BAHAY-BAHAYAN

1914 Words
CHAPTER 13 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Muli akong humikab at uminat habang nakatayo. Nang tunguhin ko ang pintuan at buksan iyon ay may nakadikit na naman sa seradura. Muli kong binasa. "Dahil nadikit sa labi mo ang mga hawak mong papel, wala kang karapatang tumanggi o kaya magreklamo." Napakunot ako ng noo? Alam lang? Paano kung sasabihin kong di ko naapakan, nahawakan o kaya naamoy at naidampi sa labi ko ang papel? Sus! Kalokohan. Naisip ko. "Huli ka!" nagulat ako sa narinig kong iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan no’n. Pumikit ako at dumilat-dilat. Kinurot ko pa nga ang aking sarili baka nananiginip lang ako. Pero totoo nga. Si Lance. Nandito si Lance at tama ako sa naging kutob ko kanina pa. Nakatingin sa akin at maluwang ang pagkakangiti. May unan na nakapagitan sa amin kanina kaya hindi ko siya napansin na katabi ko nap ala. “Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba?” naiinis kong tanong pero pinipigilan ko lang ipakita sa kanya na sumasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. “Akala mo hindi ako rito mag-aaral no? Akala mo wala akong isang salita?” “Paanong…” “Kinausap ko sina Tita at Tito na secret lang muna. Hinatid lang ako nina Mama at Papa kagabi dito. Tulog na tulog ka kaya hindi ka namin inistorbo. Sa sala na lang kami at kaninang madaling araw din sila umuwi. Grabe ka matulog no? Para kang mantika.” “Ibig sabihin, dito ka na talaga mag-aaral?” “Oo. Pinagti-tripan lang kita. Kung hindi lang din naman kita kasama sa Manila. Huwag na lang din ako mag-aral. Gusto ko kasama kita. Kung nasaan ka, dapat nandoon din ako. Nagulat ka ba?” “Nakakainis ka talaga. Kahit kailan yung mga pa-sorpresa mong ‘yan ang hindi ko maintindihan.” “Hindi k aba masaya?” “Masaya naman pero naiinis lang ako sa’yo.” "Ngayon at bagsak ka sa mga patibong ko, wala kang karapatang magreklamo kasi huling-huli kita." nakangisi siyang lumapit sa akin. Nakasuot siya ng puti at maluwang na pajama ngunit bumabakat ang bumubukol na iyon sa harapan niya at ang malulusog niyang mga hita. Binagayan niya iyon ng puti ding sando. Mas gumawapo siyang pagmasdan sa magulo niyang buhok. "Bakit may deal ba?" tanong ko. "Na-set up lang ako no. Walang usapang ganito." Pagdadahilan ko. “Mag-isa lang akong natulog tapos paggising ko may mga ganito nang nangyayari.” "Ke may usapan o wala, ako ang boss ngayon. Bakit kung mga pasabog ang mga nakakalat na 'yan at nasabugan ka, may oras ka pa ba para magreklamo? Sa ayaw mo at sa gusto, sundin mo ang nakasulat diyan. Huwag kang KJ!" inilapit niya ang mukha niya sa akin saka niya inilagay ang kaniyang hintuturo sa gitna ng aking labi tanda ng pag-uutos niya sa pananahimik ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang noo niya sa noo ko. Napapikit ako nang tuluyang magdampi ang aming mga noo. "Okey. Sabi mo eh. Sige na. Panalo ka na." kibit balikat kong sagot. “Pero pwede bang magtooth brush muna?” Umiling siya. Nakangiti. “Pumikita ka na kasi.” Huminga ako nang malalim. Ayaw ko lang kasing lumabas na KJ sa alam kong pinaghandaan at pinaghirapan niyang sorpresa. Nakapikit pa din ako. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod dahil amoy ko na naman ang mabango niyang hininga. Ngunit siya kaya? Natutuwa ba kaya siya sa aking morning breath? Inakbayan niya ako saka muling pinaharap sa pintuan. Dama ko ang mainit niyang braso na dumampi sa hubad kong katawan at ang pagbundol ng bumubukol na iyon sa manipis at maluwang niyang suot sa aking tagiliran. Napakislot ako. Nakita ko ang isang sando na nakasabit sa likod ng pintuan at nang kunin ko iyon para isuot ay tinapik niya ang kamay ko. "Ooops bawal na gamitin ang kamay." "Eh, alangan na nakaboxer short lang akong lumabas ng kuwarto? Hindi naman yata tama yun?" protesta ko. "Bawal magdahilan o magreklamo." Umasim ang mukha ko. Bago pa ako muling magsalita ay kinuha na niya ang sando na nakasabit. "O sige na, itaas mo ang kamay mo at isusuot ko ang sando sa'yo." Itinaas ko ang kamay ko at para lang akong batang dinamitan niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa pintuan. Sumunod ako. Halos yakap na niya ako ngunit wala naman akong karapatang magreklamo. Isa pa, gusto ko din naman yung pakiramdam na inaalalayan niya ako. Ginagawa niya akong parang isang batang nag-uumpisa palang maglakad. Pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa akin ang kanyang mga bagahe na hindi pa niya naayos sa loob ng aming kuwarto. “Saan ba tayo?” Nilingon ko siya. Nagtatanong ang aking mga mata. "Sundan mo 'yan.” Itinuro niya ang mga nakadikit sa sahig na sticky notes. “Di ba nakasulat iyan sa unang sticky note kanina?" paglilinaw niya. Ngumiti ako. "E di sundan." Ilang hakbang pa papunta sa kusina nang may balumbon ng puting rosas. Huminto ako at muli ko siyang nilingon. Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya dahan-dahang yumuko at pinulot ang bouquet ng rose. Nang matanggal niya ang tulips ay nakita ko ang pinatungan nitong papel na ang nakasulat ay... I LOVE YOU! YOU MUST KNOW HOW MUCH I DO. JUST LET ME PROVE IT EVERYDAY NOW THAT WE ARE FINALLY TOGETHER! May kung ano akong naramdaman sa aking puso. Isang kakaibang pakiramdam na pilit kong pinagtatalikuran kahit noon pa. Mahal na mahal ko na si Lance at natatakot ako na sa pagmamahal kong ito sa kanya, hindi ko na magawa ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Oo, maaring ganito ako ngayon pero balak ko pa rin namang magkaanak at magkaroon ng pamilya katulad ng ibang mga pinsan ko. Hindi ko gusto tumanda na ganito. Bakla na kung bakla pero ang pagkakaroon ng anak o asawa ang siyang bubuo sa akin bilang tao. Mahal ko si Lance ngunit hindi ko nakikita ang panghabang-buhay ko sa kanya at hindi ko alam kung paano koi yon sasabihin. Basta ang alam ko, gusto ko lang munang i-enjoy lang kung anong meron kami ngayon at bahala na kapag matured na ako na lumagay sa tahimik. Kaya lang paano ko kaya gagawin iyon ngayong mahal na mahal ko na siya? Bahala na. "Okey ka lang?” tanong niya nang nakita niyang natigilan ako. "Natatakot lang akong hindi ko kayaning tapatan ang pagmamahal mo sa akin." Mahina kong tugon. "I'm not asking you much. I am just hoping that you let me be part of your life. It doesn't matter if you don't love me now, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang hayaan mong maipadama ko sa'yo na mahal kita. Magpapasalamat na lang ako kung darating yung araw na mahal mo na din ako." "Ayaw ko nang saktan ka pa." Maikling sagot ko. Gusto kong sabihin ang plano kong magkaroon ng anak at asawa ngunit paano ko ba iyon sasabihin sa kanya na hindi siya masasaktan lalo pa’t ngayon lang kami magkasama sa bahay? Nag-uumpisa pa lang kaming bumuo ng mga pangarap na kaming dalawa lang. Tinignan ko lang ang bulumbon ng rosas sa kaniyang kamay na iniaabot niya sa akin. "Parang sinabi mo na ding ayaw mo nang mabuhay." Huminga siya ng malalim. "Wala kang kapangyarihang solohin lang ang ligaya sa mundo. Wala ka ding karapatang tanggihan ang mga darating na pagsubok at pananakit ng iba. Bahagi ng buhay ang magmahal at masaktan. Kung pipiliin mo akong saktan pagdating ng araw, ayos lang. Nagmahal ako e. Sumugal ako sa’yo. Hindi dahil okey tayo ngayon, hindi mo na muli pa akong sasaktan ngunit ang mahalaga ay ang sinubukan mo pa ring magmahal kahit alam kong masasaktan natin ang isa’t isa. Kung ang pagmamahal ang kauna-unahang pinanggagalingan ng pagkabigo at sakit, huwag mong kalimutan na dito din naman nag-uugat ang lahat ng pinakamasayang sandali ng iyong buhay. Oh heto, huwag kang matakot tanggapin ito. Roses lang ito. Hindi ibig sabihin na kapag tinanggap mo ito ay tinanggap mo din ang pagmamahal ko habang-buhay." seryoso niyang inilagay ang bulaklak sa aking mga kamay. “Hindi ba pwedeng pagkain na lang sana? Bakit bulaklak? Nagugutom ako eh.” Pang-iinis ko. Pero praktikal lang ako. Hindi naman bagay sa akin na binibigyan ng bulaklak. Nakakababae kasi. “Ayaw mo no’n? Minsan sa buhay mo, may nagbigay sa’yo ng bulaklak? Alam ko naman ang iniisip mo eh, nakakababae ang tumanggap ng bulaklak pero sana naman, ma-appreciate mo kahit yung effort ko.” “Okey. Salamat tol.” "Sige na, lakad na." binunggo niya ang balikat ko at naunang naglakad para buksan ang pintuan sa kusina. Nang natapat ako sa kaniya ay binunggo ko din siya sabay kindat. Nang tuluyan akong makalabas ay nakita ko ang magarang pagkakaayos ng maliit na terrace ng aming apartment. Sa gitna nito ay may isang mesa at may natakpan doong mga pagkain. May dalawang malaking kandila na nakapatong sa mesa na hindi pa nasisindihan. Pasikat na ang araw kaya lalong nagpadagdag iyon ng kagandahan sa paligid. Nakatayo ako doon na hindi ko alam ang aking gagawin. Nagtuloy-tuloy siya sa mesa at hinila ang isang upuan. "Upo na. Alam kong gutom ka kaya ipinaghanda kita ng breakfast. Sana magustuhan mo." Napakamot siya. Parang naasiwa na matikman ko ang hinanda niyang pagkain. Umupo ako. "Talaga lang ha. Hindi kaya ako malalason nito?" kantiyaw ko. "Well, tignan natin. Hindi man ako mahusay na cook pero ang sigurado ay mahusay akong magmahal." Pumuwesto na din siya ng upo sa harap ko. Natatalo na ng liwanag ang kanina ay madilim na paligid. Mamula-mulang sabog ng sumisilip nang araw. Bahagya siyang tumayo at sinindihan ang dalawang kandila. Muli kaming nagkatinginan at kumindat sa akin. Huminga siya ng malalim habang binubuksan niya ang pagkain sa harap ko. "Sana hindi ako mapahiya." Bulong niya habang binubuksan niya ang pagkain sa harap ko. Corned beef, hotdog, spam at egg ang nakahain. Napalunok ako. "Hindi kaya madaling maubos ang stocks natin kapag ganito lagi kadami ang lulutuin mong agahan?" nakangiti kong pagbibiro. Sa totoo lang mahusay ang food presentation niya. Masarap ang hitsura. Hindi sunog. Lalo kong naramdaman ang gutom dahil kahapon bago ako natulog, pancit canton lang ang kinain ko. "Sa stocks ko kinuha ‘yan ano? Hindi ko pinakialaman ang stocks mo kaya tumigol ka!" May sigla na ang kaniyang pagkakangiti. Nabawasan ang kanina ay nababanaag kong nerbiyos sa kaniyang mukha nang hindi ko matanggap ang bulaklak na binibigay niya sa akin. Binuhat niya ang upuan niya at tinabihan niya ako. Dinala niya ang plato niya sa tabi ko. Nang pulutin ko ang kutsara sa tabi ng plato ko ay muli niyang tinapik ang kamay ko. "Di ba sabi ko bawal gamitin ang kamay. Let me do the honor." Wala akong magawa kundi hinayaan siya. Huminga ako ng malalim. Habang pinagmamasdan ko siyang hinahati ang hotdog ay naisip kong walang kahirap-hirap mahalin si Lance kaya ako hulug na hulog sa kanya ngayon eh. Nasa kaniya naman na talaga ang lahat. Tumingin siya sa akin. Ngumiti. Sinuklian ko ang ngiting iyon. Mula noon ay lalo kong ramdam ang tindi ng kakaiba niyang pagtatangi sa akin. Tumusok siya ng isa sa pirasong hotdog at isinubo sa akin. Nakatingin siya sa akin nang maisubo ko na ang niluto niya. Naghihintay ng kahit anong expression sa aking mukha. Napangiwi ako. Hindi maipinta ang aking mukha. Ipinakita kong halos gusto kong iluwa ang hotdog sa aking bunganga. “Bakit hindi ba masarap? Panis baa ng hotdog?” natataranta na niyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD