece bikini at sun glasses ng pumunta kami sa dagat. May dala akong surfing board kasama ko ang coach ko na mag-aalalay sa akin. Marunong na akong mag-surfing, pero syempre kailangan pa rin ng mag-aalalay in case of emergency.
Nagpagalingan kaming tatlo sa pag-surfing at talagang nag-enjoy kami. Habang nagpapahinga kami ay nakarinig ako na parang may sumisigaw. Tumingin ako sa dagat, nakita ko ang lalaking nalulunod. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo para sagipin siya. Marami kaming tumulong sa kanya pero mas mabilis akong lumangoy sa kanila kaya naunahan ko sila.
“Sebastian!”
Gulat na gulat ako ng malaman kong si Sebastian ang nalulunod. Sinikap kong dalhin siya sa pangpang. Sa tulong ng ibang lifeguard ay napabilis ang punta namin sa pangpang.
“I can do that,” sabi ko.
Hindi ako nagdalawang isip na i-CPR si Sebastian, hanggang sa bumalik ang malay nito.
“Thanks, God, you’re safe,” sabi ko.
Tumingala si Sebastian. “N-Nikka?”
“Si Nikka ang sumagip sa ‘yo,” wika ni Jessa.
Dahan-dahan bumangon si Sebastian. “Thank you, Nikka.”
“Hindi ka ba marunong lumangoy?” tanong ni Steven.
“Pinulikat ang dalawang paa ko habang lumalangoy ako kaya muntik na akong malunod.”
“Okay, Next time ‘wag kang lumangoy kung wala kang kasama,” sagot ko.
Ngumiti siya. “Thank you.”
Tumango ako bilang tugon sa kanya, pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang pag-surfing.
“Pagod na ako, kumain muna tayo,” wika ni Steven.
Sabay kaming tumango ni Jessa.
“Gutom na rin ako,” sagot ni Jessa.
Kumain kami sa pinakamalapit na karidenriya. Pinili namin ay puro seafoods at isda.
“Saka na ang diet kapag bumalik tayo ng Manila,” wika ni Jessa.
Hindi na ako nakatiis, nilantakan ko na ang malaking alimango.
“Mmm.. sarap!” wika ni Steven.
“Kung ganito palagi ang kinakain natin baka mataba na ako,” wika ni Jessa.
Magsasalita pa sana ako, ngunit nakita ko si Alejandro na papalapit sa amin. Yumuko ako para kunwari ay hindi ko siya napansin.
“Hey!” wika ni Alejandro.
Hindi ako lumingon sa halip ay nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi naman nagulat ang dalawa ng makita nila si Alejandro.
“Oh, bakit ka nandito?” tanong ni Jessa.
“Susunduin ko sana si Nikka.”
“Oh, Nikka, sinusundo ka ni Alejandro,” sagot ni Jessa.
“Anong problema mo?”
“Bumalik na tayo sa Manila.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ako sasama sa iyo.”
“Kailangan mong sumama sa akin.”
“Kaya kong bumalik ng Manila ng mag-isa.”
“Nagkaroon ng problema sa wedding gown na isusuot mo.”
“So?”
“Kailangan mong bumalik ng Manila ngayon dahil bukas ng madaling araw ay pupunta ng Amerika ang wedding designer mo.”
“So, ako ang mag-adjust?”
Bumuntong-hininga si Alejandro. “Look, hindi ko gustong sundan ka ka rito sa Boracay kaya ‘wag kang feeling na sinundan kita rito dahil gusto ko lang.”
“Kung gano’n ako na ang maghahatid sa kanya,” wika ni Steven.
Tinitigan niya ng matalim si Steven. “It’s none of your business,” sagot ni Alejandro.
Hindi nagpatinag si Steven. “Magkasama kaming pumunta rito kaya magkasama rin kaming babalik ng Manila,” sagot ni Steven.
“Steven, maiwan na kayo ni Jessa dito. Sasama na lang ako kay Ali pabalik ng Manila.”
“Are you sure?”
Tumango ako. “Ayokong masira ang bakasyon mo, babalik na lang ulit ako kapag naayos ko na.”
“Okay, ingat,” sagot ni Steven.
Hindi ko na tinapos ang kinakain ko dahil umalis na ako para bumalik sa hotel at ligpitin ang mga gamit.
“Nikka!” tawag ni Sebastian.
Hindi ko sana siya papansin dahil alam kong nakasunod si Alejandro sa akin. Ngunit bigla tumakbo siya para maabutan ako.
“Nikka, wait!” Sabay hawak niya sa kamay ko.
Nakita kong nakasimangot si Alejandro ng tingnan ko siya.
“Bakit?”
“I just want to give this to you,” he said as he handed me the necklace.
“What's this for?”
He smiled. “Because you saved me."
I shook my head. “It's okay!”
“Please accept it as my remembrance to you.”
“Thank you.” Napilitan akong tanggapin ang kuwintas na bigay. Hindi naman ito ginto o white gold. Parang ito ang mga binibiling souvenir dito sa Boracay.
“Ako ang dapat magpasalamat sa iyo.”
Ngumiti ako. “Sige, kailangan ko ng bumalik sa hotel.” Tumalikod ako at tuluyang umalis.
"See you soon!" sigaw ni Sebastian.
Pagdating ko sa hotel ay naligo ako bago ko niligpit ang mga gamit ko. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Alejandro na nag-aabang sa akin.
Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo rito?”
Tinitigan niya ako ng masama. “Kaya pala ayaw mong bumalik ng Manila may lalaki ka pala rito.”
I glared at him. “You’re wrong.’
Bigla niyang hinawakan ang braso ko na sobrang higpit.
“Let’s go!”
Halos tumakbo ako para lang maabutan ang lakad niya. Hindi ko masabayan ang hakbang niya dahil sa bilis niyang maglakad.
“Ano ba!” sigaw ko.
Halos sumubosob ako ng itulak niya ako papasok sa loob ng kotse.
Hindi ako pinakinggan ni Alejandro. “Umalis na tayo,” sabi niya sa driver.
“Why can’t you just let me go back to Manila alone?”
“Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko?”
“Maybe you’re jealous, that’s why you’re getting mad at me.”
He gave me a menacing look. “I’m not jealous, I actually want you to have another man so I can be free.”
“So that’s why you followed me here?”
“I already told you I followed you because of your wedding gown.”
“I don’t believe you.”
“I’m not obligated for you to believe me.”
Magsasalita pa sana ako, ngunit tumunog ang telepono ni Alejandro. Biglang nagbago ang reaksyon niya. Ang kaninang nakasimangot, ngayon ay nakangiti na.
“Hello, Beatrix!”
Halos patayin ko siya ng tingin ko. “Si Beatrix ang kausap mo?”
Hindi niya ako sinagot kaya inagaw ko ang phone niya.
“f**k! Give me my phone!”
Pinutol ko ang tawag ni Beatrix. “Ang kapal ng mukha mong makipag-usap sa ex-girlfriend mo!”
“Son of a b***h!” Kinuha niya sa akin ang phone niya.
“Isusumbong kita sa mga Kuya ko!”
“Go ahead! The hell I care!”
“How dare you!”
“You can’t stop me from doing what I want.”
“We’re getting married soon and we’ll be husband and wife.”
“We only have rights to each other on paper, but you can’t control me. I will do what I want in my life, I will make my own destiny, not you.”
Sinampal ko siya sa sobrang galit ko.
Galit na galit siya habang nakatitig sa akin. “Pathetic,” bulong niya.
I swallowed several times to hold back the tears threatening to fall from my cheeks. “Hayop ka!”