CHAPTER 24 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Hindi ko pala kayang humarap sa iyo pagkatapos ng nangyari noon." Malikot pa rin ang kaniyang mga mata. "Tol, ano ba? Matagal na iyon. Siguro naman, napatawad mo na ako at napatawad na rin naman kita nang iniwan mo ako. Please, isipin mo na lang na walang nangyari. Kinalimutan ko na kung anuman ang sinasabi mong nangyari. Lumapit ka na din lang sa akin. Nahanap mo na rin lang kung saan ako nakatira, mabuting pumasok ka muna sa loob at nang makapag-usap tayo." “Okey lang ba?” “Bakit naman hindi?” “Wala bang magagalit? Hindi ba magagalit si Joan?” “Walang kami ni Joan. Bestfriend ko lang si Joan at may boyfriend na siya.” “Hindi pala talaga kayo ikinasal. Hindi pala totoo ang mga banta at sinabi niya noon sa akin kaya ki