ANIKA POINT OF VIEW "ANIKA!" Nabuhayan ako nang tawagin ako ni Mama. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at pilit akong itinaas sa kanya. "Ano ka?" Tulala akong napatitig sa sinasakyan nilang nilalang. Malalaki ang mga mata nito, may dalawang pangil at may malalaking pakpak din. "Tutulungan na kita." Hatak din sa akin ng isang matanda na ikinatingin ko sa kanila. "Kilala kita," mahina kong saad habang nakasilay sa matandang nakasakay kasama ni Mama. "Anika! Umakyat ka!" Nahihirapang hila sa akin ni Mama kaya napabalik na ko sa ulirat. "Konti na lang," paos niya ng usal. "DAPA!" hiyaw ng isang babae kaya napakapit ako nang mabuti. Niyakap agad ako ni Mama at sinangga lahat ng mga bato na sumabog. "Nakita na kita," hindi makapaniwalang bulong ko nang maharap sa matandang babae na bulag