CHAPTER 26 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Isang Linggong binisita ko siya ay hindi na siya mapilit na harapin ako. Hindi pa raw siya handa. Nahihiya raw siya sa lahat ng kanyang mga ginawa sa akin. Kaya't ipinabigay ko na lamang ang mga dinala ko para sa kaniya. Napaluha ako noong nakauwi ako. Paano kung tuluyan na naman kaming paglayuin ng tadhana. Paano kung magiging ganoon na siya ng tuluyan? Patuloy pa rin ang pagbabayad ko ng kaniyang rehabilitation fee at nagpasya akong dagdagan ang service sa kaniya sa pamamagitan ng pagbabayad ng isa mas magaling na Psychologist na makatulong sa kaniyang agarang paggaling. Nang sumunod na dalaw ko ay hindi pa rin niya ako gustong harapin ngunit may ipinaabot siyang sulat para raw sa akin. Mabigat ang mga paa kong nilisan ang