CHAPTER 25 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Nakikiusap ako Vito, umalis ka na." Hindi siya nakinig. Mabilis niyang tinungo ang kuwarto. Hinabol ko siya para pigilan ngunit itinulak niya muli ako at napaupo ako sa sofa. Malakas siya. Sa tingin ko ay kung nag-drugs man siya ay alam niyang kontrolin iyon kaya wala sa hitsura niya ang gumagamit. Pinagamit niya ng pinagamit si Lance para hindi ito lalayo sa kaniya at tulad ng drugs, balik-balikan siya kahit pa nasasaktan at nahihirapan na ito. Nang buksan na niya ang pintuan ng kuwarto ay tumayo ako ngunit mabilis din siyang pumasok at nasukol nga niya doon si Lance na noon ay nakaupo at nanginginig. Noon ko nakita ang kakaibang takot niya kay Vito. Sa nakita kong reaksiyon ni Lance ay alam kong pinahirapan siya at ginami