Chapter 3:

1272 Words
CHAPTER 3: Sa isiping iyon ay walang pag-alinlangang tinawagan ang numerong nakalagay roon. Matapos ng tatlong beses pagtatangkang tawagan ang numero sa wakas ay may sumagot na rin sa kabilang linya. "Hello. Who is this please," baritonong boses ng lalaki ang naulinigan niya. Napakunot-noo siya at sinino kung ang Don ba ang kausap. "Hello," ulit ng nasa kabilang dulo. "Hi. Hello," nahihiyang wika. "Can I speak to Don Julio Herbosa," pilipit niyang tugon sa kausap. Paano ba naman kasi ay mukha itong sosyal at English pa. Nanginginig pa siya dahil ngayon lang siya napa-english. Maya-maya ay naulinigan niya na tinawag ng lalaki ang kanyang hinahanap. 'Lo may naghahanap sa inyo,' dinig niya. Doon ay muling naglaro sa isipan ang mukha ng lalaking kanina ay pinakilala ng matanda sa kanya. Ang apo nitong kanyang ipagmamaneho. "Excuse me, may I know who's on the line, please," muli ay tinig ng baritonong boses. "Ah—hmmmm. I'm Abby Gail Gonzalgo," pakilala rito. Muli ay muling naulinigang sinabi nito sa matanda. Ilang saglit pa ay ang matanda na ang kanyang kausap. "Good to hear you, Iha. So, tinatanggap mo na ba?" excited na boses ng Don ang bumungad sa kanya. "Opo," ikling tugon saka sinabing kailangan niya na ang isang daang libong piso bilang paunang bayad. Hindi na rin siya nagsinungaling pa at sinabi sa Don ang kinakaharap na kalagayan. Bago natapos ang usapan nila ay sinabi nitong hintayin niya ito roon. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghintay rito. Matapos ng trenta minutong paghihintay ay dumating ang dalawang magarang sasakyan. Agad na umibis ang dalawang bodyguard ng Don na nasa backseat. At mabalis na sinakay sa isa pang sasakyan ang kanyang mga gamit. Maya-maya pa ay bumaba rin ang Don at nakipagkamay sa kanya. "Masaya ako at napagdesisyonan mong tanggapin ang alok ko. Huwag kang mag-alala dahil tutupad ako sa usapan," magiliw nitong wika. Nang maipasok nila lahat sa isang sasakyan ang lahat ng gamit niya ay bumaba ang lalaking nasa driver seat. "Heto nga pala ang sasakyan ng aking apo," anito. "Mula sa araw na ito, ikaw na ang gagamit nito," dugtong pa. Namangha siya sa gara ng sasakyang kanyang imamaneho. Isang bagong itim na Porsche. "Sa bahay ka na muna ng anak kong si Rumolo," anito tukoy ang namayapang anak na ama naman ng apong si Liam. "Mas mabuting doon ka muna dahil wala namang nakatira doon," anang pa nito. Hindi na siya tumanggi pa sa alok ng matanda. "Huwag kang mag-alala dahil pinalipat ko na ang Nanay mo sa isang pribadong kuwarto at sisimulan na nila ang dialysis nito. I'm doing well my part, Iha. Sana ganoon ka rin," wika pa nito sabay tapik sa balikat niya. Matapos ibigay sa kanya ng isa nitong bodyguard ang isang may kakapalang envelop. Agad na sinilip iyon. Tumambad sa kanya ang isang bigkis ng pera. "Paunang bayad," ngiting wika ng Don. Mas lalong nalula si Gail sa kung gaano kayaman ang Don dahil sa isang minuto ay kayang paganahin lahat ng bagay. Maya-maya pa ay isang mas malaking envelop din ang inabot sa kanya. "Mga bagay na dapat mong pag-aralan," sambit ng matanda na sumagot sa lahat ng katanungan sa kanyang isipan. Muli ay nakipagkamay sa kanya ang Don, tanda ng kanilang maayos na usapan. "I will call you tomorrow," anito saka maluwang na ngumiti sa kanya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising sa aroma ng mabagong sinangag. Agad siyang napabalikwas nang bangon. Nabigla pa siya ng bumungad sa kanya ang malinis at maputing kesame. Agad na pinagala ang paningin sa kabuuan ng paligid at napagtantong nasa isang napakagandang silid siya. Napangiti siya sa sarili nang maalala ang lahat ng mga nangyari kahapon. Napakabilis, parang kidlat ang lahat at ngayon ay nakahiga siya sa isang malambot na kama. Ayon kasi sa Don ay kumuha na nito ng private nurse na titingin sa kanyang ina habang ginagawa ang kanyang misyon. Ayon sa pinag-aralang mga impormasyon. Hindi daw aksidente ang pagkamatay ng mag-asawang Romulo at Guadalupe kundi talagang sinadya at may balak pumatay sa mga ito at maging silang maglolo. Malaki daw ang hinala nito na isa sa tatlo nilang kasosyo sa negosyo. Herbosa pharmaceutical Inc. ay sole owner ng mga Herbosa ngunit nang nagkasakit ang asawa ng Don ay tila nahirapan ang negosyo nila dahil ang asawa nito ang talagang humahawak dito dahil sa isa itong tanyang na doktor. Nang hindi pa alam ng Don kung papaano patatakbuhin ang negosyo ay napilitan siyang humingi ng tulong sa tatlo niyang kaibigan na siyang naging paraan para makapasok ang mga ito sa kanilang negosyo. Nasa Herbosa pa rin naman ang majority ng kompaniya. Hindi pa rin nila matukoy kung sino sa mga ito ang may malaking interest para itumba silang maglolo. Ayon pa rito ay hindi pa aware ang apo nito sa kanilang kalagayan. Nasa ganoong pag-iisip siya nang makarinig ng katok sa pinto. "Ineng, gising ka na ba?" tinig ng isang matandang babae. Agad siyang tumayo at pinagbuksan ito. "Opo, saglit lang po at mag-iimis lang ako," nahihiyang wika rito saka bumalik sa kama niya at inayos ang kanyang hinigahan. "Naku Ineng ako na ang gagawa niyan mamaya. Maghilamos ka na at handa na ang almusal," anito. Napangiti siya sa isiping tila buhay prinsesa siya na may taga-silbi sa kanya. Kahit ganoon ang sinabi ng matanda ay inayos pa rin niya ang kama saka mabilis na pumasok sa banyo. Maging sa banyo ay namangha siya sa napakalinis nitong tiles at may malaking bathtub doon. "Wow!" hindi mapigilang bulalas. Agad naman siyang nakabawi at mabilis na naghilamos at nagsipilyo saka patakbong tinungo kung nasaan ang kusina. Doon niya rin napansin ang bahay. Malaki ito sa inaasahan niya. Hindi niya kasi nausisa ito nang dumating siya doon dahil gabi at abala siya sa pagliligpit ng mga gamit nilang mag-ina. Sa lawak ng bahay ay tila naliligaw pa siya, buti na lang at nakita niya ang matandang kumatok sa kanya kanina. "Oh, Iha, nariyan ka pala? Halika na dito at nakahanda na ang ating almusal," anito. Mabilis na sinundan ni Gail ang matanda papasok sa isang pintuhan ng tumambad sa kanya ang isang lalaking nahigop ng kape. "Ha?!" biglang sigaw niya. Doon ay nagulantang ang lalaking kanina ay sarap na sarap sa paghigop ng lalaki. "What the heck?!" anito dahil tila napaso ito sa hinihigop na kape. Sa pagkagulat ay talagang literal siyang nakanganga habang tulala. Hindi niya talaga inaasahang naroroon ang lalaki. Ang sabi kasi ng Don ay walang nakatira sa bahay na iyon mula nang mamatay ang mag-asawa. "Hindi ko pala nasabi sa'yo, Ineng. Dumating kagabi itong si Sir Liam dahil utos ng lolo nito. Dahil nandito nga raw ang kanyang bagong driver," paliwanag ng matanda. Sa sinabi ay tumango-tango na lamang siya. Nagulantang si Liam nang biglang may napasigaw. Halos malapnos ang dila dahil sa kapeng hinihigop nang mapasulyap sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. Doon nasumpungan ang isang babaeng tila kagigising lamang dahil gulo-gulo pa ang buhok nito. Ang suot nitong butas-butas na sando at higit sa lahat. Halos sunod-sunod na lunok ang kanyang ginawa nang tuluyang maaninag ang kabuuan ng babae. Wala itong bra. Mas lalo pang nag-init ang umaga nito nang taluntunin ng mga mata niya ang ibabang bahagi ng katawan ng babaeng tila naestatwa sa pagkakatingin sa kanya. Napakaiksi ang shorts nito na tila ba panty. Sa nakitang pagtitig ng lalaki sa kanya ay agad siyang na-conscious lalo na nang mapagtanto ang kanyang hitsura. Gulo-gulo ang kanyang buhok, ang kanyang butasing sando at higit sa lahat wala siyang bra. Agad niyang nayakap ang sarili at agad na tumalikod sa lalaki. 'Naglaway ang loko,' pilyang anas ng kanyang isipan nang makita ang reaksyon ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD