CHAPTER 12
BLOODY VENGEANCE
BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta)
Nagharap ang aming mga galit na galit na kargada. Handang magsabog ng kaligayahan. Hindi namin inilayo ang labi namin sa isa't isa. Ginagalugad ng aming mga kamay ang dibdib at tiyan hanggang sa pareho na naman naming nilalaro ang alaga ng isa't isa. Napapamura siya sa sarap ng paghagod ng kamay ko doon sa kaniya at ako naman ay umuungol sa hindi ko maipaliwanag na sarap.
"Mahal na mahal kita dude! Sobrang mahal na mahal kitaaaaaa!" bulong niya habang hinahalikan ako.
"Mahal din kitaaaaaaaaaaaa! Sheeeeeetttt! Hayan na tolllll! Ohhhhhhhhhh!" halinghing ko.
At sa patayong posisyon, parehong napatingkayad kami. Nanigas ang aming mga binti at hinahabol namin ang aming mga hininga. Muling sumambulat ang mas malapot na naming katas. Ang malas lang ay inabutan pa din nito ang aming damit. Muli kaming naghalikan habang hinihintay naming bumalik sa dati ang mabilis na kabog ng aming dibdib. Nagngitian kami nang tinataas muli namin ang aming pantalon. Pinunasan namin ng panyo ang t***d naming kumalat sa aming mga damit.
“Anong pag-uusapan natin na sinasabi mo tungkol sa future natin?” tanong niya.
“Sa Manila na kasi ako mag-aaral at kukuha ng Enginering course. Kung sa Tuguegarao ka mag-aaral, magkakalayo tayo niyan?”
“Kausapin ko sina Mama na sasama na lang ako sa’yo kung saang school ka mag-aaral doon na rin ako. Kung okey sa’yo iniisip ko baka pwede tayong maghati na lang ng babayaran sa isang room?”
“Seryoso ka?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
Mabilis ko siyang niyakap. “Yes! Hindi ko na iisiping mag-isa lang ako roon. Salamat.”
“Doon magkasama na tayo lagi sa bahay. Magagawa na natin lahat ang mga gusto nating gawin. Excited na nga ako eh!”
“Grabe. Ang saya naman! Hindi ko talaga ini-expect na pareho tayo ng iniisip at gusto. Okey na ‘yan. Usapan na natin ‘yan at wala nang atrasan.”
“Oo pero syempre kakausapin ko muna sina Mama at Papa tungkol dito.”
“Sana papayag sila.”
“Sana.”
Malapit na ang pasukan pero hindi ko pa rin nakuha ang kumpirmasyon kay Lance kung matutuloy siya o hindi. Kapag kasi pinag-uusapan namin ang tungkol sa napag-usapan na pag-aaral sa Manila ay binabago na niya ang usapan. Para bang hindi na yata niya ako masasamahan pa. Gabi bago ang alis ko ay nag-motor na ako papunta sa kanila, Kailangan ko nang makuha ang sagot niya kasi ni hindi ko alam kung nakapag-enrol na siya. Tatlong araw na lang bago ang pasukan at ihahatid na ako nina Mommy at Daddy sa tutuluyan kong apartment. Tinatanong ko sina Daddy at Mommy kung may kasama ba ako sa apartment, sinabi nilang meron daw pero gusto ko sana si Lance. Kaya lang paano ko naman sasabihin sa kanila na si Lance ang gusto kong makasama kung si Lance mismo hindi nagko-confirm pa.
Nang nasa harap na ako ng kanilang gate ay tinawagan ko siya para lumabas.
“Hello Sean.”
“Nasa labas ako ng gate ninyo. Pumunta ka rito, may pag-uusapan tayo.”
“Sige. Sandali lang. Bababa na ako.”
Ilang sandali lang ay nakita ko na siya. Naka-short at sando lang siya ng maluwang ngunit banaag pa rin ang kanyang kaguwapuhan.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Ano ba talaga ang plano mo?”
“Plano? Plano saan?”
“Hindi ba usapan natin noong graduation natin na sa Manila tayo mag-aaral? Sinabi mo pa nga na kung saan ako titira ay doon ka rin?”
Huminga siya nang malalim.
“Ano? Nagbago ang isip mo? Hindi pumayag sina Tita?”
Yumuko siya. Parang alam ko na.
“Aalis na ako bukas. Gusto nina Mommy at Daddy na maka-settle ako do’n bago magsimula ang klase. Gusto ko sana sabihin sa kanila na ikaw ang kasama ko sa apartment e. Pero hanggang ngayon hindi mo masabi sa akin kung ano ba talaga?”
“Sorry. Sabi kasi nina Mama at Papa sa Tuguegarao na lang ako mag-aral. Mas malapit sa kanila at para mas madalas ako makauwi.”
“Okey.” Sumakay na ako sa motor ko. “Sana nagsabi ka ng mas maaga nang hindi na ako umasa pa.”
“Galit ka?”
“Tingin mo, matutuwa ako sa ginawa mong pagpapaasa?”
“Hindi ko naman gusto ito.”
“Oo, hindi mo gusto pero yung ilihim pa sa akin at hindi mo sinasabi kung matutuloy tayo o hindi? Iyon ang sa tingin ko ay hindi tamang ginawa mo. Sige na bahala ka sa buhay mo!” Pinaandar ko ang motor ko at kahit pa may sinasabi siya ay hindi ko na lang pinakinggan pa. Sobrang sama lang ng loob ko sa kanya. Pagdating ko sa bahay, napakarami niya sa aking missed call at text. Hindi ko iyon binasa. Galit nag alit ako sa ginawa niya kaya block na rin siya sa aking social media pati ang number niya. Ayaw ko na siyang kausapin pa dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya.
Hindi tuloy ako makatulog kinagabihan. Sa madaling araw, aalis na kami. Ihahatid ako nina Mommy at Daddy sa apartment na titirhan ko sa Manila. Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi naman na ako pwede pang mag-back out dahil naka-enrol na ako. Nakapagdown na rin sina Mommy ng tuition ko at bayad na nila ng limang buwan ang apartment na titirhan ko. Magagalit lang sila kung magbabago pa ako ng isip at sa Tuguegarao na lang mag-aral. Nakatulog akong dala ang inis ko kay Lance na hindi man lang ako nagawang sundan at kausapin sa bahay.
Madaling araw pa lang umalis na kami. Walang Lance ang nagpakita. Naluluha ako sa lungkot at inis. Ito kasi yung pinakahihintay ko nang araw na sa wakas malaya na kaming magkasama ni Lance. Yung pwede na sana naming gawin ang mga gusto naming gawin. Kaya naman ako sobrang nasasaktan dahil alam kong lahat ng mga imagination ko ay hindi na magkatotoo. Nagkalayo kaming masama ang loob ko sa kanya.
Isang araw at isang gabi lang sina Mommy at Daddy sa Manila. Namili lang sila ng lahat ng kailangan ko. Lumabas kami para mamasyal at kumain ng kumain. Lahat ng mga kailangan kong matandaan mula pagpasok hanggang pag-uwi sa tinitirhan kong apartment ay ipnakita nila sa akin para hindi ako maligaw. Lalo akong nalungkot nang umuwi sila. Noon ko naramdaman yung lungkot ng pag-iisa. Ako lang mag-isa sa apartment. Bagot na bagot ako sa unang araw. Nanonood ako ng TV pero hindi ko naiintindihan. Gusto kong i-unblock si Lance para kausapin ngunit naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa akin. Kung kailan ko mapapatawad hindi ko alam.
Dahil sab ago at inis. Maaga akong natulog. Ilang gabi na akong puyat at isang araw na rin lang naman, pasukan na. Baka magkakaroon rin ako ng kaibigan lalo pa’t alam kong si Joan ay nag-enrol din sa paaralan na aking papasukan. Makikita ko siya, makakasama. Iyon na lang ang pampalubag-loob ko. Naka-text ko siya at sinabing nasa Manila na rin siya pero marami pa raw siyang mga gagawin kaya sa school na lang kami magkikita. Hindi ko maitago ang sobrang inis ko kay Lance kaya naikuwento ko sa kanya ang galit ko. Gusto ko lang mailabas lahat ng nasa dibdib ko.
Nagdesisyon akong matulog na lang para makapagpahinga. Pinagbigyan ko muna ang bumibigat na talukap ng aking mga mata at pagod na katawan. Bago ako tuluyang nakaidlip ay si Lance pa rin ang laman ng aking isipan kahit pa sinubukan kong ibaling sana sa iba. Ayaw ko na sana siyang isipin dahil sa inis ko sa kanya pero bakit mukha pa rin niya ang parang aking nakikita.
Pagkagising ko ay tahimik at madilim pa din ang paligid. Uminat-inat ako at bumangon. Ramdam ko na ang gutom. Gutom na gutom na talaga ako. Nang sumayad ang mga talampakan ko sa sahig ay naramdaman ko ang nakahandang tsinelas sa aking mga paa. Dahil madilim ay inapuhap ng paa kong isuot ang mga iyon at naramdaman ko ang parang papel na nakadikit doon sa swelas nito kaya yumuko ako at tinanggal iyon.
Dahan-dahan kong tinungo ang switch ngunit isang maliit na papel na naman ang naapuhap ko doon kaya tinanggal ko na muna bago ko tuluyang binuksan ang ilaw. Dalawang yellow sticky notes ang nasa kamay ko. May nakasulat doon. Binasa ko muna ang kanina ay nakalagay sa tsinelas na isinuot ko.
"Oooops dahil naapakan mo ako, wala kang kawala kundi sundan lang ang mga nakakalat sa sahig paglabas mo ng kuwarto." Nagtaka ako. Sinong tanga ang gagawa ng ganoon lalo pa’t mag-isa lang naman ako sa apartment. Pero yung penmanship kilala ko kung sino ang may-ari. May kung anong saya sa dibdib ko. Kinutuban na ako pero parang imposible. Kailangan ko munang masigurado na nandito siya. Na siya talaga ang nagsulat ng mga ito.
Binuklat ko ang isa pang papel at binasa ang nakasulat doon. "Dahil nahawakan mo ako, hands up ka. Hindi mo puwedeng gamitin ang mga kamay mo pagkalabas mo sa kuwartong ito."
Nahagip ng pang-amoy ko ang malakas ngunit sobrang bango. Inilapit ko ang papel na iyon sa aking ilong. Siniguro ko kung doon nga ba talaga nanggagaling ang mabangong naamoy ko. Napapikit ako. Sarap nga ng amoy. Hindi masakit sa ilong. At sa kanya lang din ang pabangong iyon. Sa tagal naming nagkakasama, alam na alam ko na ang amoy niya. Dumikit sa labi ko ang sticky note dahil sa sarap nitong samyuhin. Nasabik ako sa kanya. Sabik na sabik na ako sa kanya kahit ilang araw pa lang kaming hindi nagkikita.
Muli akong humikab at uminat habang nakatayo. Nang tunguhin ko ang pintuan at buksan iyon ay may nakadikit na naman sa seradura. Muli kong binasa. "Dahil nadikit sa labi mo ang mga hawak mong papel, wala kang karapatang tumanggi o kaya magreklamo."
Napakunot ako ng noo? Alam lang? Paano kung sasabihin kong di ko naapakan, nahawakan o kaya naamoy at naidampi sa labi ko ang papel? Sus! Kalokohan. Naisip ko.
"Huli ka!" nagulat ako sa narinig kong iyon.
Nilingon ko ang pinanggalingan no’n. Pumikit ako at dumilat-dilat. Kinurot ko pa nga ang aking sarili baka nananiginip lang ako. Pero totoo nga. Si Lance. Nandito si Lance at tama ako sa naging kutob ko kanina pa. Nakatingin sa akin at maluwang ang pagkakangiti. May unan na nakapagitan sa amin kanina kaya hindi ko siya napansin na katabi ko nap ala.
“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba?” naiinis kong tanong pero pinipigilan ko lang ipakita sa kanya na sumasabog ang puso ko sa sobrang tuwa.