CHAPTER 27 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Pinapabilib mo ako sa mga sinasabi mo ngayon ah." "Iyon nga eh. Kailangan ngang mangyari iyon sa akin para tuluyan kong maintindihan ang tunay na kulay ng buhay. Gusto kong maranasan na lahat ng mga gusto kong marating ay dapat kong paghirapan. Lahat ng gusto kong makamit o mabili ay dapat kong pagpapaguran para alam ko ang kahalagahan nito kapag nasa akin na. Alam kong nakahanda kang tulungan ako, ibigay ang lahat ng hihilingin ko o padaliin ang takbo ng aking buhay ngunit sa ngayon, hayaan mong ako ang magpagod para sa aking buhay. Doon ko lamang din lalong mamahalin ang aking pagkasino." Hindi na ako nagsalita pa. Alam kong tama ang lahat ng kaniyang sinasabi. Hinatid ko na siya sa terminal ng bus pauwi sa probinsiya. T