SYOTA

2282 Words
CHAPTER 4 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta)   Wala kaming masyadong napag-uusapan. Hindi kagaya ni Lance na wala sa amin ang patatalo, Kahit nagsasalita ako ay panay pa rin ang banat niya o kung siya ang nagkukuwento ay pwede lang akong kumontra kahit hindi pa siya tapos magsalita. Hindi ko alam kunng tamang ikumpara ko ang bestfriend ko sa unang girlfriend ko. Pero inisip ko na lang na masasanay din ako. Para hindi awkward ay ako na ang nagtanong tungkol sa mga personal details niya kahit halos lahat naman yata alam ko na. Para lang may mapag-usapan. Naging maayos din ang aking pakiramdam. Nawala yung hiya at kaba hanggang sa naging maayos na ang palitan ng aming kuwentuhan. “Di ba bestfriend mo ‘yang si Lance?” singit niya. Nakatingin siya sa entrance ng fastfood. Lumingon ako. “Tang-ina! Siya nga!” kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasama niya ang kanyang kapatid at isang lingon lang niya, paniguradong mabubuking ako. “Sandali lang ha? CR lang ako.” “Hindi mo lang ba siya babatiin?” “Hindi. Saka huwag na huwag mong sasabihin na nandito ako kasi mangungulit at maggugulo lang ‘yan,” bulong ko kay Lovely saka ako kinakabahan at nagmamadaling tumungo sa CR. Kamalas-malasan pang may tao sa cubicle kaya di tuloy ako makapagtago. Nagdadasal na lang ako na sana hindi sila kakain ng kapatid niyang kasama niya sa fastfood. Na sana mag-take out lang sila at aalis na agad sila. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Naging oily tuloy ang ukha ko dahil sa pinagpapawisan ako. Pero bakit ako mangangarag? Kaibigan ko lang naman si Lance. Wala naman kaming relasyon para maging ganito ang reaksiyon ko? E ano naman kung makita niya na may kasama akong iba? Ano naman kung malaman niyang may girlfriend na ako. Dalawang taon na halos yung kasunduan namin. Baka nga nakalimutan na niya iyon. Kung hindi naman niya nakalimutan, ayos lang. Ang usapan lang naman namin ay consequence. Baka kung anong consequence lang naman ang kapalit tapos ganito ako katakot mabuking. E di gagawin ko ang consequence na ipagagawa niya kaysa para akong tanga na nagkukulong sa CR at iniwan si Lovely dahil sa walang kwenta naming usapan. Ngunit tag-ina hindi pa rin ako makalabas. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako? Kung bakit kailangan kong matakot na mabuking? Napakatagal nang nasa CR. Tumatae pa yata dahil amoy ko ang baho sa loob at ang lakas pa ng pagsabog ng kanyang mga hangin sa tiyan. Nagtitiis akong ganito dahil lang sa letseng consequence? Biglang bumukas ang pintuan at nagulat ako nang nakita ko si Lance na papasok. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko pero dahil nakaharap ako sa salamin at kita ng kahit sinong papasok ang nagsasalamin ay buking na ako. Hindi siya agad nakapagsalita at lalong ganoon rin ako. “Anong ginagawa mo rito?” siya ang unang nagtanong. “Ikaw bakit ka nandito?” “Gago ka ba? Mag-CR. Sabi ko na nga ba motor mo yung nakita ko sa labas na nakaparada e. Tang-ina ang porma mo ah! Anong meron?” “Wala te-takeout lang ako.” “Te-take-out ka lang ng pagkain na ganyan ang ayos mo?” “Ano bang mali sa ayos ko?” “Wala naman. Naninibago lang ako. Dumaan ako sa inyo. Ililibre sana kita rito. Sabi mo raw kay Tita ako ang kasama mo?” “Oo. Syempre para payagan ako.” “Mabuti na lang kamo mabilis akong nakaisip ng idadahilan. Sinabi ko na lang na magkikita nga pala tayo rito kaya lumusot. Saan k aba kasi talaga galing?” “Galing akong simbahan. Naki-mass.” “Sabado ng ganitong oras, may misa? Sinugalig ‘to. Ano ba talaga?” “Bakit ba andami mong tanong? Magsi-CR ka ba?” “Iihi lang. Ikaw?” “Babawas ako. Ang sakit ng tiyan ko eh.” “Hintayin na kita?” “Gago, umihi ka na lang ta’s alis ka na agad. Ayaw kong tumatae ako ta’s nandiyan kang naghihintay.” “Sabay na tayo umuwi. Dala ko kotse ni Lolo. Idaan na lang kita sa inyo.” “Huwag na, kita mong dala ko ang motor ko eh.” “Oo nga pala ‘no. Iwan mo na lang kaya rito. Balikan mo na lang. Tara, joy ride tayo.” “Hindi nga ako pwede.” “Bahala ka na nga. Kasama ko rin kasi ang kapatid ko e. Baka hindi alam oorderin. Tara na, libre kita nong paborito mo.” Yakag niya habang umiihi siya sa urinal. Medyo nakaharap siya sa akin kaya hindi ko talaga alam na makikita ko iyon. Mamula-mulang ulo at may katabaan na ari niya. Bigla niyang itinago nang napansin niyang nakatingin ako roon pero patay malisya lang siya. “Ano, hintayin ka na namin?” “Huwag na nga! Ang kulit eh!” Lumabas na ang kanina pang buwisit na tumatae sa cubicle. Siya pa ang masama ang tingin sa amin samantalang siya yung napakatagal tumae. Kung sana mabilis siya, hindi sana ako naabutan ni Lance. Nabuwisit tuloy ako. Mabilis akong pumasok at isinira agad ang cubicle. Tang-ina, nakasusulasok ang agad kong nasamyong amoy. Para akong nasusuka. “Sige. Kung ayaw mo, mauna na lang kami. Ang sungit mo tol!” “Sige na. Kita na lang tayo sa school.” “Bukas, laro tayong basketball?” “Bahala na! Text-text na lang!” Naiinis ako. Andami pa niyang sinasabi. Kinakabahan ako na baka mainip si Lovely na hitayin ako at siya ang kakatok. Patay ako niyan. Mabuking pang magkasama kami. “Sige, una na ako Tol. Text-text na lang.” “Oo na! Sige na! Istorbo ka eh! Ayaw tuloy lumabas ng ebak ko sa ingay mo!” Narinig kong binuksan niya ang pintuan saka lumabas. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nanatili muna ako roon ng ilang minuto. “Nadiyan pa ba si Lance?” “Nakaalis na. Bakit ang tagal mo?” reply agad ni Lovely. “Palabas na. Nasira lang tiyan ko.” Mabilis akong lumabas. Nahimasmasan lang at lumuwang ang aking paghinga nang alam kong wala na nga sila ng kapatid niya. Muntik na ako do’n ah. Pero nakalusot pa rin at alam kong mailulusot ko pa ito hanggang sa maipakilala ko si Lovely sa pamilya ko lalo na mga asungot kong mga pinsan. Hindi na nasundan pa ang date naming iyon ni Lovely. Ayaw ko na yung feeling ng ganoon lalo na iisang lugar lang kaming tatlo. Kung hindi ako mag-iingat, paniguradong mahuhuli niya ako. kapag nga katabi ko siya di ako nagbubukas ng cellphone ko. Baka kasi makita niya kung sinong nag-text at nag-message. Hindi siya dapat magkaroon ng pagdududa. Wala siya dapat alam hanggang sa matapos ko ang aking plano. Hanggang sa dumating ang family reunion namin. Ginaganap iyon sa bahay dahil bunutan kasi kung saan gaganapin. Araw na aking pinakahihintay. Pumayag naman si Lovely na maisama ko siya sa bahay basta bago mag-alas syete ng gabi ay maihatid ko na pabalik sa kanila dahil may family reunion din sila. Naging maayos ang lahat. Maganda kasi talaga si Lovely, matangkad, maputi at seksi. Wala naman problema kina Mommy at Daddy sa pagkakaroon ko ng girlfriend. Madalas nga ako nila tanungin kung may nililigawan na. Alam kasi nilang hindi rin naman ako nagpapabaya sa aking pag-aaral. At nag nakita nila si Lovely, todo asikaso na si Mommy sa kanya. Katulad ng pag-aasikaso niya sa betfriend kong si Lance. Sa wakas, nang maipakilala ako nga si Lovely sa mga pinsan at tita-t tito ko ay naging bida ako sa umpukan. Tila nawala na ang agam-agam ng mga brusko kong kamag-anak sa aking pagkatao. Iyon kasi ang sukatan nila ng p*********i. Dapat may babae ka dahil kung wala, bakla ka. Walang bakla sa pamilya namin dahil na rin siguro sa takot na mapulahan. Ang hirap kaya na lahat sila babaero tapos ikaw , bading. Dahil mag-isa kang bading ikaw ang titirahin ng tukso o kaya paninira. Ayaw kong mangyari iyon. Hindi ako aabot sa ganoon dahil wala naman akong nararamdaman talagang pagkagusto pa sa kapwa ko lalaki. Kaya naman kahit anong mangyari, hindi ako pwedeng kumaliwa. Hindi ako pwedeng maging bakla. First gay in our family will never happen. Hanggang sa bandang alas-singko ng hapon habang nakaharap kami ni Lovely sa nag-iinuman naming mga pinsan at akbay ko siya ay nagulat ako nang sinabi ni Mommy na may bisita raw ako. “Sean, andito ang bestfriend mo. Isama na ninyo diyan sa umpukan ninyo” Si Mommy. Tang-ina! Dumating si Lance. Hindi ko alam na pupunta siya kasi hindi naman siya imbitado. Saka kahapon lang bago ang Christmas lumabas pa kaming nag-bike. Kahit kasi bakasyon ay madalas pa rin kaming magkasama pero itong pagpunta niya rito, iyon ang di ko napaghandaan. Nakahawak pa si Lance ng mga regalo. Siguro regalo niya iyon sa amin. Mahilig talaga siyang magregalo. Nakita ko si Mommy na nag-aabot ng pinggan kay Lance na halatang hindi pa nahimasmasan sa gulat niya nang makitang akbay ko si Lovely. Ilag sandali pa,  tumabi si Lance sa akin. Napagitnaan nila ako ni Lovely. Iniwan ko siyang tignan. Alam ko kasing puno ng pagtataka at tanong ang kanyang mga tingin kaya iniiwasan ko talaga siyang tignan. “Oh, Lance. Paano ‘yan may girlfriend na si Sean, ikaw ba?” “May girlfriend na siya?” nalakas niyang tanong. Kunot ang noo saka niya ako nilingon. “Oo? Bestfriend mo, hindi mo alam? Hayan oh, si Lovely.” “Ah akala ko may girlfriend na bago,” napalunok.  “Alam kong sumasakay siya pero hindi niya maitago sa mata niya ang galit. Para akong sinisilaban sa kanyang mga tingin. “Tumagay ka p’re.” iniabot ng pinsan ko ang alak sa kanya. Hindi pa kami umiinom ni Lance. Kung uminom man kami yung mga light beer lang at minsan lang iyon nangyari. Tig-isang bote lang kami. Nilasahan lang namin at hindi namin nagustuhan ang lasa. Mapait. Ngunit tinanggap niya ang hard na alak na iniabot sa kanya. Hindi naman ako pwedeng mangialam dahil best friend ko lang siya. Humaharap kami sa inuman nila ni Lovely, nakikipagkuwentuhan ngunit softdrinks lang ang iniinom namin. Hanggang nang 6:30 na ay nagyaya na si Lovely na umuwi. “Uwi ka na agad?” tanong pa ni Lance na parang wala lang. “Oo eh. May party rin kasi kami sa bahay. Reunion din kasi namin ngayong gabi.” “Ah eh di sige, ihatid ka na lang namin ni Sean,” sagot niya. Nakainom pero hindi pa lasing kaya lam ng mga pinsan ko iyon dahil ilag beses lang naman nila itong tinatagayan. “Kaya mo bang mag-drive?” tanong ng pinsan ko. “Tumayo ka nga, tignan nga namin kung diretso pa ang lakad?” Tumayo siya at naglakad. Hindi nga siya lasing. “Sabi sa inyo eh. Kayo lang tong mahina at walang tiwala sa akin eh!” pagyayabang niya. “Aba pwede nga ‘no? Sige tagay pang isa tapos alis na kayo.” Itinagay ni Lance ang iniabot sa kanyang alak. Napailing na lang ako. “Sige na, ihatid na ninyo si Lovely nang makabalik kayong dalawa rito nang lasingin natin itong si Sean. Okey lang bang mag-inom siya ngayon Lovely?” Tumingin sa akin si Lovely. Hinawakan ko ang kamay niya. Saka ako umakbay. “Pwede ba?” tanong ko. Nakaramdam kasi ako ng inggit kay Lance, siya nainom na. Ako hindi makainom dahil kay Lovely na uuwi pa nga. “Yown! Matinik talaga itong si insan.” Natatawang banat ng alaskador na si Earl. “Oo naman. Basta huwag lang sobrahan,” magiliw na sagot ni Lovely. “Tara na. Ihatid na lang natin si Lovely. Dala ko ang sasakyan ni Lolo,” si Lance. Tumayo na ito. Sumunod na rin kami ni Lovely na tumayo. Si Lance ay dumiretso na sa sasakyan niya pero sinamahan ko muna si Lovely na magpaalam sa mga tiyo, tita, lolo at lola at mga babaeng pinsan ko na may sariling mga umpukan. Iba ang saya na naramdaman ko na makita kong tanggap nila si Lovely sa pamilya lalo na siya ang una kong pinakilalang girlfriend. Nakaramdam ako ng kaastigan. Gusto ko yung tingin sa akin ng aking kamag-anak at ang pagka-proud sa akin ni Daddy. Tahimik si Lance nang sumakay kami ni Lovely sa likod ng kanyang sasakyan. Para tuloy namin siya driver pero hindi ko naman siya pwedeng tabihan dahil si Lovely naman ang girlfriend ko. Tahimik lang siyang nagda-drive habang si Lovely ay nakasandal na sa akin. Ramdam kong gusto niyang magpahalik. Huminga ako ng malalim. Nakatalikod naman si Lance kaya hindi naman niya siguro makikita, Isa pa, gusto ko rin namang subukan kung anong pakiramdam nang humahalik. Wala pa akong nahahalikan. Ito pa lang ang aking first kiss kung nagkataon. Kaya nga nang tumitig ako kay Lovely ay dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi ni Lovely. Mas mabilis pa niyang inilapit ang labi niya sa labi ko kaya sa isang iglap, naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa aking labi. Napapikit siya. Bumuka ang labi niya. Nag-aanyaya na diinan ko pa ang halik ko sa kanya nang bigla na lang tumigil ang kanina ay okey namang takbo ng sasakyan. Nawalan kami ng balanse ni Lovely. Naumpog siya sa upuan sa harap niya at ganoon rin ako. Sumubsob ako. “Sorry, may bigla kasing dumaan na aso.” Paghingi ni Lance ng pasensiya. Nakatingin siya sa akin sa rear mirror. Matalim ang kanyang pagkakatitig. Mukhang may kakailanganin akong harapin pagkahatid namin kay Lovely. Ngayon pa lang, bumubuo na ako ng aking mga dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD