Chapter 7:

1245 Words
SAMANTALA, nainis talaga si Gail nang makitang nakapulupot ang isang sekseng babae kay Liam. Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng inggit sa babaeng iyon at inasam na sana ay siya na lamang ang yakap nito. Hindi niya alam na nakatingin na rin pala ang matandang kasama sa direksiyong tinitingnan. "Bakit nalaman ng babaeng 'yan ang nangyari sa apo ko?" anito na kababakasan ang pagkadisgusto sa tinig nito. Nang wala itong marinig buhat sa kanya ay muli itong nagsalita. "She's Lindsey Miranda, my grandson's girlfriend and my bestfriend grand daughter. Isa ang lolo niya sa tatlong kaibigan kong may interest sa kompanya ko. To be honest with you, hindi ko siya gusto para sa apo ko," tahasang wika nito na nagpangiti sa kanya. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tinig na bumasag sa kanyang gunita. "Huh!" gulat na saad. "Nakangiti ka kasi, hija, mukhang alam ko na," wika nito na tila ba nabasa ang nasa isip niya. "Naku, may naalala lang po ako, kayo po talaga," pag-iiba niya baka kasi isipin nitong nagkakagusto siya sa apo nito. Matapos ang kaguluhang kinasangkutan ni Gail dahil sa tangkang pagbunggo sa kanila ay pinili niya munang bisitahin ang ina sa ospital. Kahit naman laging naroroon ang kaibigang si Dinky ay mas mabuti pa ring makita ng personal ang ina. Masayang-masaya siya dahil ang bilis na nakarekober ang ina at ngayon ay nakikita na niyang nakakabawi na ang katawan nito. "O, anak, nariyan ka pala?" anito nang magising. Ngumiti siya sa ina. "Kumusta ang pakiramdam mo, 'nay?" "Mabuti naman, anak. Salamat sa 'yo, pero hindi mo naman kailangang gawin iyon para lamang kumita ng pera," anito. "Okay lang naman, 'nay basta gumaling ka lang kahit ano ay gagawin ko," tugon ni Gail sa ina. "Pero anak hindi kita pinalaki na—" putol na wika ng ina nang agawin ng malakas na pagtikhim ng kaibigang si Dinky. "Ahemmm! Ahemmm! Tita naman sineryoso ang mga sinabi ko, pinapatawa lang po kita kaya ko nasabi 'yon," singit nito na tila guilty. "Ano na naman pinagsasabi mo kay nanay?" gagad sa kaibigan na noon ay natatahimik. "Wala naman, bakla, nagtanong kasi itong si tita kung saan ka kumuha ng pera pambayad sa ospital kaya sinabi ko lang naman na sumama ka sa isang matyunda," anito na nakanguso pa. "Ano?!" malakas na wika niya. "Ay, babasagin mo ba eardrum ko, bakla. True naman pero 'di ko lang na-explain na driver ka lang naman ng apo ng matyunda," ngising dagdag pa nito. "Driver?" mahinang ulit ng ina. "Opo 'nay, driver ng apo ng matandang sinabi nitong si Dinky," pasaring sa kaibigan. "Mabuti naman," anito na tila napanatag. Muli ay pinandilatan ang kaibigan saka binilinan ang personal nurse ng ina, saka hinila si Dinky, kahit minsan ay nanlalaglag ito. Mabait naman kaya bilang kabayaran ay iti-treat niya ito sa isang sikat na kainan. "Grabe, iba na talaga ang nakabingwit ng mayaman," manghang wika nito ng makarating sila sa isang restaurant. "Gaga ka talaga baka gusto mong bawiin ko ang libre ko," banta rito. "Ikaw talaga, 'di ka na mabiro," mabilis na bawi nito saka sila sabay na nagtawanan. Habang abalang tumitingin sa menu ang kaibigan ay naagaw ang pansin niya sa isang pares na nasa hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. "O-M-G!" tinig ng katabi na ngayon ay nakatingin din pala sa kanyang tinitingnan. "'Di ba 'yon iyong apo ni don. . . don. . ." apuhap sa pangalan ng don. "Dondon, iyon na 'yon," anito para patawanin siya. "Gaga ka talaga, Don Julio. Yeah, siya nga 'yan at jowa niya iyang kasama niya si Lindsey," palatak dito. "Hanep, 'te, halata ka masyado. Selos lang ang peg," anito. "Shhh! A-Ang lakas ng bunganga mo, remember wala tayo sa palengke," paalala niya rito. Ayaw niyang mapahiya sila dahil sa lakas ng bibig nito at mas lalong ayaw niyang mapansin sila ng lalaki. "Oy, grabe, bakla. 'Di ko naman alam na ahas pala ang jowa ng amo mo. Grabe kung makalingkis, tila may aagaw kay fafa. . . " muli ay apuhap nito sa pangalan ng lalaki, medyo 'di kasi matandain ang kaibigan sa mga pangalan. "Ay, keri!" muli ay tili nito. "Bakla, tignan mo ang sweet-sweet nila," anito sabay nguso pabalik sa pares na kanina ay tinitingnan nila. Doon medyo natagalan siya sa pagtitig sa mga ito na siyang napansin ng kaibigan at pagbalik ng tingin niya sa kaibigan ay nakita niya ang nakaabang na kutsara ng pagkain na sinusubo nito sa kanya. "Susubuan na kita bakla kasi mukhang naiingit ka sa dalawa. Grabe, malapit ko nang maubos lahat ng in-order mo ay 'di pa rin mapagkit ang pagkakatitig mo sa dalawa. Naku, bakz, mahirap 'yan," paalala ng kaibigan. "Alam ko," baliwalang tugon sabay subo sa sinusubo nitong pagkain. Iyon ang tagpong nalingunan ni Liam. Kanina pa niya sinisino kung ang driver ba niya ang nasa 'di kalayuang mesa. Napakunot-noo siya nang makitang tila sweet ang dalawang babaeng magkasama at nagsubuan pa talaga. 'Tomboy pa yata,' anas niya sa sarili. "What did you say honey," ani ng kasintahan. Hindi niya alam na naisatinig pala niya iyon. "Nothing, honey," aniya saka ngumiti sa kasintahan. Maya-maya ay nagyaya ito na lumipat sila sa bar na lagi nilang pinupuntahan ngunit tumanggi siya dahil pagod na pagod siya gawa ng insidenting kinasangkutan kani-kanina lamang. Matapos silang magpakabusog na magkaibigan ay napagpasyahan ni Gail na dumalaw ito sa dati niyang lugar at para ihatid na rin ang kaibigang si Dinky. Nasa kanto pa lang sila ay hinarang na sila ng mga dati nilang tropa na nag-iinuman. "Buti naman at napadalaw ka Gail sa amin, aba'y akala namin ay kakalimutan mo na kami," wika ni Aling Carmen na noon ay medyo may amats na. Tinagayan siya ng mga ito kaya hindi na siya nakatangi. Nakailang shots na siya kaya medyo tinatamaan na rin siya. Miss na miss niya ang lugar nila dahil talagang kahit magulo ay masiyahin ang mga tao. "Alam ninyo, ang laki . . . laki. . ." sinok na wika sa kainuman. "Laki ng bahay ng don, mga trentang bahay dito pagsamasamahin mo sa lawak," mayabang na wika dahil sa tama ng alak. "Naku' bakz, mukhang lashing ka na," tawang wika ni Dinky na may amats na rin. "Baka 'di ka na makauwi," dagdag pa nito. "Ako, 'di makauwi? Naku! Naku! Naku! Kahit nakapikit ako ay kaya kong magmaneho," aniya saka palakad na papunta sa nakaparadang sasakyan. Buti na lamang at wala gaano sasakyan ng oras na 'yon at mabilis siyang nakauwi. Kahit hilong-hilo ay nagawa pa rin namang buksan ang bahay ng 'di nakakagawa ng ingay. Pasuray-suray man ay nakapanhik pa rin naman siya sa itaas ng bahay kung saan naroroon ang kanyang silid. Nang matapat siya sa tapat na pintuan ay bigla siyang nalito kung saang pintuan ang kuwarto niya. "Mini, mini. . . hek. . . mini. . . hek!" panghuhula niya sa kung saan pintuan siya. Nang ganap na matapos ay pinagpasyahan niyang pihitin ang huling pintuan na tinuro. Nang bumukas ito ay napa-yes pa siya dahil tama ang pinasukan niya. Dahil sa antok na antok na siya at sa kalasingan ay tinanggal na lamang ang suot na bra ay sumampa na sa kama, pagsayad pa lang ng kama ay tulog na siya. Himbing na himbing si Liam sa pagtulog nang gambalain siya ng malakas na paghilik. Akala niya ay nananaginip lamang siya ngunit tila nananadya pa ito at palakas nang palakas. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang babaeng nasa kama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD