RICO POINT OF VIEW Ang totoo, nag-aalala talaga ako sa kanya. Ano ang kapalit ng pagiging swerte niya sa mundo na 'to? Alam kong lahat ay may kapalit. "Kuya?" bati sa akin ni Therese. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. "Nandito pala kayo," kunyari kong gulat na bati. "Dito ka kuya maupo." Tinapik ni Therese ang katabi niyang pwesto na inupuan ko. "Anong meron? Bakit ang tahimik nila?" tanong ko. "Hindi ko rin alam," pabulong na sagot ni Therese. Nagkatinginan kami ni Gino. Siya pa rin si Axel, halatang-halata sa mga tingin niya. Ibig sabihin, nagkasundo na sila ng mama niya dito. "Ano ng sasabihin mo?" nakangiting tanong ng pekeng Anika. Tinapik niya si Ace sa hita at pilit na tinignan sa mukha. "'Wag na nating ituloy ang kasal," bigla niyang mahinang sagot. Napakunot ako ng nu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books