Napangiti si Gail nang makita ang guwapong lalaking tinuro ng matanda na apo niya raw pero napatiim ang tingin niya rito nang tuluyang humarap ang lalaki.
Matiim din ang ginawang pagtitig nito sa kanya lalo pa nang tinaas baba siya nitong tignan.
"Apo, halika dito at maipakilala kita rito kay Gail," malakas na tawag ng Don sa kanyang apo.
Nang makalapit siya sa mga ito ay muling nagsalita ang kanyang lolo. "Gail meet my grandson, Wil Liam. Apo meet, Gail. 'Di ba ang ganda niya apo," habol pang wika nito.
Okay na sana pero humirit pa ang lolo niya. "Saan ang maganda diyan, 'Lo?" bulong niya sa sarili niya.
Bulong na hindi nakawala sa malakas na pandinig ni Gail. "Guwapo na sana kaya lang ang sama ng ugali. Ang yabang!" bulong ngunit malakas na wika para dinig na dinig ng lalaking pinapasaringgan.
Nang makitang nagngalit ito nang bagang ay bumilat siya rito. 'Beh buti nga sa'yo,' aniya sa isip sabay bilat dito.
Kahit inis na inis siya sa ginawa ng babae sa kanya ay lihim siyang napatawa. She find her cute sa ginawa nitong pambibilat sa kanya.
Sa totoo lang habang tinitignan niya ito ay may hitsura naman. Makapal lang kasi ang make-up nito na tila ba pilit tinatago roon ang tunay nitong ganda.
"Oh, Apo! Ano namang nginingiti mo riyan," biglang wika ng lolo niya na nasa harapan pa pala niya.
Talagang nabigla siya sa biglaang pagsasalita ng lolo niya. Ang buong akala kasi niya ay kasamang umalis ito ng babaeng kinaiinisan. "'Lo naman, papatayin mo ako sa nerbiyos niyan, eh," bulalas dito na siyang nagpatawa naman sa matanda.
"Naku, Apo, huwag ka munang mamamatay. Wala pa akong apo eh, uunahan mo pa ako. Kailangan mo munang magkaroon ng tagapagmana. Aba'y mawawalang saysay ang pinaghirapan ko kung walang magmamana nito. At ayaw kong mapunta lang sa mga walang kuwentang tao," naging seryosong wika nito lalo na ang pagsasabi sa mga huling salitang binanggit nito.
Napangiti na lang siya rito dahil wala siyang balak patulan ang kaseryosohan ng lolo niya.
Doon ay muli niyang hinagilap kung masaan ang babae at nakita itong nakaupo sa hindi kalayuan at kasama ang ilang kareristang katunggali. Sa kinalalagyan ay malayang nakikita ang bawat galaw ng babae.
Magaslaw itong gumalaw. Pansin din niya ang tila komportableng pakikipag-usap sa mga lalaking kasama na para bang ang tagal-tagal na niyang kasama ang mga ito. At ang kakaiba sa lahat ang istilo ng pananamit nito. Masyadong daring at hindi naaangkop ang kasuutan sa lugar kung nasaan sila.
Masayang nakikipagtawanan si Gail sa mga kasamahang karerista nang gambalain siya ng kaibigan. "Gail, tinakbo daw nila Manang Lising ang nanay mo sa ospital," walang prenong saad nito matapos may tumawag dito sa cellphone.
"Ha?!" nasambit lang niya sa kabiglaan at agad na tumayo. Mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ng kaibigang si Carlito upang kunin ang perang napanalunan.
Mabilis nilang nilisan ng kaibigan ang lugar na iyon. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib sa muling pag-atake ng sakit ng ina. Hindi pa man sila nakakabawi sa pagkakaospital nito dalawang buwan ang nakakaraan ay ito na naman sila. "Diyos ko," impit na wika habang lulan ng tricycle patungo sa ospital na pinagdalhan sa ina.
"Huwag kang mag-alala, alam kong makakaya mo 'yan. Ikaw pa!" pagpapalakas ng loob ng kaibigan sa kanya.
Nang ganap na marating ang ospital ay mabilis na nakita si Aling Lising. Tila naman naginhawaan ang matandang kapitbahay nang makita sila nito. "Manang kumusta po si Inay," aniya rito.
Malungkot na timungin sa kanya ang matanda. "Sabi ng doktor ay malubha na ang kalagayan ng iyong ina," anito habang papasok sa ward na kinalalagyan ng ina.
Doon ay tumambad ang inang nakaratay sa ospital bed at may nakakabit na malalaking tubo sa ilong at bibig nito. Maya-maya pa ay may dumating na nurse upang i-check ang kalagayan ng ina.
"Ma'am, kayo po ba ang anak ng pasyente?" magalang na tanong nito sa kanya matapos kuhanan ng vital sign ang ina.
"Opo, kumusta po ang Nanay ko?" aniya.
"Mabuti pong si Dok Mallari na lang kayo magtanong tungkol sa kalagayan ng inyong ina. Para lubos niyo pong malaman ang kalagayan ngayon ng inyong ina," wika nito saka tuluyang magpaalam sa kanila matapos makuha ang vital signs ng ina.
Nanlulumo siyang napaupo sa mono-block na naroroon sa pwestong ulunan ng inang nakahiga.
Isang mabining tapik sa balikat ang naramdaman. Galing iyon sa kaibigang si Dinky. "Mabuti pa siguro ay umuwi na muna kayo ni Aling Lising at ako muna magbabantay sa inang mo. Makapagpalit ka na muna at makakuha ng ilang gamit mo," presinta nito sa kanila.
"Pero bago tayo umuwi mas mabuti sigurong kausapin mo muna ang doktor para malaman natin ang kondisyon ng iyong ina," pukaw naman ng matanda sa kanila.
Kaya minabuting tunguhin ang kinaroroonan ng doktor. Doon ay nakitang may ilang pasyente ito kaya kinailangan niya munang maghintay.
Nang makitang huli na ang pasyente nito ay pumasok na siya sa loob ng kuwarto na nagsisilbing opisina nito.
Tinignan siya nito ng mula ulo hanggang paa. Sanay na siya sa ganoong tingin ng mga taong nakakakita sa kanya. Lalo pa siguro dahil sa pag-iyak ay nagpulasan na ang makapal na foundation at eye liner sa kanyang mukha.
Tumikhim ang doktor nang makabawi ito. "Yes, what can I do for you?" anito.
"Ah, Dok-" alanganing panimula niya. "Ako po ang anak ni Teresita Gonzalgo. Nais ko po sana kayong makausap," aniya.
Sa narinig ay tumayo ang doktor upang makipagkamay sa kanya. "Mabuti naman at pumunta ka rito, Miss Gonzalgo. Kanina pa kita hinihintay para ipaliwanag sa'yo ang lumalalang kondisyon ng iyong ina," anito. "Alam kong alam mo ang sakit nito dahil napag-alaman kong dumadaan ito sa gamutan. Pero kinalulungkot kong sabihin na hindi na kinakaya ng gamot ang lagay ng iyong ina," mahabang dagdag pa nito.
Sa narinig pa lang iyon ay nanlumo na siya. Hindi niya alam kung papaano ang gagawin kapag tuluyan na itong mawala.
"Malala na ang kundisyon ng iyong ina. Kaya makakabuti ay simulan na natin ang rekonstraksyon dito sa pamamagitan ng dialysis," patuloy na eksplika ng doktor.
'Dialysis' salitang umugong sa isip buhat sa mga sinabi ng doktor. Saan siya hahagilap ng pera para matustusan ang dialysis ng ina kung sisimulan nga nila ang gamutan nito sa pamamagitan noon. Kung sa gamot nga ay hirap na hirap na siyang igapang, dialysis pa kaya.
Napansin ng doktor ang pagkatigagal niya. "Alam kong malaki-laking pera rin ang kakailanganin mo dito, Miss Gonzalgo pero nasa sa'yo ang pasya para sa kaligtasan ng iyong ina." Pagtatapos ng doktor sa kanilang usapan dahil kumatok ang isang nurse at tinawag ito dahil may emergency raw.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin muna ang payo nang kaibigang si Dinky. Uumuwi na muna siya upang kumuha ng ilang gamit nilang mag-ina nang madatnang nagkalat ang lahat ng gamit nilang mag-ina sa labas ng inuupahang barong-barong.
Mabilis na hinakot ang mga ito nang makitang palabas mula sa bahay na inuukupa nila si Mang Gusting ang may-ari ng inuupahang bahay.
"Mang Gusting bakit naman ganito?" maktol dito.
"Aba! Ikaw pa gana magalit?! Iha, pinapaupahan ko ito. Dito sa bahay na ito ako nabubuhay pero wala ka yata balak magbayad ng upa. Limang buwan na akong nagpapasensiya pero maging pasensiya doon sa bakery sa kanto ay ubos na. Kaya ubos na ubos na rin ang pasensiya ko," anito sabay kampay ng malaki nitong abaniko.
"Parang awa mo na po. Huwag lang ngayon dahil nasa ospital ang Nanay ko. Please po, Mang Gusting magbabayad naman ako, eh," iyak na niyang makaawa sa matanda. Doon lang siya naiyak sa harap ng mga kapitbahay. Ang kilala nilang si Gail ay seksi, palaban at astig ngayon ay tila basang sisiw na walang masilungan.
Marami ng kapitbahay nila ang nakikiusyoso sa kanila ngunit wala na siyang pakialam anuman ang isipin ng mga ito. Halos maglumuhod siya sa paanan ni Mang Gusting huwag lang siya nitong paalisin.
"Maawa ka po, promise magbabayad po ako. Bigyan mo ako ng tatlong araw," makaawa pa rin dito.
Ngunit hindi natinag ang matanda at tuluyang kinandado ang pintuhan. "Bumenta na yan sa akin. Ganyan na ganyan din ang sinabi mo noomg nakaraang naospital ang iyong ina. Iha, hindi ko kayo pinatira sa bahay ko para malibre," anito saka nagmartsa paalis sa lugar kasama ang dalawang alalay nito.
Wala siyang nagawa kundi samsamin lahat ng nagkalat na gamit. Hilam ng luha ang kanyang mukha nang makitang papalapit sa kanya si Aling Lising. "Hala, ayusin na natin itong gamit ninyong mag-ina at iwan mo muna sa bahay pansamantala habang naghahanap ka ng malilipatan," awang-awang wika nito.
Hapong-hapo na siya sa puro problemang kinakaharap. Tatlong libo lang ang pera niya na siyang kinita sa karera kanina. Kung uupa siya ng malilipatan ay wala naman siyang pambili ng gamot ng ina o kaya ay pambayad sa ospital.
Buhat sa nagkalat na gamit ay agad na hinagilap ang maruruming damit niya at hinanap ang isang tarheta na alam niyang makakatulong sa kanya.
Doon ay agad naman itong nahanap. 'Isang milyon kapalit ng tatlong buwang serbisyo,' umuugong sa kanyang utak ang sinabing iyon ng matanda. Sabi niya, handa niyang hamakin ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang ina.