A KISS

2002 Words
CHAPTER 5 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta)   Ramdam kong gusto niyang magpahalik. Huminga ako ng malalim. Nakatalikod naman si Lance kaya hindi naman niya siguro makikita, Isa pa, gusto ko rin namang subukan kung anong pakiramdam nang humahalik. Wala pa akong nahahalikan. Ito pa lang ang aking first kiss kung nagkataon. Kaya nga nang tumitig ako kay Lovely ay dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi ni Lovely. Mas mabilis pa niyang inilapit ang labi niya sa labi ko kaya sa isang iglap, naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa aking labi. Napapikit siya. Bumuka ang labi niya. Nag-aanyaya na diinan ko pa ang halik ko sa kanya nang bigla na lang tumigil ang kanina ay okey namang takbo ng sasakyan. Nawalan kami ng balanse ni Lovely. Naumpog siya sa upuan sa harap niya at ganoon rin ako. Sumubsob ako. “Sorry, may bigla kasing dumaan na aso.” Paghingi ni Lance ng pasensiya. Nakatingin siya sa akin sa rear mirror. Matalim ang kanyang pagkakatitig. Mukhang may kakailanganin akong harapin pagkahatid namin kay Lovely. Ngayon pa lang, bumubuo na ako ng aking mga dahilan. Nang makarating kami sa bahay nina Lovely ay pinapababa kami ng Mama ni Lovely ngunit ayaw bumaba ni Lance. Maghihintay na lang daw siya sa sasakyan. Nakiusap pa ang Mama ni Lovely na kahit sandali lang pero matigas talaga si Lance. Medyo nabastusan pa ako sa hindi niya pagsagot sa Mama ni Lovely. “Ano bang problema mo ha? Sandali lang tayo.” “Kung gusto mong bumaba e di bumaba ka. Basta dito lang ako. Hihintayin na lang kita rito.” “Okey bahala ka nga diyan,” masama sa loob na bulong ko. Dahil ayaw naman niyang bumaba ay ako na lang. Tao akong sumundo kay Lovely at tao rin akong maghahatid sa kanya. Napatagal nga lang ako dahil sa napakaraming kwento ng Mama ni Lovely at ipinakilala pa ako sa ibang mga naroon na kamag-anak nila. Pilit pa akong pinakakain kahit sinabi kong busog pa. Mga nasa 30 minutes siguro ako at magtatagal pa kung di lang panay ang missed call sa akin ni Lance. Idinahilan ko na lang ang reunion na iniwan ko sa bahay para makaalis na rin. Inihatid ako ni Lovely hanggang sa labas ng kanilang bahay at lumapit din siya kay Lance para magpasalamat sa paghahatid. Bago ako sumakay ay mabilis niya akong hinila at hinalikan sa labi. Alam kong nakita ni Lance iyon. Pero ako naman ang hinalikan kaya paano ako tatanggi. Isa pa, girlfriend ko ang humalik sa akin. Hanggang sa niyakap ko siya. Nagpaalam sa isa’t isa. Binuksan ni Lance ang pinto ng kanyang sasakyan. “Ano? Aalis ba tayo o maglalandian lang kayo? Sabihin mo lang, iiwan na kita rito,” seryoso siya. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “Alis na kami ha? Mukhang bagot na sa kahihintay ang bestfriend ko.” “Mukha nga. Ingat kayo. Lance, salamat ulit ha? Pasensiya ka na rin.” Hindi nilingon ni Lance si Lovely. Parang wala siyang narinig. Pagkasakay ko pa lamang ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Dahil sa inis ko sa pambabastos niya ay hindi na ako nakatiis na magsalita. “Ano ‘yung inasal mong ganoon, tol?” Hindi siya umiimik pero may nakita akong luhang bumaybay sa kanyang pisngi. “Ano yang dina-drama mong ganyan? Sana pala ako na lang mag-isa ang naghatid sa kanya. May motor naman ako eh. May sasakyan naman kami. Kung masama pala ang loob mong maghatid eh sana hindi ka na lang nagpresentang maghatid.” Itinigil niya ang sasakyan sa daan kung saan bukirin na at walang mga bahay. Tumingin siya sa akin. “Hindi naman ito tungkol sa paghahatid e.” “Eh anong problema mo?” “Kailan pa?” tanong niya. “Kailan ang alin?” “Kailan mo pa naging girlfriend si Lovely?” “Ah so malinaw na. Iyon ang kinagagalit mo?” “Sa tingin mo, sino ang hindi maiinis?” “Bakit kailangan mong mainis?” “Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Kailan pa kayo?” “Two months pa lang kami, bakit ba?” “Bakit ba? Nakakalimutan mo na ba? Hindi ba may usapan tayo tungkol diyan?” “Oo alam ko.” “Ano uli yung usapan natin? Baka kasi nakakalimutan mo na.” “Usapang hindi dapat tayo magkaroon ng syota habang hindi pa tayo tapos ng high school? Tama ako hindi ba?” “Oh alam mo pa rin naman pala e. May deal tayo niyan ah.” “Oo na. Sige na. Ano bang consequence? Kasi mas kaya kong gawin ang consequence kaysa mapahiya sa mga pinsan ko na ako na lang ang walang girlfriend. Mas okey na gagawin ko kung anuman ang consequence kaysa sabihan akong bakla.” “Hindi lang naman ito tungkol sa consequence e. Tungkol ito sa mapag-iiwanan ako. Nakita mo kanina? Kayo na ang magkasama, kayo na ang magka-usap. Kung hindi pa ako niyaya ni Tita nang dumaan ako, hindi ko pa alam na may girlfriend ka na pala. Sean, ano ba ako sa’yo?” “Kaibigan, bestfriend kita. Bakit ba big deal sa’yo na may girlfriend na ako? Saka magkaibigan pa rin naman tayo ah? Sinong bang magkasama ngayon? Tayo pa rin naman hindi ba?” “Mahal mo ba siya?” “Ano bang klaseng tanong ‘yan?” “Bakit hindi mo ako sagutin? Mahal mo ba siya?” “Natural. Girlfriend ko siya eh.” Huminga siya nang malalim. “Hindi mo ba napapansin? Hindi mo ba naramdaman?” “Ang alin? Tapatin mo nga ako, bakit ka ba ganyan?” “Manhid ka talaga ano?” “Sige ganito na lang. Ano ba yung sinasabi mo na consequence para okey na tayo. Nang hindi na tayo nagtatalo pa ‘tol. Paskong-pasko oh? At saka mag-iinuman pa. Naghihintay sila sa bahay. Dapat happy lang tayo. Para matapos na ‘to sabihin moa ng consequence para gagawin ko kahit ano pa ‘yan.” “Halikan mo ako… sa labi.” “Ano? Gago ka ba?” napatawa ako. “Deal natin iyon, halikan mo ako sa bibig.” Nakita kong hindi siya nagbibiro. Napalunok ako. “Ayaw ko. Hindi ko gagawin iyon.” “Ibig, sabihin wala kang kuwentang kausap. Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Wala kang isang salita.” “Tang-ina, tol. Iba na lang. Hindi yung hahalikan ka sa labi. Hindi ka naman babae eh.” “Iyon lang ang gusto ko. Kung ayaw mo, akong hahalik sa’yo sa labi.” “Tang-ina kabaklaan ‘yan tol eh. Bakla ka ba?” “Kung sasabihin kong mahal kita, noon pa man magagalit k aba?” “Tang-ina tol, wala namang ganyanan.” “Sean, kahit noong first year high school pa lang tayo, gusto na kita. Sean, naman. Hindi ka naman siguro patay para hindi mo maramdaman ang mga lagkit ng tingin ko sa’yo. Yung inuuna muna kita bago ang iba, minsan nga mas inuuna pa kita kaysa sa sarili ko. Mahal kita, Sean noon pa.” Hindi ako nakasagot. Nagulat ako. Oo, ramdam kong espesyal ako sa kanya ngunit hindi ko inisip na mahal niya ako. Ang alam ko lang possessive siya bilang bestfriend. Na natatakot siya mag-isa kapag may girlfriend na ako. Na ganoon lang siya makipagkaibigan. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Parang hindi ako makahinga sa loob. Bumaba rin siya. Naglakad ako palayo. Sumunod siya sa akin. “Sandali nga, mag-usap tayo.” “Anong pag-uusapan natin, ang kabaklaan mo?” “Bakla na kung bakla pero pagod na akong magtago sa’yo nang nararamdaman ko. Ayaw ko nang kimkimin ito. Ngayon, kung ayaw mo na akong kaibigan, baka naman pwede kang magkaroon ng isang salita. Pangatawanan moa ng usapan nating consequence. Pagkatapos nito, lalayo na ako sa’yo. Hindi kita pakikialaman. Hindi kita guguluhin.” “Tang-ina naman e. Hindi ba pwedeng iba na lang?” “Iyon ang gusto ko. Kung hindi mo kayag halikan ako, akong hahalik sa’yo.” Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya. Tinitignan ko kung sinusubok lang niya ako. “Hindi ka bakla eh. Alam kong hindi ka gano’n kaya huwag namang ganito tol.” “Heto ako Sean. Nagpapakatotoo sa’yo. Noong gusto mong ligawan si Joan, natatakot ako na baka mahalin mo siya at tuluyan mo akong talikuran. Nagtagumpay naman ako. Hindi mo na nga itinuloy na ligawan siya dahil sa deal natin.” “Ibig sabihin, inutakan mo ako. Hindi mo pala talaga siya gusto,” “Hindi kasi ikaw ang gusto ko.” naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Naalibadbaran ako kaya mabilis kong inilayo ang kamay ko. “Just kiss me at lalayo ako.” “Hindi.” “Akong ki-kiss sa’yo!” pagkasabi pa lang niya doon ay naramdaman ko na agad ang kamay niyang humawak sa aking magkabilang pisngi. Bigla na lang naglapat ang aming mga labi. Nang una gusto kong ilayo ang labi ko ngunit dumiin ang malambot niyang labi sa aking labi at nang maramdaman ko ang bahagya niyang pagkagat sa labi ko ay agad ko siyang binigwasan ng suntok sa panga. “Gago ka! Ano ha? Aangal ka? Pagnanakawan mo pa talaga ako ng halik gago ka!” Sinapo niya ang kanyang pisngi. “Hindi mo nga ako mahal. Hindi mo nga ako pwedeng mahalin.” “Hindi talaga at hindi mangyayari iyon. Hindi ako magigig bakla kagaya mo. Wala kang aasahan na magiging kagaya mo ako.” “Okey. Sige. Talo na ako. Ihahatid na lang kita.” “Tang-ina huwag na!” mabilis akong naglakad palayo. Akala ko hahabulin niya ako at pipigilan. Ngunit sumakay siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot niya ito. Napakadilim ng aking dadaanan at malayo layo pa ang aking lalakarin kung nagkataon. Wala rin namang bumabiyahe dahil araw ng pasko at bihira lang ang dumadaang sasakyan doon. Lalo akong nagalit. Ngunit ilang dipa pa lang ang itinakbo niya ay huminto na siya. Bumaba siya at sinalubong niya akong naglalakad. Nang nasa tapat na ako ng kanyang sasakyan ay binuksan niya ang pinto sa driver’s seat. Naharangan ako. “Sumakay ka na!” “Ayaw ko! Tang ina mo!” “Huwag ka nang magmatigas. Anong iisipin nila sa inyo kung pinabayaan kita? Iisipin nila nag-away tayo?” “Eh di sasabihin kong totoo?” “Na hinalikan kita?” Huminga ako nang malalim. “Lalo silang mag-iisip ng iba sa atin o sa’yo kung di ka sasakay. Hindi normal para sa kanila na nag-aaway ng ganito. Kaya sumakay ka na. Pagkahatid ko sa’yo, hindi na ako sa’yo magpaparamdam pa. Hindi kita kakausapin, hindi kita guguluhin. Hindi ako mangingialam sa inyo ni Lovely. Tatanggapin kong hindi mo ako kayang mahalin. Na hindi tayo pwede.” “Sige sasakay ako pero huwag ka nang magsalita. Huwag mo akong kausapin.” “Okey,” maikli niyang tugon. “Pagkahatid mo sa akin, alis ka na agad. Ayaw na kitang makita pa. Ayaw na kitang makausap.” “Yan din ang sinabi ko kanina. It si a mutual decision.” “Okey.” Sumakay ako. Tahimik ang aming byahe. Bukod sa kanyang tahimik na pagluha ay alam kong nasasaktan siya. Ako walang maramdaman. May kung ano lang sa halik niya kanina na di ko makalimutan at maintindihan. Parang may nabuhay sa akin na ayaw kong i-entertain. Pagkarating namin sa tapat ng gate namin ay bumaba ako ng walang imik. Ginawa niya ang aming usapan. Umalis siyang walang kahit anong ka-dramahang sinabi.  Nang tinanaw ko ang pag-alis niya ay may kung anong masakit akong nararamdaman lalo pa’t bago ako bumaba ay nakita kong tigib ng luha ang kanyang mga mata. Bakit parang may mali? Bakit parang may kulang sa buhay ko ngayong sinabi niiyang suko na siya at hindi na niya ako guguluhin? Pumasok ako sa bahay. Nakipag-inuman. Binuksan ko ang f*******: ko. Napansin kong naka-block na ako sa kanya. Kahit napakaraming message si Lovely ay hindi ko sinasagot. Naguguluhan kasi ako lang Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD