Chapter 22

1601 Words
Natapos ng matiwasay yung 3 days midterm exam namin. Saktong Friday natapos yung exam and wala yung prof naming sa P.E by Saturday kaya 2 days break kami. Chineck ko yung bag ko na may lamang mga damit, matapos makitang kumpleto ang lahat ay sinukbit ko yung bag sa balikat ko. 9 a.m pa lang naman. Nilock ko yung bahay pero natigilan ako ng makita yung sasakyan ni Sir Midnight sa labas. Tinted ang loob pero kabisado ko kasi yung sasakyan niya na madalas nitong gamitin pag pupunta siya ng coffee shop. Lumapit ako at kumatok sa bintana. Binaba ni Sir Midnight yung bintana ng sasakyan. “Hop in, Lili” walang paligoy ligo na sabi nito. Nagtaka ako. “Aalis kasi ako Sir, saan po ba kayo pupunta? Pwede ko pong tawagan si Tenshi para masamahan kayo” kumunot ang noo nito na mas lalong nagpaseryoso sa kaniya. Kapatid ni Sir Grey si Sir Midnight, pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Si Sir Grey kasi masiyahin at palangiti samantalang si Sir Midnight ay poker face lagi at seryoso. Mahirap din siyang basahin if ever na nagkamali ka sa trabaho hindi mo alam if galit ba ito kahit na sinabi niyang it’s okay. “I know, pinapunta ako ni Grey” matipid na sabi nito. Hindi din palasalita si Sir Midnight kaya dapat ianalyze pa yung sasabihin niya para maintindihan. “Bakit daw po kayo pinapunta Sir?” umarko ang isang kilay ni Sir Midnight meaning nun ‘what do you think?’. Oo, alam ko meaning nun. Sa maikling panahon na kilala ko si Sir Midnight ay naobserve ko na yung gusto nitong iparating sa simpleng kilos lang. Yung nagturo sa akin ng bawat meaning ng kilos nito ay yung bunso nilang kapatid na nagtatrabaho din sa bar minsan. Si Eclipse. “Hindi niyo naman po kailangang ihatid ako Sir, malayo po ang pupuntahan ko” hindi pa din bumababa ang naka arkong kilay ni Sir Midnight. “Sakay” seryosong sabi nito, hindi yun sentence more on command. Kaya naman napabuntong hininga ako at binuksan ang passengers’ seat at sumakay. Ano pa bang magagawa ko? Hindi pa naiinis si Sir Midnight sa lagay na yan pero intimidating na siya, paano pa kapag naubusan siya ng pasensya sa akin. “Sir sa Nueva Ecija po ako pupunta” pag amin ko, ang layo ng Pampanga at Nueva Ecija. Mga 2 hours travel time. Sinilip ako ni Sir Midnight sa gilid ng mata niya at umarko ang kilay nito, hindi yun ganun kataas. Ibig sabihin nun ay ‘alam ko’. “Sinabi po ba ni Sir Grey? Sa sakayan lang sana Sir” turan ko dito, ayoko namang magdrive si Sir ng 2 hours dahil sa akin, nakakahiya. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito. “Shut up” maikling sabi nito, natahimik ako. Ibig sabihin nun wag akong maingay at ihahatid niya ako sa Nueva Ecija. Mahina akong napabuntong hininga, gusto ko sa tahimik na lugar at tahimik na tao yung hindi ka nila pakikialaman or titingnan pero ibang level kasi si Sir Midnight. Tahimik siya pero bawat salita na sasabihin at bawat kilos niya ay kailangang iinterpret ko pa. Nakakasakit ng ulo mag isip minsan. Tumingin ako sa labas ng bintana at dinikit ang ulo ko doon, inaantok pa ako. Wala akong tulog kagabi, after nung first exam ay wala akong tulog. Namimiss ko sina Papa kaya naisipan kong pumunta ng Nueva Ecija after exam para dalawin sila. “Here” napalingon ako kay Sir Midnight na may inabot na travel pillow. Ngumiti ako ng kauntiat kinuha yun. “Salamat Sir” isang mahinang ‘hmm’ ang natanggap ko. Sinuot ko sa leeg yung travel pillow at sumandal doon. Pumikit ako at natulog. Antok na antok kong sinampal ang kung anong bagay na sumusundot sa pisnge ko. Pero mawawala lang yun at babalik ulit sa ginagawa niya sa pisnge ko. “Ano ba? Ang daming langaw” inis na sabi ko, lutang pa ako at inaantok pa. “Langaw ako?” agad akong nagdilat ng makita ang mukha ni Sir Midnight na nakakunot ang noo at madilim ang ekspresyon. Lahat ng antok sa katawan ko ay nawala. Na oofend ko ata siya. Mabilis akong umiling. “Sir hindi, nanaginip po kasi ako na may langaw na dumadapo sa pisnge ko” wrong choice of words dahil sumama ang titig niya sa akin. “Labas” flat na sabi niya, walang kahit na anong expression sa boses nito pero alam kong galit siya. Bakit kasi ako natulog? Naooffend ko tuloy si Sir. Bumaba ako ng sasakyan at balak sanang kunin sa likod ng passenger seat yung bag ko nang bumaba din ng sasakyan si Sir Midnight. “What are you doing?” natigilan ako at tiningnan si Sir. Nakakunot na naman ang noo niya. I know what he means. “Ibabalik ko po sa loob yung travel pillow” tumango ito, Binalik ko sa passengers’ seat yung travel pillow at sumunod kay Sir Midnight na pumasok sa isang fast food chain. Sinenyasan ako ni Sir na humanap ng mauupuan na siyang ginawa ko. After makabalik ni Sir Midnight ay nilapag niya ang dalawang order ng burger steak at spaghetti. “Eat” simpleng command nito, tumango ako. At nagsimulang kumain, hindi din naman ako pwedeng tumanggi. Utos niya yun. Kita ko na naglabas ng cellphone si Sir Midnight at may ginawa doon. Ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula na itong kumain matapos ibulsa yung phone, nagstart na din akong kumain by that time. Tahimik lang kaming kumakain ni Sir Midnight, at dahil walang nagsasalita kahit isa sa amin ay mabilis naming natapos yung pagkain. Tiningnan ko si Sir Midnight, nakatingin din siya sa akin. Umarko ang isang kilay niya na favorite nitong gawin at kinuha yung plato ko na walang laman. Maayos niyang pinagpatong yung apat na plato at yung mga napkin na tinupi niya matapos niya itong pinangpunas ng lamesa, nilagay ni Sir Midnight yung kutsara at tinidor sa itaas ng tinuping tissue at tumayo para ihatid yung mga plato sa designated area ng fast food. Tumayo ako at sumunod kay Sir Midnight, pagkatapos niyang ibalik yung mga plato ay dumiretso ito palabas, papunta sa sasakyan nito. Sumakay kami sa sasakyan niya at nagpatuloy si Sir sa pagdadrive. Ilang minuto after nitong magdrive ay nagring ang phone ko. Unknown number kaya naman pinatay ko. Tahimik sa loob ng sasakyan, hindi hilig ni Sir na magbukas ng radio tuwing naisasabay niya kami ni Tenshi sa pag uwi galing sa trabaho. Ring….. Ring….. Ring….. Kunot noo kong tiningnan yung tumawag, unknown number. Ito yung number na tumawag kanina, 08 ang huling number. “Answer it” napalingon ako kay Sir Midnight, nagtataka man ay sinagot ko iyon at niloud speaker. “Hello! Sino po si—” “Why do you block my number and my account?!” muli kong tiningnan yung cellphone ko. “Sir?” nagtatakang sabi ko. “Anong Sir? It’s Duke!” kumunot ang noo ko, bakit siya tumatawag eh halata namang ayaw ko siyang makausap kaya nga nakablock siya sa social media at yung number niya. Pambihira, gumawa talaga ng paraan para matawagan ako na hindi ko naman na aappreciate. Bumuntong hininga ako. “Bakit po kayo tumawag?” kalmadong sabi ko. “Why did you block me?!” nagsalubong ang kilay ko, hindi pa ba halata? “Kasi ayoko pong makausap kayo at diba po tinapos ko na yung laro natin” seryosong paliwanag ko. “I never agree to that!” inis na sabi nito sa akin sa kabilang linya, natahimik ito at rinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Wait for me, may tatapusin lang ako then after that I’ll give you an explanation.” Explanation for what? Nilinaw ko naman sa kaniya yung saloobin ko, pero parang wala itong naintindihan. “Kahit wag na Sir” mahinang sabi ko. “Anong sabi mo?” matalas din pandinig niya. “Bahala ka” napapagod na sagot ko. “Mageexplain ako sayo after ng ginagawa ko pero ikaw! Dapat mag explain ka sa akin” naguluhan ako sa sinabi niya, bakit ako magpapaliwanag sa kaniya at ano ang ipapaliwanag ko sa kaniya? “Anong pong eexplain ko?” “Yung photo sa story ni Midnight sa social media, Bakit kayo magkasama at mukhang nagdadate?” nagulat ako sa sinabi ni Sir at agad na nilingon si Sir Midnight na seryosong nagdadrive. Kinuhanan ako ng picture ni Sir Midnight? Para namang imposible. “Hindi naman Sir” “Anong hindi? Hindi kayo magkasama ngayon?” muli kong nilingon si Sir Midnight. Huminga ako ng malalim, ang daming tanong. “Magkasama po” “Bakit kayo magkasama?!” nakakairita si Sir. “Wala na po kayo doon. Sige na ibababa ko na toh” “Wait!” nilayo ko yung phone sa akin, ang lakas ng boses niya at nakaloud speaker pa ako. Muli akong bumuntong hininga. “Unblock mo na ako” ayoko. “Ayoko, Sir. Wag niyo muna akong istorbohin habang hindi pa kamo kayo nageexplain” kahit ano pang ipaliwanag niya ay buo na ang loob ko na tapusin yung laro naming. “Fine” “Sige, bye.” “Wait!” nakaka ilang buntong hininga na ako sa araw na ito at lahat ng yun ay si Sir ang dahilan. “Ano na naman po?” “Wait for me, huwag kang makipag date sa kahit na sino. Hintayin mo ako, Lili. I promise that I’ll give you a reasonable explanation pagbalik ko” natigilan ako sa sinabi niya at kumunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD