Natauhan si Liam nang makitang pinandidilatan siya ng mga mata ng kanyang seksing driver. Wala sa sariling napalunok na lamang, hindi niya inaasahang mahuhuli siya nitong nakatingin sa puwetan nito.
'Baka isipin pa ng babaeng ito na pinagnanasahan ko siya,' aniya sa sarili nang mabawi ang tingin mula rito. 'Hindi nga ba?' kutya ng kanyang kabilang isipan.
Isang malakas na busina ang narinig niya na siyang tuluyang gumising sa kanyang ulirat. Ang sasakyan niya iyon at nang tingnan ay siya na lang pala ang hinihintay ng mga ito para makaalis na. Mas nakalolokong ngisi ang nakapaskil sa mukha nang dalawa niyang kaibigan na prenteng nakaupo sa likurang upuan. Maagap siyang pinigilan ng kaibigan nang sasakay na siya.
"Bro, don't tell me makikipagsiksikan ka sa amin dito sa likod. If you don't see, oversize itong si Chris," natatawang turan ni Drew.
Doon ay wala siyang choice kundi ang tumabi sa kanyang driver sa harapan. Pagkaupo pa lamang niya sa passenger's seat ay nagsimula nang mangantiyaw ang dalawang kaibigang nasa likod.
"Bro, you haven't inform us na napakaganda at seksi pala nitong driver mo. 'Di man lang sana ay nakapaghanda kami," tawang wika ng mga ito.
"Stop it, bro!" 'di maitagong inis ni Liam sa mga ito saka nanahimik na lang para matigil ang mga ito.
Ngunit nang mapansin ng mga ito na wala siya sa mood ay si Gail naman ang binalingan ng mga ito.
"So, tell us. What's your beautiful name by the way," tanong ni Drew nang maalalang 'di pa pala alam ang pangalan ng maganda nilang driver.
Ngumiti si Gail saka nagpakilala sa dalawang guwapong lalaki. "I'm Abby Gail Gonzalgo but you can call me Gail. I'm 26 years old, my vital statistic is 36-24-36 and my motto in life—" putol na wika nang biglang sumabad ang nasa tabi.
"Oh my God. Gezzz!" malakas na bulalas ni Liam. They're just asking on your name," iritang sabad sa bagong driver na nais pa yatang sabihin lahat-lahat ang tungkol dito. "Who the hell, who wants to know your vital stat and your motto," dagdag pa nito.
Ngunit imbes na mainis si Gail ay napahagalpak siya ng tawa. "Chill, okay, what's wrong if sabihin ko ang vital statistic ko o motto ko. Ikaw ba nagtanong?" ngising wika rito.
Napamaang si Liam sa inasal ng katabi nang maramdaman ng dalawa na nasa likod ang tensiyong bumabalot sa kanila ay sumabad na si Chris.
"Dude, relax ka lang. Wala namang masama sa sinabi ni Gail," anito saka bumalik kay Gail. "So, mind to tell us ur motto in life," natatawang wika nito.
"Sure," tugon naman niya sa lalaki na nakangiti. "Time is gold!" mabilis na wika.
Pagkasabi ni Gail ay isang malutong na tawa ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan. Lahat sila ay natigilan at sabay napalingon sa kinaroroonan ni Liam. Doon ay natigilan din naman ito.
"What a usual motto," ani Liam sa kawalan upang maibsan ang tensiyong namamayani sa loob ng kanyang sasakyan.
"Hambog," anas naman ni Gail sa lalaking nasa tabi.
"What did you say?" gagad naman ni Liam.
Muli ay sumulyap siya dito at ngumisi. "Sa buhay, kung may isang bagay na pinakamahalaga iyon ay ang oras. Siguro sa 'yo hindi ito mahalaga dahil ang akala mo ang lahat ay may kapalit na halaga. Pero sa amin, ito ay napakahalaga dahil kapag nawala ang oras mo sa walang kuwentang bagay ay hinding-hindi mo na maibabalik pa. Lalo na kung kapalit ng oras na 'yon ang taong mahal mo sa buhay," malalim na wika.
Natigilan si Liam sa tinugon ng babae nang gambalain sila ng biglaang pagbundol ng kung anong bagay sa kanilang sasakyan.
"Oh, sh*t, ano iyon?" bulalas ni Chris.
Akala ni Gail na isang ordinaryong pagkabangga lang ang kinakasangkutan nila kaya sinenyasan niya ang driver nang sasakyang bumangga sa kanila na gumilid sila ngunit imbes na sumunod ito ay mas lalo pa silang ginitgit nito. Doon ay nabuhay ang adrenalin ni Gail lalo na at umaalingawngaw sa utak ang sinabi ng Don na may nagtatangka sa buhay nilang maglolo.
"Kapit!" malakas na turan sa mga ito saka mabilis ang ginawang pag-ilag ni Gail sa papasugod na sasakyan. Doon ay napakapit nang husto si Liam kahit siniguradong nakakabit ang seat nito.
"Oh! Holy sh*t! This is awesome," hiyaw nang dalawang kaibigan na tila natutuwa pang nakikipagkarera sila sa highway.
"Hold on!" malakas na bigkas ni Gail kasabay nang pag-overtake nito sa dalawang ten wheeler truck.
Nanlaki ang mga mata ng tatlong kasama nang makita tila maiipit na sila sa pagitan ng dalawang dambuhalang truck.
"Ahhh!" halos sabayang sigaw ng tatlo.
"Ano'ng ginagawa mo?" bulalas ni Liam sa kanyang driver habang kapit na kapit.
"Holy cow!" maang ni Chris.
Halos lahat ay napapikit sa nerbiyos maging ang dalawang lalaking tuwang-tuwa kanina ay tila napanawan ng dugo sa katawan sa pakikipagkarerahan nila sa daan. Mabilis ang ginawang pagtapak ng brake ni Gail dahilan para 'di sila tuluyang mapisat ng dalawang naglalakihang truck. Kasabay noon ang nakakabulahaw na pagkalampag nang mabibigat na bagay sa kanilang unahan.
Doon ay nasumpungan nilang nagkarambulan ang dalawang malaking sasakyan kasama ang tatlo pang sasakyan. Agad na ginala ni Gail ang tingin kung naroroon pa ang sasakyang kanina pang bumubuntot sa kanila. Mabuti na lang at wala na ito, ilang minuto pa ay nagdatingan ang ambulansiya at ilang pulis sa parteng iyon ng highway.
Mabilis silang tumigil lalo na nang magdatingan ang mga pulisya na mag-iimbestiga sa nangyaring gitgitan at habulan sa daan.
Agad niyang tinawagan ang Don para ipagbigay alam ang nangyari sa kanila. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang mga ito, kasama ang mga body gurad nito. Naging mailap ang mga mata nito kasabay nang pagsenyas sa kanyang sumunod rito.
Agad namang tumalima si Gail sa matanda at sumunod rito. "Tanda mo ba ang sasakyang dumali sa inyo?" tanong ng Don habang naglalakad sila papalayo sa mga pulisyang nag-iimbestiga.
"Black Toyota van, hindi ko na natingnan ang plaka nito dahil na rin sa kagustuhan kong makaiwas kanina," tugon ni Gail dito.
"Salamat," wika nito saka humarap sa kanya. "Sa 'yo ay kampante akong ligtas ang apo ko sa anumang kapahamakan," dagdag pa ng Don.
"Wala pong anuman, trabaho ko pong ipagtanggol ang apo niya," tugon naman niya sa matanda. "Bayad niyo po ako," dagdag na turan sabay ngiti rito nang maalala kung gaano nawalan ng kulay ang mukha ng apo nito kanina.
Matagal bago nakabawi si Liam sa nangyari, tila kasi nabuhay muli ang takot sa mga sasakyan dahil sa trahedyang kinasangkutan nila ng kanyang pamilya, limang taon na ang nakakaraan. Ganoon na ganoon kasi noon ang nangyari sa kanila, may isang sasakyang gumitgit sa kanila hanggang sa hindi na niya makontrol pa ang sitwasyon hanggang sa mahulog ang sasakyan nila sa ilang bangin. Maswerte lamang sila ngayon dahil magaling si Gail na siyang driver nila.
Nang maalala ang babae ay agad niya itong hinanap at nakita niya itong nasa may kalayuan at kausap ang lolo niya. Base sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito ay tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Hanggang sa makitang sumungaw ang ngiti sa labi ni Gail na tila may nakakatuwang sinabi sa kanyang lolo.
Maya-maya ay dumating ang kanyang girlfriend na si Lindsey na alalang-alala sa nangyari sa kanya.
"Honey, what's happen, are you okay? Nag-alala ako sobra noong tawagan ako ni daddy na binunggo daw ang sinasakyan niyo?" sunod-sunod na saad ng kasintahang si Lindsey.
Napakunot-noo siya sa sinabi nang kasintahan, saka naalala ang lolo niya, maaaring ito na ang nagbalita sa kaibigan nito ang nangyari sa kanila.
"I'm okay now, honey, nothing to worry," aniya matapos siya nitong yapusin.
"Lindsey, nandito ang lolo ko baka makita tayo," aniya sabay baklas sa nakapulupot na kamay ng kasintahan.
"Who cares, kung nandito ang lolo mo. Nag-alala ako sa boyfriend ko," anito na tila walang pakialam sa mga tao sa paligid.
Mabilis na lumingon si Liam sa direksiyon ng kinaroroonan ng kanyang lolo at ganoon na lamang ang pagkatigagal niya nang makitang nakatitig pala si Gail sa kanila ni Lindsey.
Hindi niya alam kung bakit naging mas pursigido siyang makalayo sa kasintahan sa sandaling iyon. Hindi lang niya inaasahan na kikindatan pa siya ng kanyang driver, hindi tuloy niya alam kung papaano magre-react sa ginawa nitong pagkindat sa kanya.
"What? Don't tell me, natatakot ka sa lolo mo?" palatak ni Lindsey sa kanya.
"Stop it, Lindsey, hindi ito panahon upang maglambingan, okay?" bulalas na lamang dito na kinatigil nito.