CHAPTER 6
BLOODY VENGEANCE
BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta)
Tahimik ang aming byahe. Bukod sa kanyang tahimik na pagluha ay alam kong nasasaktan siya. Ako walang maramdaman. May kung ano lang sa halik niya kanina na di ko makalimutan at maintindihan. Parang may nabuhay sa akin na ayaw kong i-entertain.
Pagkarating namin sa tapat ng gate namin ay bumaba ako ng walang imik. Ginawa niya ang aming usapan. Umalis siyang walang kahit anong ka-dramahang sinabi. Nang tinanaw ko ang pag-alis niya ay may kung anong masakit akong nararamdaman lalo pa’t bago ako bumaba ay nakita kong tigib ng luha ang kanyang mga mata. Bakit parang may mali? Bakit parang may kulang sa buhay ko ngayong sinabi niiyang suko na siya at hindi na niya ako guguluhin?
Pumasok ako sa bahay. Nakipag-inuman. Binuksan ko ang f*******: ko. Napansin kong naka-block na ako sa kanya. Kahit napakaraming message si Lovely ay hindi ko sinasagot. Naguguluhan kasi ako lang Lance. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Nasasaktan? Pwede. Galit? Marahil. Basta iba. Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari sa akin lalo pa’t dumikit sa aking isipan ang nangyaring paghalik niya sa akin. Yung bango ng kanyang hininga, yung lambot ng kanyang labi, yung kakaibang pakiramdam. Hindi ko gusto yung nararamdaman ko at gagawin ko ang lahat mabago lang ito.
Mula noon, pinagatawanan na ni Lance ang kanyang sinabi na hindi siya sa akin lalapit at hindi niya ako kakausapin. Nalungkot ako lalo na nang nagsimula na ang klase. Akala ko noon kaya ko kasi sa aming dalawa ni Lance, ako yung palakaibigan. Ako yung maraming tropa at may girlfriend din akong si Lovely. Mabuti na lang at hindi alphabetical ang seating arrangement namin nang Fourth Year na kami kaya hindi kami magkatabi. Nasa likuran ako at nasa gitnang bahagi siya kasama si Darren. Si Darren na naging sanggang dikit na niya. Gwapo rin naman si Darren. Matangkad at moreno. Hindi ko naisip na may matatakbuhan siya. Wala sa hinagap ko na magiging close sila at ako yung apektado sa tuwing sila na ang magkasamang lumabas tuwing recess. Na kahit kasama ko si Lovely, sila ni Darren ang aking napapansin. May mali ba? Bakit ako nasasaktan? Bakit bigla na lang akong nalulungkot kapag nakikita kong masaya na siya kapag kasama niya si Darren. Hindi ko alam kung sinasadya niyag paselosin ako pero effective. Ramdam ko ang mali at kailangan ko siyang makausap.
Nang maihatid ko si Lovely sa classroom nila ay nakita ko sina Lance at Darren na naglalaro sa silong ng mayabong na puno ng akasya. Ilang buwan na kasi kaming ganito. Higit isang buwan na at hindi ko na alam kung paano kakayanin. Malapit na ang JS Prom at sila ni Joan ang partner. Pero hindi ako nagseselos kahit pa nakita kong masaya sila lagi ng dati kong crush na si Joan. Naiinis ako at nagseselos kay Darren at hindi ko alam kung bakit. Kaya kahit nakalagpas na ako sa kanila ay bigla akong bumalik. Nilakasan ko ang loob ko. Bahala na pero kailangan na naming mag-usap.
"Lance, puwede bang mag-usap tayo?" nanginginig ang boses ko.
Tumayo siya. Hinila niya ang kamay ni Darren. Mukhang iiwas na naman siya at lalayo. Sumabay ako sa mabilis nilang paglalakad.
“Tol ano ba!”Hindi siya sumagot.
"Darren, bro, puwede iwan mo muna kami? May pag-uusapan lang kami." Pakiusap ko sa kasama niya. Sa bago niyang kaibigan. Hindi ko lang sigurado kung magkaibigan nga lang sila.
"Sige bro, sa classroom na lang ako." humiwalay si Darren pagkatapos niyang tapikin ang balikat ni Lance at kindatan ako.
Mas bumilis ang paglalakad ni Lance kaya hindi ko na napigilang hawakan siya sa balikat niya para patigilin.
Hinarap niya ako.
"Ano bang problema mo? Hindi ba’t napag-usapan na natin ang tungkol dito? Umiwas na ako. Hindi na kita nilalapitan at kinikibo?”
“Iyon na nga eh. Di ba sabi mo no’n bestfriend tayo?”
“Noon ‘yon Sean. Noong wala ka pang girlfriend. Noong akala ko we have a chance. Kasi kung ipipilit koi ito, kung patuloy lang akong aasa, mababaon ako. Masasaktan ng husto. Ayaw ko na Sean. Hindi ko na kaya pang magtiis, hindi ko na kaya pang magsinungaling. Pero sige, gusto mo akong kausapin? Pagbibigyan kita pero sana huli na’to. Sana hayaan mo na lang ako kug di mo rin lang naman pala ako kayang mahalin.” Namumula ang paligid ng kaniyang mata.
Huminga ako nang malalim. Ano bang sasabihin ko kung ako mismo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko?
“Ano? Bakit ka natahimik? Gusto mo akong kausapin hindi ba? Nandito na ako. Naghihintay sa kung ano yang gusto mong sabihin sa akin.”
"Wala, naguguluhan kasi ako kung anong dahilan at nagkakaganyan ka." Pabulong na sagot ko.
"So, hindi mo alam? Wala kang alam? Nagsabi na ako hindi ba? Alam mo na ang aking dahilan. Hindi ka bobo para hindi mo ako ma-gets." Nagpatuloy na muli siya sa paglalakad.
Sinabayan ko muli siya.
"Kaya nga gusto kong magkaliwanagan tayo e."
Hindi siya sumagot. Tinungo niya ang isang building. Sumabay lang ako. Ipinihit niya ang seradura ng office ng school paper. Bukas iyon.Siya kasi ang Editor in Chief at ako naman ang President ng Student Body Organization.
Tahimik ang buong office. Mukhang wala ang mga staff o ang kanilang adviser. Pagkapasok namin ay isinara niya din ang pintuan. Nagtungo kami sa isang cubicle na inuupuan niya. Naroon pa sa harap ng computer ang kanyang bag.
Katahimikan. Madalas kaming nagkakasulyapan ngunit walang gustong magsimula. Hanggang sa ako na din mismo ang unang nagsalita.
"Bakit ka ba kasi nagkaganyan?" tanong ko.
Tinitigan niya ako.
Kinagat niya ang labi niya.
"Alam mo na ang totoo? Bakit ba gusto mong paulit-ulit lang tayo?"
"Kaya nga ako nagtatanong para malaman kung saan nanggagaling yung pinagkakaganyan mo." Pinatunog ko ang mga daliri ko.
"Sean, hindi ka tanga. Sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon? Ikaw may kaakbay, may kasama, may karelasyon. Pinabayaan na kita. Pinilit kong magbulag-bulagan. Sinabi ko sa sarili ko na sa babae ka liligaya. Na kahit mahal kita, kung hindi mo ako mahal, sarili ko rin ang aking sasaktan. Ako ang lalabas na talo. Kug hahayaan kong maging bestfriend pa rin tayo kahit may iba ka na, hindi ako makakamove on. Hindi ko makakalimutan yung nararamdaman ko. Kaya please lang, hayaan mo na ako. Pabayaan mo na lang ako, please?"
Napalunok ako. Huminga ng malalim kasi kita ko sa mukha niya kung paano siya nahihirapan.
"Sa akala mo ba madali sa aking pagdaanan ang lahat ng iyon? Sean, nakaya ko na. Halos dalawang buwan na akong mag-isa habang kayo ni Lovely ang laging magkasama. Mahirap nang una. Masakit pero ngayon, kahit papaano, nakakapaglaro na ako sa online games. Nagkaroon ng bagong kaibigan sa katauhan ni Darren. Masaya na akong muli kasi paminsan-minsan naaalala pa rin kita. Kahit paminsan-minsan, nasasaktan pa rin kung kayo ang magkasama. Kasi Sean, tatlong taon tayong magkaibigan. Tatlong taon kitang lihim na minahal. Tapos isang araw, matuklasan ko na lang na may girlfriend ka na pala at yung usapan natin, hindi mo man lang pinahalagahan. Kasi ako Sean kahit usapan lang natin iyon noon, kahit sa tingin ko hindi mo sineryoso, ako kasi, yun lang ang pinanghahawakan ko sa’yo. Yun lang ang paraan ko para maging akin ka kahit pa kaibigan lang. Minsan tinatanong ko ang sarili ko, kaibigan mo nga ba ako? Mahal mo ba ako kahit isang kaibigan lang?" tumulo ang luha sa kaniyang pisngi.
Yumuko ako. Hindi ko siya masagot.
"Sean, ano ba ako sa'yo? Di ba kaibigan mo din ako? Pero bakit hindi mo kayang igalang kahit simple nating usapan. Mahal mo ba ako bilang kaibigan mo?"
"Oo" sagot ko. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. "Mahal kita pero hanggang kaibigan lang. Iyon lang ang kaya ko."
"Mahal mo ako. Salamat. Pero bakit parang wala. Bakit Sean, ni minsan ba humiling ako ng higit pa do'n?" pinagsaklob niya ang kaniyang mga kamay. “Nagtapat ako na mahal kita perop hindi ko sinabing sana mahalin mo rin ako. Ang hinihiling ko lang, sana naging tapat ka. Sana sinabihan mo rin muna sana ako nang ako’y nakapaghanda.”
"E kasi naman e. May mga ginagawa kang sa tingin ko sobra na. Hindi ko alam kung alam mo yung gusto kong tumbukin pero may iba akong nararamdaman sa mga ginagawa mo, tol. Hindi mo nga ako pinipilit na mahalin ka pero sinasakal mo ako. Pasimple mo akong ikinukulong sa mga deal natin na ‘yan. Hindi ako tanga lalong hindi manhid sa gusto mong mangyari."
"Hindi ka nga manhid, lalong hindi tanga ngunit mas pinipili mong manakit. May alam ka sa mga nangyayari kaya nagdesisyon kang gawin ang sa tingin mo ay tama sa'yo. Pumayag ka sa deal natin. Kahit hanggang high school lang. Kasi baka kapag college na tayo, naihanda ko na ang sarili ko na ge-girlfriend ka na. Na kahit papaano unti-unti ko nang naturuan ang puso kong huwag kang mahalin kasi hindi ka pwede. Ilang buwan na lang Sean hindi mo pa natiis. Ilang buwan na lang, hindi mo man lang muna ako kinausap." Huminga siya ng malalim. Pinunasan niya ang kanyang mga luha, "Sean, alam kong alam mo e, na noon pa man mahal na kita pero nagsabi ba ako? Di ba hindi? Kasi masaya na ako kung anong meron tayo. Kuntento na ako sa kung ano lang ang kaya mong ibigay." Nanginginig ang kaniyang labi at ang luha ay bumagsak sa kaniyang dibdib.
"Ganyan ka na ba talaga kagalit sa akin, dahil lang sa may girlfriend na ako, iiwasan mo na ako, iiwan bilang kaibigan?” direstsuhang tanong ko.
Umupo siya.
Sinapo niya ang kaniyang ulo. Kahit na pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi ay nagtuluy-tuloy pa ding ang kaniyang mga luha.
"Oo, Sean. Ganoon na lang ako kagalit na pati pagkakaibigan natin ay kaya kong isakripisyo kasi mahal kita. Mahal na mahal kaya mas pinili kong layuan ka para hindi na ako makagulo. Para hindi na lalo pang gumulo at darating sa puntong magkasakitan pa tayo. Ako na lang ang kusang iiwas at lalayo kasi nga may bago ka nang mundo. Alam ni Darren kung paano ako nasasaktan kapag nakikita ko sa classroom sa tuwing katext mo si Lovely at magkikita kayo sa labas at ako, patuloy mong tinitikis at binabale-wala. Nasaktan ako kahit wala naman akong dahilan. Nagselos ako kahit wala akong karapatan. Sean, alam mo 'yun. Straight ka siguro kaya hindi mo ramdam yung sakit na nararamdaman ko e. Sabi sa akin ni Darren, kailangan ko raw masaktan para mas maintindihan ang buhay. Wala daw kasing nagmamahal na hindi dumadaan sa pagkabigo. Hindi pa nga ako sumusubok nabigo na ako. Tapos sa bestfriend ko pa na walang pakundangan kung ano ang nararamdaman ko. Ang hirap e! Hindi mo alam yung sakit kasi wala ka sa sitwasyon ko Sean!" Humgagulgol siya.
"So, bakla ka nga?" sinapo ko ang ulo ko. Tinapik ko ang noo ko. "Pucha! So, totoo ang hinala ko!"
"May masama ba sa pagiging ganito ko? Kasalanan ko bang maging ganito?" tanong niya habang pinapahid niya ang kaniyang mga mata.
'Hindi naman, okey lang eh, kaya lang huwag ako. Huwag sa akin! Kasi hindi puwede, hindi ako papayag. Hindi kita puwedng mahalin at hindi kailanman mangyayari ang gusto mo sa atin."
"Alam ko," sagot niya.
"So, alam mo pala e, anong pinagkakaganyan mo?"
"Bakit? Tinatanong mo ako Sean, kung bakit? Dahil ba wala akong karapatan, wala na din ba dapat akong pakiramdam?"
"Hindi naman 'yun e, pero wala ka paring karapatang pigilan kami ni Lovely, mahal ko siya at di mangyayaring mamahalin kita." Singhal ko. “Ang gusto ko lang sana, magkaibigan pa rin tayo. Kagaya noon. Noong wala pa si Lovely. Mahirap bang magsakripisyo? Lance, mahalaga ka sa akin. Tutulungan kitang mabago natin iyan. Hindi naman natin kailangan sirain ang pagkakaibigan natin dahil may mahal akong babae. Pagtutulungan nating ayusin ang pagkatao mo.”
Yumuko siya. Gumagalaw ang kaniyang balikat. Alam kong humahagulgol.
"Hindi mo ako naiintindihan. Hindi nga ganoon kadali iyon! Ito lang Sean ang tanging paraan para makalimot ako. Sorry. Tanga ako hindi bobo. Naiinis na ako sa sarili ko. Galit na galit kung bakit ikaw pa. Kasi alam kong imposibleng magustuhan mo ako. Imposibleng mapansin mo ako. Kaya sabi ko, kahit pagmamahal na lang bilang kaibigan ang maisukli mo sa akin. Yung pagpapahalaga na sana makuha ng isang matalik na kaibigan sa kaniyang kaibigan ang maiparamdam mo sa akin. Ngunit Sean, andamot mo, andamot-damot mo kasi pati 'yun ipinagkakait mo sa akin." Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang pinupunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Dama ko ang bigat ng kaniyang kalooban. Nasasaktan din ako para sa kaniya ngunit buo ang desisyon kong si Lovely lang ang puwede kong mahalin.
Hindi siya.
Malayong siya.
"Sorry, pero wala kang maasahan sa akin. Pigilan mo yung nararamdaman mo. Magmahal ka din ng babae. Sa iba mo na lang ibaling iyan at please lang, huwag mo naman akong iwasan. Hindi nakakatulong sa’yo at sa akin, promise.”
"Tapatin mo nga ako Sean? Para saan ba talaga ito? Para ba talaga sa pagkakaibigan natin? Para hindi ako lalayo sa’yo o para hindi kami maging okey ni Darren?" humihikbing tanong niya.
"Anong sinasabi mo?"
“Kinausap mo raw siya nang nakaraan. Sinabi mong layuan niya ako o baka mabugbog mo siya. Bakit mo ginawa iyon? Ako ba lumapit kay Lovely at binantaan siya?”
Napalunok ako. Nagawa ko nga iyon nang nakaraan na nakita kong sila ang magka-angkas sa motor ni Lance at hinatid pa niya ito. Hindi ko alam. Basta kasi bigla na lang akong nagalit. Kumunot ang noo ko… hindi kaya…
“Nagseselos ka ba? Kaya k aba nagkakaganyan dahil may nararamdaman ka rin sa akin na hindi mo matanggap at pilit mong iniiwasang maramdaman?”
Hindi ako naksagot. Hindi kaya tama siya sa kanyang hinala?