BUKING

1674 Words
CHAPTER 7 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Tapatin mo nga ako Sean? Para saan ba talaga ito? Para ba talaga sa pagkakaibigan natin? Para hindi ako lalayo sa’yo o para hindi kami maging okey ni Darren?" humihikbing tanong niya. "Anong sinasabi mo?" “Kinausap mo raw siya nang nakaraan. Sinabi mong layuan niya ako o baka mabugbog mo siya. Bakit mo ginawa iyon? Ako ba, lumapit kay Lovely at binantaan siya?” Napalunok ako. Nagawa ko nga iyon nang nakaraan na nakita kong sila ang magka-angkas sa motor ni Lance at hinatid pa niya ito. Hindi ko alam. Basta kasi bigla na lang akong nagalit. Kumunot ang noo ko… hindi kaya… “Nagseselos ka ba? Kaya ka ba nagkakaganyan dahil may nararamdaman ka rin sa akin na hindi mo matanggap at pilit mong iniiwasang maramdaman?” Hindi ako nakasagot. Hindi kaya tama siya sa kanyang hinala? “Ano nga? Mayt girlfriend ka na. Hindi na kita pinakikialaman kaya huwag mo na rin sana akong pakialam, pwera na lang kung nagseselos ka talaga kay Darren.” “Hindi ko alam.” Maikli kong sagot. Nagpapakatotoo lang ako kahit tumatanggi ang utak ko pero alam ko, may kung anong sakit na umiikilkil sa aking puso. “Hindi mo alam? Anong klaseng sagot ‘yan.” “Ayaw kong maging bakla e. Ayaw kong maging kagaya mo pero noong hinalikan mo ako nong araw pagkatapos ng pasko, nang hinatid nantin si Lovely, hindi ko na nakalimutan. Parang may mali na hindi ko maintindihan. Ta’s bigla kang lumayo. Bigla mo akong iniwan. Lance, hindi ako naging masaya. Hindi ko alam kung bakit pero naiisip kita. Nalulungkot akog iba na ang kasama mo.” Huminga siya ng malalim. Tumitig siya na para bang sinisigurado niya kung ako pa rin yung nagsasalita no’n. “Ayaw mong maging bakla, ayaw mong mawala ako sa’yo, nalulungkot kang hindi mo ako kasama. Anong ibig sabihin no’n sayo?” “Kailangan bang may label?” “Mahal mo ba ako?” “Hindi.” “Hindi?” “Hindi ko alam. Hindi ko sigurado. Please. Huwag mo namang guluhin muna ang isip ko. Lumapit ako sa’yo kasi gusto kong magkaibigan pa rin tayo. Gusto kong ikaw pa rin sana ang bestfriend ko. Hindi ba pwede iyon?” “Hindi nga pwede kasi mahal kita.” “Hindi ba mas magandang magkaibigan tayo kasi mahal mo ako? Hindi ba mas madali na lagi pa rin tayong magkasama?” “Masasaktan lang ako.” “Bakit, kung hindi ba tayo magkaibigan, hindi ka na masasaktan?” “Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang sana, makalimutan ka, makalimutan ko yung maling nararamdaman ko sa’yo. Pero sige, pag-iisipan ko. Sasabihin ko bukas kung anong desisyon ko.” “Ganoon ba kahirap na maging bestfriends tayo uli? Bakit bukas pa?” “Bakit ikaw? Kaya mo bang hiwalayan agad si Lovely para sa pagkakaibigan natin?” Hindi ako nakasagot. Paano ko nga ba siya hihiwalayan? “Alam mo naman na ginamit ko lang siya para may maipakilala sa mga pinsan ko eh.” “You never told me that. Akala ko nga mahal mo siya.” “Sinabi ko ba sa’yo na mahal ko siya?” “Hindi pero I assume na mahal mo siya kasi niligawan mo eh, naging kayo.” “Hindi ko alam pero mas masaya ako nang dati. Yung tayo pa lagi ang magkasama.” “I can’t decide now. Hindi ko nga alam kung nagsasabi ka sa akin ng totoo. Malay ko bag binibilog mo lang ako at totoo naman palang mahal mo si Lovely. Kaya bukas mo malalaman. Kung nasa gate ako ng school at hinihintay kita, okey tayo pero kung wala ako ro’n ibig sabihin, hindi ko kayang maging bestfriend ka habang nandiyan si Lovely.” “Okey. Sige bukas.” Biglang may gumalaw sa katabi naming cubicle. Sinilip ko. Si Lovely. May luha sa kanyang ga mata at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinignan din ni Lance. Mabilis na tumayo si Lovely. Si Lovely ay photojournalist ng school paper. Akala namin walang tayo roon nang pumasok kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nangkatinginan lang kami ni Lance. “Hayop ka!?” sinampal niya ako ng walang kasinlakas. “Narinig ko lahat ang usapan ninyo! Mga hayop kayo! Manggagamit ka! Manloloko! Mga bakla!” sigaw niya. “Sorry. Lovely, magpapaliwanag ako!” pagsusumamo ko. Nakikiusap ako kahit pa nasaktan ako sa sampal niya sa akin at sa isinigaw niya sa aming mga bakla kami. “Huwag na! Sapat na yung narinig ko. Saka hindi ako manhid Sean, alam ko. Nararamdaman kong hindi mo ako mahal. Iba kasi ang ipinapakita mo. Oo, lagi kitang kasama pero ang lagi mong tinitignan ay si Lance. Hayop ka! Sana nagpakatotoo ka na lang. Sana sinabi mo na lang na gagamitin mo lang ako para ipakilalang syota mo nang reunion ninyo. Di sana hindi na lang ako nag-invest ng feelings sayo!” Naramdaman kong biglang umalis sa tabi ko si Lance at umupo sa hindi kalayuang bangko. Hindi siya nangingialam. “Sorry na.” Pakiusap ko pa rin. “Sorry? Sa tingin mo mapapatawad kita? Sa tingin mom aging tayo pa?”  “Hindi. Hindi naman ako nagso-sorry para maayos ito. Nagso-sorry ako kasi alam kong nasaktan kita at alam kong mali ako. Maling-mali.” “Oo mali ito. Kaya huwag na huwag kang lumapit sa akin. Huwag na huwag mo na akong kausapin. Break na tayo. Magsama kayo ng bestfriend mog bakla! Kakapal ng mga mukha ninyo.” “Please, Lovely. Para man lang sa ating pinagsamahan. Huwag mo namang ipagsabi sa iba.” “At sino ka para manghingi ng favor? Sasabihin ko ang mga gusto kong sabihin sa iba pero sige, nakakahiya naman kasing ipagsabi na ang ex-boyfriend ko ay bakla.” “Ako? Bakla? Anong proof mo? May narinig ka bang sinabi ko na bakla ako?” “Wala pero indirectly narinig kong sinabi mo na hindi mo makalimutan ang halik niyang si Lance? Na hindi ka masaya nang magkahiwalay kayo. Ang gago mo! Napakawalang kwenta mo!” iyon lang at lumabas na siyang tigib ng luha ang kanyang mga mata. Tumingin muna ako kay Lance. Iniiwas niya ag tingin nya sa akin. Mabilis akong lumabas para habulin si Lovely. Gusto kong magmakaawa na huwag nang ipagsabi ang tungkol sa narinig niyang usapan namin ni Lance. Alam kong galit siya pero gusto kong subukang mapalambot siya. Ayaw kong kumalat ang tungkol sa narinig niya. Hanggang sa nang uwian na, nilapitan ko Lovely. Kahit papaano ay nakapag-usap kami ng masinsinan. Umiiyak siya dahil sobra siyang nasaktan ngunit nakuha ko ang pangakong hinihiling ko. Hindi niya ipagsasabi ang tungkol sa kanyang narinig. Ang tanging hiling lang ni Lovely ay huwag ko na siyang kulitin pa. Huwag na huwag ko na siyang kausapin at magkalimutan na lang kami. Medyo nalungkot ako pero hindi ako nasaktan. Nalungkot ako dahil nakasakit ako pero iba yung sakit na naramdaman ko noon kay Lance. Ibig bang sabihin nito? Mahal ko rin si Lance? Na bakla talaga ako? Kinabukasan pagpasok ko ay naabutan kong nakatayo si Lance sa may gate. Tulad ng napag-usapan namin. Kung makita ko siyang nakatayo roon, ibig sabihin mag-bestfriend pa rin kami. Hindi niya ako namukhaan dahil sa suot kong helmet. Nagulat siya nang makitang ako ang nakamotor na tumigil sa harap niya mismo. Naroon na naman ang diyaskeng kabog ng aking dibdib. Kailan kaya ako masasanay? Bakit bumibilis ang t***k ng aking puso sa tuwing nakikita ko siya. Basa pa ang kaniyang buhok, makinis ang nangingintab niyang morenong kutis at kahit may kaluwangan ang puti niyang polo uniform ay bumabakat ang kaniyang magandang hubog ng katawan. 16 years old na siya samantalang ako ay 15 pa lamang. Pero magkasingtangkad lang kami. Ang pagkakaiba lang namin ay mas maputi ako at karaniwan sa katulad kong maputi ay ang mamula-mulang labi ngunit hindi din naman nalalayo ang hubog ng aming katawan. Napakislot ako nang kindatan ako saka kasunod ng matamis niyang ngiti. Hindi ko alam pero parang may kilig akong nararamdaman na kailangan kong supilin. Sinuklian ko ng simpleng ngiti ang kaniyang ngiti. "Anong ginagawa mo dito, tol?" kunyaring tanong ko kahit usapan na ito kahapon. Gusto kong manggaling sa kanya mismo. Pilit kong pinapakalma ang bilis ng pintig ng aking puso. "Astig na ah! Pinagagamit na sa’yo ang motor mo pagpasok?" Malayo ang isinagot niya sa tanong ko.Nahihiya yatang aminin na suko na siya. Na magkaibigan pa rin kami sa kabila ng mga nangyari na pagkakaroon ko ng girlfriend. Isa pa, hiwalay na kami ni Lovely kahapon, sa kanya na muli ang buo kong atensiyon. "Bakit ka nga nandito?" tanong ko muli. "Hinihintay ka." Paanas niyang sagot. Parang nahihiya. “Di ba usapan kahapon na kapag makita mo ako rito ngayon, ibig sabihin, bestfriends na uli tayo.” Tumango ako. Ngumiti. "Sandali ha, magpark lang ako." paalam ko. Pagka-park ko sa aking motor ay binalikan ko siya. Tinaas niya ang kaniyang kamay. Ang akala ko'y nilimot na ang apir namin. Tinanggap ko iyon. "Wala na ba talaga kayo?" Mahina niyang tanong. Napakunot ako, “Wala na. Bakit?” "Eh di ayos na pala tayo?” “Oo naman.” “Hindi kaya niya ipagsasabi yung narinig niya?” “Nangako naman na hindi. Natatakot ka bang kumalat iyon?” “Sa akin okey lang. Ikaw lang ang iniisip ko.” “Okey lang. Wala naman siyang proof. Kung sabi-sabi lang niya, dalawa tayong magpatotoo na bitter lang siya kaya gumagawa ng isyu. Saka wala naman nakakaalam pa tungkol sa pagiging ganyan mo. Kaya astig ka rin naman. So kwento niya laban sa kaastigan mo at sa kaangasan ko, matatalo pa rin natin siya. Kaya hayaan na lang natin siya.” “Salamat tol.” Tinapik niya ako sa balikat. Kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko at inilipat ko sa kabila. Akbay na niya ako. Na-miss ko ito. Parang naluluha ako sa sobrang saya. Bahala na pero gusto ko ang pakiramdam na ganito lang kami ni Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD