NAINIS siya nang tila tulog na tulog na ang babae, gigisingin sana niya ito upang palipatin sa kuwarto nito kaya lang natigilan siya dahil sa amoy alak ito. Alam niyang kahit anong gising ang gawin niya rito ay hindi ito magigising dahil sa kalasingan. Napaupo na lamang siya sa gilid nang kama, hindi alam kung mananatili ba siya sa silid niya o lilipat sa dapat ay kuwarto nito. "Mas lalong hindi ako makakatulog roon," aniya sa sarili. Silid kasi iyon ng kaniyang namayapang magulang kaya ayaw niyang maglagi roon. Bukod sa malulungkot lamang siya ay maaalala niya ang lahat ng alaala ng silid na iyon mula pa noong bata pa siya. Muli ay nag-isip, hindi rin naman siya pwede sa guest room kasi naroroon si Manang Lourdes. Maya-maya ay lumapit siya sa kinaroroonan ng babae at akmang gigisingin n