CHAPTER 23 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Nagtapos ako bilang c*m Laude. Nakapaghanap ng trabaho. May pilat pa rin naman ang nakaraan. May silakbo pa rin ang damdamin. Hinahanap ko pa rin siya. Nangungulila pa rin ang puso ko sa katulad ni Lance. Handa na akong magmahal ngunit hindi pa rin ako nakakakita ng kagaya ni Lance. Lagi ko kasi siyang naikukumpara. May qualification ba lagi dapat kung sino ang mahalin at sino ang dapat iwasan? Buo na ang loob kong magmahal sa kapwa ko lalaki. Alam ko sa sarili ko na lalaki lang talaga ako liligaya. Hindi na kagaya nang kami pa ni Lance na nagdududa pa ako sa sexuality ko. Sana may magmamahal sa akin na di man kasinggwapo ni Lance ay basta magugustuhan ko physically at siyempre kasama na ng buong pagkatao. At hindi nga ako na