Lahat nang naroroon sa baba ng gusaling iyon ay napasigaw sa pagdating ng napakabilis at paharurot na sasakyan at lalong tila nag-slow motion ang lahat sa ginawang drifting ni Gail nang i-park ang sasakyan sa pagitan ng dalawang sasakyan.
Nang maayos na maipark dito, ang lahat ay namangha at tila nais na makita kung sino ang nagmamaneho.
"Doon ay mabilis na tinawag ni Gail sa matanda na naroroon na sila sa building nila at maya-maya lang ay mabilis na nakitang paparating ang mga body guard nito.
Doon ay binuksan na ni Gail ang pintuan at bumaba siya. Lahat nang naroroon ay napa-wow nang makita siya ng mga ito, ngunit nang makita ang mukha niya ay tila nadismaya ang ilan. Batid na niyang ganoon ang magiging reaksiyon ng mga ito dahil sa makapal niyang make-up pero wala siyang pakialam sa reaksiyon ng mga ito.
Nakababa na siya ngunit ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin bumababa si Liam kaya minabuting pagbuksan na ito gaya kanina. Pagbukas nang pintuhan ay nakitang nanginginig ang lalaki, tila gustong matawa pero pinigil niya lamang ang sarili.
"Okay ka lang, boss?" alalang wika rito.
Namumutla ito at hindi pa man nakakasagot nang agawin sila ng boses ni Don Julio.
"Good job, hiha, you're just in time. So, kumusta—" putol na wika ng matanda nang makita ang apo nitong tila tinakasan ng dugo sa sobrang putla, ngunit imbes na mag-alala ito ay tumawa pa nang malakas. Sabagay, sino ba naman ang hindi matatawa sa reaksiyon nito, kay kisig nitong tingnan tapos mamumutla lang sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
Doon ay biglang bumalik sa sarili si Liam at inis na bumaling sa kanya.
"Well, sorry, sumusunod lamang ako sa utos ng lolo mo," patay-malisyang wika.
Nakita niyang mabilis na ginala ng lalaki ang mga mata na tila may hinahanap saka tila nakahinga nang maluwag.
Napangiti si Gail sa nakitang ginawa ng lalaki, marahil ay sinigurado nito kung may nakakakilala ba sa kanya sa paligid saka ito bumaba.
Hindi nakaligtas sa matatalas na paningin ni Liam ang lihim na ngiti ng babae sa kanyang reaksiyon.
"May nakakatawa ba?" may inis na turan dito.
"Wala naman, nakita mo bang tumawa ako?" bulalas na tanong ni Gail dito.
Nakitang hindi na nakaimik ang lalaki nang taasan ito ng kilay.
Agad namang nagpaalam na si Gail sa matanda at muling bumalik sa sasakyan bago pa sila magkainitan ng apo nito. Ngunit bago siya nakapasok sa sasakyan ay binilin ng matanda na sunduin niya ang mga ito ng alas-singko ng hapon dahil may dinner sila ng ilang sa executives ng kompanya nila.
Inis na inis talaga si Liam sa kanyang drivee dahil alam na nitong may phobia siya sa mabilis na takbo ng sasakyan ay tila sinasadya pang makipagkarera sa highway. Halos mamanhid ang mga kamay sa sobrang kapit niya dahil tila ba muling mauulit ang aksidenteng kinasangkutan nila.
Nang ganap na makarating sa kanilang building ay hindi niya maiwasang panginginig ang katawan dahil sa pagkabigla at sa alaalang muling sumilay sa isipan tungkol sa nakaraan.
Nang makababa siya sa sasakyan ay dalangin niyang sana ay wala doon ang dalawang kaibigan dahil tiyak na aalaskahin siya ng mga ito at kakantiyawan lalo na kapag nakita ng mga ito ang kanyang driver.
Bigla ay sumungaw sa isipan ang mukha ng driver na bagong gising, hindi alam kung bakit sa alalahaning iyon ay napangiti siya. Doon kasi ay nakita niya ang tunay na mukha nito, iyong mukhang hindi natatakpan ng anumang kolerete sa mukha. Maganda ito ngunit tinatakpan lang ito nang makapal na make-up at mukha itong bakla.
"So, how did you find your new driver?" ani ng lolo niya nang nasa elevator na sila.
Napalingon siya dito at nakita ang dalawang magkabilaang body guard nito. Bigla tuloy siyang naalibadbaran dahil nasa mismong building naman nila sila ngunit may kasama pa talagang itong body guard, hindi lang isa kundi dala-dalawa pa.
Wala siyang balak sagutin ang lolo niya kaya nanahimik lang siya nang muli ay marinig itong magsalita.
"Did you find her sexy?" dagdag nito, na hindi alam kung nanunukat pa ang ito sa tanong niyang iyon.
Doon ay napatingin siya sa kanyang lolo.
"I'm too old, hijo," anito na tila nakukuha ang nais sabihin ng kanyang mga titig. "Natanong ko lang naman," dagdag pa nito saka ngumisi sa kanya. Nang bumukas ang elevator ay mabilis siyang lumabas.
Nanginginig pa rin hanggang sa sandaling iyon si Liam pero muli siyang dinamba ng takot at pag-aalinlangan dahil sa nakatakdang paglilipat sa kanya ng pamamahala ng kanilang negosyo.
Habang nasa loob conference room ang lahat ng kanilang executives ay tuluyan na nga siyang tinalaga ng lolo niya na hahalili rito habang wala ito sa bansa. Malugod naman siyang tinagap ang naroroon maging ang kanilang business associates.
"Congratulation, Liam, good that you decide to take over the company, your grandpa really needs a break," bati sa kaniya ni Mr. Jimenez ang isa sa board of directors nila.
"Thank you, Mr. Jimenez, I love to work with you," kumpiyansang turan. Mabuti na lamang kahit papaano ay nawala ang panginginig niya nang kamayan ito.
Marami pang bagay silang pinag-usapan ngunit wala nang pumasok sa isipan kundi ang babaeng kinaiinisan niya. Hindi kasi mawala sa isipan ang imahe nito kaninang umaga, na tila umaangkin sa buo niyang atensiyon. Sa isiping iyon ay tila nag-init ang pakiramdam at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.
Naramdaman niya ang pagsipa ng isang paa sa kanyang paa at nalingunan ang nanunudyong kaibigang si Chris. Apo rin ito ng isa sa share holder nila na isa sa kaibigan niya. Tatlo silang magkakaibigan dahil pare-pareho silang apo ng magkasosyo sa negosyo.
Maya-maya ay bumulong ito sa kanya. "May sili ka ba sa puwet, pare," natatawang wika. "Kanina ka pa 'di mapakali, mukhang tinablan ka sa chicks na naghatid sa'yo, ah. Balita ko ay baba-boom," pang-aalaska pa ni Chris.
Doon ay 'di na napigilang tanungin kung saan nito nalaman ang tungkol sa kanyang driver.
"Ha! Sino?" patay-malisyang wika.
"Deny pa more, pare, kalat na kalat sa buong opisina kanina. Iyon lang daw ay—" putol nito at 'di na tinapos ang sinasabi saka siya tinapunan ng isang nang-uuyam na tingin, alam na niya kung ano ang ibig sabihin noon.
Nang matapos ang meeting na iyon ay inanyayahan naman siya ng kanyang lolo sa opisina nito upang ibigay sa kanya ang ilang mahahalagang papeles at ibinilin sa kanya ang mga dapat niyang gawin habang wala ito sa Pilipinas.
Dahil may dinner sila sa isang five star hotel ay napilitan si Liam na isama ang dalawang kaibigan sa sasakyan niya dahil nagdahilan ang mga itong nasa talyer ang sasakyan nila o 'di kaya ay coding. But knowing his friends alam niyang gusto lang ng mga ito na makita ang kanyang bagong driver.
Ilang minuto pa silang nakatayo sa harap ng building nila nang magkasunod na humimpil ang dalawang magarang sasakyan sa kanilang harapan. Una ay ang sasakyan ng kanyang lolo at ang pangalawa ay ang kanyang sasakyan.
Mabilis siyang napatingin sa kanyang mga kaibigan dahil kitang nanlalaki ang mga mata kasabay ng isang nakakalokong ngiti sa mga labi.
Agad na pinagbuksan ng dalawang body guard ang kanyang lolo na mabilis namang pumasok na sa magara nitong sasakyan.
Sunod namang umagaw ng atensiyon nila ang pagbukas ng driver seat ng sasakyan niya at lumitaw mula roon ang isang paa suot ang isang 6-inches high heels.
Sabayang napa-wow ang dalawang kaibigan lalo na at nakita ang kabuuhan ng babaeng lumabas mula roon. Maging siya ay napasinghap ng makita ang maalindog na katawan ng babae. Nakasuot ito ng haltered miniskirt na talagang bumalot sa bilugang balakang nito at isang tube na damit pang itaas. Lalo siyang napalunok nang tuluyang makita ang mukha ng babae. Wala itong makapal na make-up at tanging manipis na lip gloss at nakalugay ang maalun-along buhok. Hindi mapagilang mapalunok si Liam namamalas na kagandahan ni Gail, para itong si Marimar sa ayos nito.
Halos napanganga sina Chris at Drew sa kanyang bagong driver, nang makitang lumapit si Chris dito at akmang higipuan nito sa puwetan si Gail nang mabilis na hawakan ng babae ang kamay nito at tinirintas patalikod, padarag na nginudngod ito sa sasakyan niya. Hindi nakakilos ang kaibigan sa ginawa ng babae, maging sila ni Drew ay hindi nakakilos sa kabiglaan.
"Wait," maktol ni Chris na namimilipit sa sakit ng ginawa ni Gail. "Saglit, wala akong gagawing masama, nais ko lang naman na ayusin ang skirt mo. Nalukot kasi at kita ko ang pink na panty mo," ani ng hawak niyang lalaki na nakadikit pa rin ang mukha sa sasakyan. Kikilos lang ito ng masama talaga ay tuluyan niya itong papalian ng kamay para hindi na makapanghipo pa.
Ngunit pagkarinig sa sinabi ng lalaki ay agad niya itong binitiwan at mabilis inayos ang skirt, bago pa pagpiyestahan ng iba ang kanyang bilugang puwetan
's**t!' mura sa isipan. Nasilipan tuloy siya ng wala sa oras. Buti na lang pala at bago iyong panty na suot dahil kapag nagkataon ay nakakahiya talaga, mas lalo siyang napangisi nang makita ang mukha ni Liam.