BUMIBIGAY NA DAMDAMIN

2531 Words
CHAPTER 8 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Wala na ba talaga kayo?" Mahina niyang tanong. Napakunot ako, “Wala na. Bakit?” "Eh di ayos na pala tayo?” “Oo naman.” “Hindi kaya niya ipagsasabi yung narinig niya?” “Nangako naman na hindi. Natatakot ka bang kumalat iyon?” “Sa akin okey lang. Ikaw lang ang iniisip ko.” “Okey lang. Wala naman siyang proof. Kung sabi-sabi lang niya, dalawa tayong magpatotoo na bitter lang siya kaya gumagawa ng isyu. Saka wala naman nakakaalam pa tungkol sa pagiging ganyan mo. Kaya astig ka rin naman. So kwento niya laban sa kaastigan mo at sa kaangasan ko, matatalo pa rin natin siya. Kaya hayaan na lang natin siya.” “Salamat tol.” Tinapik niya ako sa balikat. Kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko at inilipat ko sa kabila. Akbay na niya ako. Na-miss ko ito. Parang naluluha ako sa sobrang saya. Bahala na pero gusto ko ang pakiramdam na ganito lang kami ni Lance.             Nang mga panahong hindi ako pinapansin ni Lance at siya naman naming pagiging close na rin ni Joan. Si Joan kasi lagi ang katabi ko at siya rin ang unang nakapansin na hindi na kami nag-uusap ni Lance. Nang umagang nakita niya na sabay kaming naglalakad ni Lance ay iba ang ngit niya sa akin. Ngiting may kalakip na pagtatanong kung anong nagyari at okey na naman kami ng bestfriend ko.             Akala ko si Joan lang ang makakahalata pero nang pagpasok namin sa aming classroom ay napako ang tingin ng lahat sa amin. Parang hindi sila makapaniwalang ang dati'y bestfriend na ilang Linggong hindi nag-uusap at hindi nagpapansin na nangunguna sa kanilang klase, ngayon ay parang katulad na naman dati na parang walang nangyari. Kahit sa flag ceremony namin ay magkasunod kami sa pila na dati ay hindi naman namin ginagawa. Sa harap ako at sa likod siya. Kapag lumilingon ako sa kaniya kinikindatan ako sabay ng matamis niyang ngiti. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti at parang gumagaan ang loob ko. Sa loob ng classroom namin ay siya naman ang lingon ng lingon sa akin at ako naman ang kumikindat. Tuloy para akong tangang nag-aabang na lilingunin niya ako at sa tuwing tumatagilid ang kaniyang ulo ay inihahanda ko ang aking matamis na kindat at ngiti na minsan napapalpak dahil hindi naman natutuluyang lingunin ako kaya ang labas para akong sira ulong kumikindat at ngumingiti sa wala. Sa klase parang nakasanayan na namin talaga ang magpagalingan ngunit nagiging friendly competition na. Sabay na kaming magmiryenda na ipinagtaka din ni Joan. "Close na ba kayo, uli ng tol mo?" bulong niya sa akin. Hindi ko lang alam kung nang-iinis o natutuwa siya para sa akin dahil siya ang unang nang-aasar noon sa tuwing nalulungkot akong nakatingin kay Lance at Darren. Kaya naman nakapag-open ako sa kanya na hindi nagustuhan ni Lance ang bigla kong pagkakaroon ng girlfriend. "Oo, naman. Nagtalo lang naman kami niyan dati. Nangyayari naman iyon sa mga magbe-bestfriend hindi ba?” “Oo. Alam ko naman ‘yon. Na-ikuweto mo nga e pero para lang kasing iba yung sa inyo?" “Ano namang naiba?” “Basta. Hindi ko kasi ma-pin point. Pero di ba pansinin mo yung ibang mga kaklase nating ga lalaki na magtropa. Walang selosan kung yung tropa nila magkaroon ng dyowa. Hindi rin isyu sa kanila kung may ibang tropa na sinasamahan yung tropa nila. Parang wala lang. Hindi kagaya naming mga babae na lahat isyu. Yung sa inyo, parang kami rin na mga babae pero hindi nga lang obvious.” "Andami mo namang napapansin? Basta okey na kami. Iyon naman ang importante e." “Oh, paano na ngayon yung usapan natin?” humalukipkip siya na parang nagtatampo. “Anong usapan, enlighten me.” “Tungkol sa JS natin? Hindi ba, nag-usap na tayo? Ilang araw na lang oh. Ano ba naman ‘yan?” “Oh may umaatras ba?” “Baka magselos lang si Lance, mag-away kayo. Sabihin mo na lang muna sa kanya.” “Bakit naman kailangan kong magpaalam e magkaibigan lang naman kami?” sagot kong nagtataka sa mga sinasabi niya. Pero sa sulok ng isip ko. Alam kong tama si Joan. Kailangan kong magsabi kay Lance para walang gulo. “Ah basta, magsabi ka pa rin sa kanya. Ayaw kong dahil lang sa akin e magtampo na naman yang si Lance at malulungkot ka na naman.” "Oo na. Mamaya magsabi ako sa kanya kaya huwag kang mag-alala." "Sige basta ikaw na ang partner ko sa JS ha pati sa cotillion natin." "Magsasayaw talaga ako?" nagdadalawang isip ako. Marunong akong sumayaw ngunit nagdadalawang isip ako kung sasali ba ako sa ganoon. Last year kasi sumali kami ni Lance pero kumain lang ng kumain. Wala noon mga partners. Basta um-attend lang. Sumayaw kung gustong sumayaw. Masaya nang nakaraan taon. Hindi kagaya nitong taon na ito na kailangan talaga may partner. Nalungkot ako para kay Lovely. Pinaghandaan pa naman niya ang gabing ito. Lagi niyang sinasabi noon na dapat siya ang pinakamaganda pero ngayong hiwalay na kami, sino na kaya ang makaka-partner niya? “Oh, ang layo yata ng iniisip mo?” tanong ni Lance sa akin habang nagmimiryenda kami. “Iniisip ko lang si Lovely. Ngayong break na kami, sino kaya ang partner niya sa JS.” “Bakit, may partner ka na bang iba?” “Meron na eh.” Sagot ko. Napalunok. Sana hindi na naman siya magtatampo kung magsasabi ako. “Si Joan. Nakapangako kasi ako sa kanya?” “Oo nga. Napansin ko na naging close kayo nang hindi na kita pinapansin. Paano mo nagawang makipag-commit kay Joan na nandiyan pa noon si Lovely?” “Ewan ko para kasing balak ko na talagang bitiwan si Lovely noon e. Na-bored ako kasama siya. Nauna lang yung narinig niya tayong nag-uusap kaya hindi ko na siya na-break pa.” “Ibang klase ka talaga ano? Hindi mo talaga iniisip yung maaring maramdaman ng ibang tao? “Oo nga eh. Kaya ako ngayon medyo nakokonsensiya kay Lovely.” “Sige na, subukan kong gumawa ng paraan.” “Anong paraan?” “Basta ako nang bahala.” “Pero okey lang ba sa’yo na kami ni Joan ang partner?  Alam mo naman hindi ba na mahirap hindian yang si Joan? Pinakamakulit sa lahat ng makukulit. Hindi ka niya tatantanan hangga't hindi ka mapapayag. Kaya kahit medyo labag sa loob ko ay sumali na ako pati sa cotillion para matigil na din siya.” “May nararamdamn ka ba sa kanya?” diretsahang tanong niya sa akin. /’Wala.” “Hindi ba dati mo siyang gusto?” “Oo pero antagal na no’n.” “Ibig sabihin hindi mo na siya crush?” “Hindi na nga. Kaibigan na lang.” “Okey. Sige.” “Sige?” “Oo, di ba nagtatanong ka kung okey lang sa akin na partner kayo? Ang sagot ko ay sige.” “Salamat.” Tinapik ko ang balikat niya. “Salamat din at ngayon, nagiging mas open ka na sa akin. Kahit alam kong hindi mo ako mahal, nirerespeto moa ng pagkakaibigan natin.” “Ayaw mo ba talagang sumali sa cotillion?” “Ayaw ko. Hindi nga rin ako pupunta sa JS sana eh.” “Okey. Bahala ka.” Nakaramdam ako ng lungkot nang nagsimula na ang ensayo para sa JS at wala si Lance. Gusto ko pa naman sana siya laging makasama lalo na cancelled na ang aming klase para makapag-ensayo kami para sa aming JS Prom pero kahit kasi anong pilit ko, ayaw niya. Mahirap pala nang ganu'n. Naroon ako at nag-eensayo ngunit si Lance naman ang laman ng utak ko. Gusto ko na tuloy sabihin kay Joan na ayaw ko nang sumali. Sa totoo lang, mas gusto kong kasama talaga si Lance kahit pa nakaupo lang kami sa sementong upuan sa malaking puno sa likod ng aming classroom. Ngunit pumayag na ako kay Joan, kaya kahit balisa ako ay pinagbigyan ko na lamang siya. Pawisan na ako noon. Isang oras mahigit na din kami sa Gym na nagprapraktis ng cotillion. "Anong ginagawa niya dito? Kanina pa 'yan nakaupo diyan. Hindi na lang kasi siya sumali sa atin." Si Joan. Nakatingin sa kanan niya na kung saan doon umuupo ang mga ilang girlfriends at boyfriends ng mga kalahok sa cotillion at matiyagang naghihintay na matapos ang aming practice. Nakita ko si Lance doon. Nakaupo na nakatingin sa akin. Hawak niya ang isang aklat niya. Nang makita ko siya ay mabilis siyang kumaway. Kumaway din ako. "Alam mo, dahil sa ginagawa niya iba na ang naamoy ko sa kaniya. Hindi kaya nababakla ang bestfriend mo sa'yo?" "Eto naman, andumi mo mag-isip. E, ano lang kung gusto niyang manood. Saka may bakla bang ganyan kong umasta? Galing pa niya sa basketball." "Sabagay. Nakakapanibago lang kasi." Sinabi ng teacher namin na mag-break na muna at bumalik kami after 30 minutes. Niyaya ako ni Joan na magmiryenda ngunit sinabi kong busog pa ako. Kaya sila na lang ng pinsan niya ang umalis. Gutom ako ngunit naaawa naman ako kay Lance na parang kanina pa naghihintay kaya nilapitan ko na lang siya. Tumakbo akong lumapit sa kaniya. "Tol! Anong ginagawa mo dito?" hinihingal kong tanong. "Binabantayan ka. Yung pawis mo oh. Punasan mo kaya." Akmas pupunasan na niya ang mukha ko pero umatras ako. "Uy! Huwag ka nga! Makikita nila tayo oh! Please. Walang ganyanan tol.” “Oo nga pala ano. Bestfriends nga lang pala tayo.” Huminga siya nang malalim.” Natatakot lang akong matuyuan ka ng pawis, baka magkasakit ka at mamatay." "OA mo naman. Matuyuan lang ng pawis, patay na agad ang ending?" Nilabas ko ang panyo ko. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo, pisngi at leeg. "Akin na 'yan." Kinukuha niya ang panyo sa akin. “Ako na. Nakatingin sila oh. Para tuloy pinag-uusapan tayo.” “Hayaan mo nga sila. Paano mo mapupunasan ang pawis mo sa likdo?” “Sige na nga. Heto.” Binigay ko ang panyo. "Talikod ka ka para mapunasan ko yung pawis mo sa likod." Tumalikod ako. Hindi ko na lang inisip pa ang mga mapanuring mga mata at tsismosang bibig ng aming mga schoolmates. "Hindi ba nakakahiya, baka may makakita sa atin e, pag-isipan tayo ng kung anu-ano." wika ko habang masuyo niyang pinupunasan ang pawis ko sa likod. "Pinupunasan lang ang pawis mo sa likod, anong masama naman do'n?" "Ahh, okey." Sagot ko. Oo nga naman. Ako lang naman yata ang nag-iisip ng malisya. Ngunit nang humarap ako sa kaniya at kinuha ko ang panyo sa kaniyang kamay ay nahawakan ko ang kaniyang daliri. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagbaba siya ng tingin. Tinaas ko ang aking damit at pinunasan ko ang aking tiyan. Tumitig siya sa maputi at maganda kong katawan. Huling-huli ko ang bahagyan niyang paglunok ngunit patay malisya niyang ibinaling sa iba nang mahalata niyang tinitignan ko ang kaniyang reaksiyon. Huli ka! “May ibabalita pala ako sa’yo.” Nakangiti niyang sinabi sa akin habang kumakain kami sa dala niyang sandwich at juice. “Ano yo’n?” “Pumayag na.” “Pumayag sino?” kunot ang noo ko, “Si Lovely.” “Pumayag saan?” “Na maging partner ni Darren?” “Anong ibig mong sabihin?” “Habang kayo, tinutulungan ko si Darren na diskartehan niya si Lovely. Hindi ko nga lang sinabi sa’yo na sila ang madalas magka-text. Lihim pa ngang nagkita ang mga ‘yan sa fastfood kung saan kayo unang nag-date.” “Talaga?” “Oo. Pinagsabay kayo. Gusto ko kasi sana na ikaw na lang makadiskubre pero nauna niyang narinig yung sa atin kaya parang ang labas ikaw ang may mali pero ang totoo niyan, siya yung matagal nang nakikipaglandian sa iba habang kayo pa.” “Anong gagawin ko? Susugurin ko ba?” tanong ko habang tinitignan ko sina Lovely at Darren na nag-uusap sa silong ng puno. “Anong karapatan mo eh, wala nga kayo. Saka nasasaktan ka pa ba?” “Hindi naman. Parang ayos lang,” “Eh di wala nga talaga. Hindi mo talaga siya mahal.” “Siguro nga, Saka okey na rin pala na nangyari iyon. Sige, balik na kami.” Hindi man siya sumali sa aming cotillion ay masaya akong naroon lang siya at binabantayan ako. hawak niya ang backbag ko. Sinasabing punasan ko ang pawis ko, tinatanong kung okey lang ako at bumibili ng tubig sa tuwing alam niyang nauuhaw ako. Hindi ko alam kung kailangan kong kiligin pero bakit ako kikiligin e bestfriend ko lang naman siya? Isinasakay ko siya ng motor kapag umuuwi kami. Nang una, hindi siya pumapayag ngunit mapilit lang ako. Dahil doon sinuway ko si Daddy sa bilin niyang laging maghelmet. Ayaw kong maghelmet kasi hindi kami nagkakarinigan ni Lance. Medyo naaasiwa lang ako at nakikiliti kapag aksidenteng maidampi ang labi niya sa aking batok lalo na tuwing nagpe-preno ako. Basta parang sinasadya niya at hindi aksidente lang. Hindi ko naman siya masabihan at baka magtampo na naman. Noong una, oo, naasiwa ako. Nakikiliti. Medyo naiinis ngunit nang naglaon sinasadya ko na ang pagpreno. May iba kasing sensasyon ang aksidenteng pagbunggo ng labi niya sa batok ko o kahit ang pagdampi ng katawan niya sa likod ko. Parang nakukuryente ako na ewan. Basta iba. Kahit pinapababa niya ako dahil nami-miss na raw ako ng Mommy niya ngunit hindi ako bumababa. May curfew kasi ako kapag gamit ko ang motor. Ayaw ni Daddy na ginagamit ko ang motor sa paglalakwatsa. Kaya ibinababa ko lang siya lagi sa tapat ng kanilang gate. Pagmamasdan ko na lamang siyang papasok sa gate nila at hindi magmakamayaw ang bilinan namin ng… "Mag-ingat ka!" "Kita tayo uli bukas!" O kahit simpleng "Pssst!" o "Tol" basta importante ay mapalilingon lang niya ako. Hindi ko alam kung maiinis ako sa pagpapansin niya pero natutuwa ako. Masarap sa pakiramdam na ganoon kami kasaya bago matapos ang buong araw. JS Prom namin. Excited ako dahil sinabi niya sa akin na aattend siya pero walang partner. Nagsimula na ang sayawan ngunit hindi pa siya dumadating. Hindi ko na kasi nadaanan kanina dahil sa kakulitan ni Mommy at Daddy na baka raw mahuli na kami. Alam kong pupunta siya kasi nagbayad nga siya ng kaniyang contribution. Ako kasi ang magbibigay ng key of responsibility dahil Class President ako kaya nga hindi ako dapat ma-late. Tingin ako ng tingin kung dumating na ba siya. Tinawag ako para sa pagpasa ng Key of Responsibility ngunit wala pa siya. Sabi niya panonoorin niya ako at makikinig siya sa speech ko. Nasaan siya? Nang hinahayag ko na ang aking mensahe ay nakita ko na siyang dumating at umupo sa likod ng aking inuupuan. Pagkatapos ng speech ko ay bumalik na ako. Kunyari nagtatampo ako. Hindi ko siya pinapansin. Ngunit sa totoo lang, kinakabog ang dibdib ko. Sobrang gwapo niya sa suot niyang coat at black tie. Para siyang isang Adonis. Pwede siyang itapat sa mga batang actor. Oh God! Bibigay na ba talaga ako? Alam kong tinatalo na nang tuluyan ng puso ko ang isip ko. Mahal ko na ba talaga ang bestfriend ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD