Chapter 21

1941 Words
"Tapos ka na?" tanong ni Tenshi sa akin after niyang magpasa ng bubble card. Kaming dalawa na lang ang nasa room maliban sa lalaki naming proctor. Hindi ko alam if confident lang ba talaga yung mga kaklase ko sa sagot nila or hinulaan lang nila yun. Ang bibilis kasi magpasa ng paper. "Wait" agad kong niligpit yung bubble card, pencil at scratch paper ko sabay punta sa proctor para iabot yung sagot ko. After nun ay pinasok ko sa bag yung scratch paper at pencil sabay sukbit nun sa balikat ko. "Tara" yaya ko kay Tenshi. "Ano answer mo sa number 24?" kumunot ang noo ko, after kong mag exam kinakalimutan ko na talaga yung mga tanong. Automatic na yun na parang program sa utak ko. "Anong tanong?" “Yung sa James Company, hinahanap yung prime cost. Ano sagot mo doon?” inalala ko yung tanong doon pero not sure kung yun ba talaga yung tinutukoyni Tenshi. “Yan ba yung material purchased 84,000?” “Oo the yung choices may 144,000 tas 138,000 and 140,000. Ano sinagot mo?” “Letter B yung 138,000” “Shuta dapat talaga nagbawas ako ng 10,000 sa sagot ko” kumunot ang noo ko, ano daw? “Nagbawas ng 10,000? Eh wala namang 148, 000 sa choices Tenshi” “Yun na nga eh, yung nakuha kong sagot 148k eh wala sa choices so doon ako sa pinakamalapit. Letter A sagot ko” napailing ako dito, pambihira. “Okay lang yan, malay mo naman mali yung sagot ko” “Sus! Wag ako Lili, ganda at IQ lang meron ka. Speaking of IQ yung sagot doon sa papel na dahilan kung bakit muntik kang pagbintangang cheater ay mali mali. Magpapasahan na nga lang ng sagot mali pa!” tumingin ako kay Tenshi. “Paano mo nasabing mali?” “Kasi iba yung sagot mo doon sa papel na yun” kumunot ang noo ko. “Malay mo naman yung sagot ko pala yung mali, yung iba doon hinula ko lang eh” tumaas ang kilay ni Tenshi at umirap sa akin. “Hula mo mukha mo. Edi ang galing mo namang manghuhula, last sem mo pa sinasabi sa akin yan pero kita mo naman ikaw lagi highest” napailing ako, hinula ko naman talaga yung 2 to 3 items sa exam. “Chamba lang yun Tenshi” “Wag ako, Lili! Mainit ang ulo ko sa cost accounting exam natin. Baka dikita matansya at ilipat ko yung utak mo sa ulo ko” mahina akong natawa, ang pikon niya ngayon. Lagi naman pala. “Ay Sir, hello po” napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa harap. Nandun si Sir Owen na nakasakay sa sasakyan niya at nakabukas ang bintana. Paaalis na ata siya. “Hello Tenshi and Lili” ngiting sabi ni Sir Owen “Uwi na kayo?” “Ay opo sir. Sakay po kami ng jeep” hindi dala ni Tenshi yung sasakyan niya kasi pinagbawalan daw siya magdrive ng parents niya, paano ba naman lasing ng umuwi siya sa kanila, nahuli tuloy siya. “Sabay na kayo sa akin” agad akong umiling, sobra sobra na yung tinulong ni Sir Owen sa amin. “Hindi na po, Sir. Okay lang po kami” tanggi ko. “I insist, sige na hatid ko na kayo. Maraming student ngayon baka matagalan kayo sa pagsakay ng jeep” may point si Sir, pero nakakahiya pa din. “Okay lang po ba sir?” agad na singit ni Tenshi, gulat ko siyang tiningnan pero ang isa ay titig na titig lang kay Sir Owen. Crush nga pala niya si Sir. “Oo naman. Come on, hop in” agad akong hinila ni Tenshi sa likod ng driver’s seat. “Sir sa likod na lang po kami” sabi ni Tenshi “Isa sa inyo sa harap para maturo sa akin kung saan bababa” “Si Tenshi na lang po sa harap, mas komportable po ako sa likod” singit ko, Sir Owen smiled at tumango. “Okay lang, kung saan kayo komportable” pagkasakay namin sa sasakyan ni Sir ay nagsimula na itong magdrive. “By the way, Kamusta exam?” tanong ni Sir Owen habang nagdadrive. “Ayos naman, Sir. Feeling ko naman po papasa ako” tumango si Sir at ngumiti, nakita ko pa ang pagtingin niya sa rearview mirror. “That’s good, so 4 years from now may future CPA na ang school.” “Sir hindi! First year pa lang gusto ko na lumipat ng course, nakakastress po yung Accountancy.” Natawa si Sir Owen, ang daldal talaga ni Tenshi. Parang kanina lang mainit ulo niya. “Lahat naman siguro ng course nakakastress.” Muling tumingin si Sir Owen sa rearview mirror, kanina ko pa napapansin ang pagtingin tingin niya dun kaya naman tumingin ako sa likod kung may sasakyan bang sumusunod sa amin. Nakarinig ako ng mahinang tawa. “Soryy, I’m just checking if okay ka. Tahimik mo kasi” sabi ni Sir Owen habang nakatingin sa rearview mirror, kita ko ang kulay tsokolate niyang mata. “Pasensya na Sir, hindi ko po alam kung anong sasabihin” naguunawang tumango siya. “Hindi naman kayo na trauma sa nangyari kanina? sorry ulit dahil naranasan niyo yun. Dibale, I’ll talk to the professor or mas better if magpapaseminar kami to avoid the same situation in the future.” “Okay na po kami, Sir. Salamat sa pagtulong niyo” “Oo nga po pala, Sir. Thank you kanina, alam niyo po kayong dalawa lang po ni Boss Midnight yung nakilala kong mayaman na mapagkumbaba. Ibang iba sa mga napapanood ko” napangiti si Sir Owen sa sinabi ni Tenshi. “Binobola mo ba ako?” natatawang wika nito “You don’t have to do that, kahit sino naman gagawin yun. Lalo na ayoko namang mawalan ng future topnotcher ang school” “Topnotcher baka po si Lili yun, ako po masaya na makapasa lang” “Ay sir dito na lang po ako” sabi ni Tenshi sa tapat ng subdivision. “Hatid na kita sa loob” “Hindi na po, susunduin ko pa po yung kapatid ko diyan sa tabi ng school” tinuro ni Tenshi yung integrated school malapit sa subdivision nila. “Sure ka?” concern na tanong ni Sir Owen. “Opo, sir.” Sinilip ako ni Tenshi “Pakiingatan na lang po si Lili, Sir” binuksan ni Tenshi yung pinto ng sasakyan at lumabas, dumungaw pa ito sa bintana. “Oo nga po pala Sir, kapag nagjoke si Lili wag niyo papakinggan. Wala yang humor at minsan dark pa, baka uminit ulo mo” tinaasan ako ng isang kilay ni Tenshi sabay takbo ng mabilis paalis. Nanira pa talaga bago umalis. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Owen, sumilip ito sa rearview mirror ng nakangiti. Nagsmile ako ng konti, sige kung saan masaya si Sir. “Close talaga kayo noh? You’re both lucky to be friends, minsan lang makahanap ng kaibigan na katulad niya” kaibigang naninira, pero maliban doon ay tama si Sir maswerte nga ako. Maswerte pa pala ako. “Gusto mo bang lumipat sa harap or mas komportable ka diyan sa likod?” sinukbit ko yung bag ko sa balikat, lilipat na lang ako sa harap. Ang panget naman kung nasa likod ako, ginawa pang driver si Sir Owen. “Lipat na lang po ako diyan sa harap, Sir” nawala yung ngiti ni Sir Owen at bahagyang nagseryoso. “Sigurado ka? Kung hindi kakomportable sa harap, okay lang. Walang mamimilit sayo sa bagay na hindi mo gusto” natigilan ako at tinitigan si Sir, kita ko yung care sa mata niya. “Okay lang po ba?” mahinang sabi ko, napangiti ito umabot sa mata niya yung ngiti. “Oo naman” sinimulan ni Sir paandarin yung sasakyan “Ang importante sa akin mahatid ka ng ligtas at komportable, but Lili—” alanganing tumingin sa akin si Sir Owen. “Bakit po?” “Baka pwedeng dumaan tayo sa fastfood? Kung gusto mo drivethru lang, nagugutom na kasi ako” paalam nito, kumunot ang noo ko. Bakit siya magpapa alam eh sasakyan niya naman toh? “Kung pagod ka naman na, hatid na lang muna kita” umiling ako, nakita ata ni Sir yung pagkunot ng noo ko. “Okay lang sir, hindi niyo naman po kailangang magpaalam sa akin” mahina itong natawa. “Sorry, naghahanda lang ako sa future” kumunot ang noo ko, Future saan? “Future po?” “Secret. I’ll tell you in the future” natatawang sabi nito. Pinarada ni Sir yung sasakyan sa isang mall. “Saglit lang ako, wala kasing drive thru dito sa fastfood. Take out ko lang” kahit itake out pa ni Sir yung pagkain hindi siya agad makakakain niyan. “Gusto niyo po ba dine in na lang. Samahan ko na po kayo” concern na sabi ko, ayoko namang maka abala pa lalo na pati pagkain niya ay mahuli dahil ihahatid pa niya ako sa bahay. “Talaga!” kita ko na nasiyahan si Sir, tumango ako. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. “Then, let’s go” lumabas kaming sasakyan at pumasok sa fastfood. “2 Paa Inasal, unli rice” nagtaka ako, bakit dalawa? Lumingon sa akin si Sir after mag order. “Kain ka ah” sabi nito pag upo namin sa table. “Hindi niyo naman po kailangang bilhan pa ako. Busog naman po ako eh” “Well, magiging honest ako sayo. I want to take you out on a date, yung hindi ka magiging uncomfortable. Kaya pasensya ka na if hindi kita nasabihan na magoorder ako for the two of us” straightforward na sagot nito. Ako? Idadate niya? Akala ko si Tenshi ang gusto ni Sir kasi parang nag enjoy siyang kausap si Tenshi. “Did I make you uncomfortable? Ang creepy ba?” kita ko yung takot at hesitation sa mukha ni Sir Owen. Umiling ako. “Hindi naman po, ang smooth niyo nga po eh” biro ko dito, natawa si Sir. “So, 1st date natin toh ngayon” masayang sabi niya. He looks happy. “Pero Sir diba po ang panget nama kung idadate ko kayo while I’m dating your friend” nawala yung ngiti ni Sir at bumuntong hininga. “Hanggang kailan kayo magdadate ni Duke?” umiling ako, hindi ko pa sigurado kung bigla itong susulpot at ipipilit yung 2 months and 2 weeks or natauhan na talaga siya sa sinabi ko. “Hindi ko din po alam if titigilan na ako ng kaibigan niyo.” “Gusto kitang tulungan but knowing Duke hindi yun magpapapigil. How about this?” pinatong ni Sir yung dalawang kamay niya sa lamesa at pinagintertwin yung kamay niya. “Can you date me kapag tapos na yung pakikipag date mo kay Duke, willing naman ako maghintay and if comfortable ka sa akin” natigilan ako at tiningnan si Sir Owen, kita ko na sincere siya pero hindi ko pa din ganun kakilala si Sir. But yes, somehow komportable siya kasama. Marespeto sa personal space, mabait at hindi namimilit. “You don’t have to answer now, Lili. Pwede namang under probation pa ako” biro niya habang nakangiti at nakatitig sa akin. Isa lang yung tanong ko ngayon. Why me? Noong una si Sir Duke now si Sir Owen. Ano bang nakikita nila sa akin na hindi ko nakikita sa sarili ko sa tuwing titingin ako ng salamin. Hindi naman ako kagandahan, far from perfect. Kung ako kasi hindi ko gugustuhing idate ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD